Chapter 13 - Challenge

277 88 14
                                    

Crayson's POV


Napabangon ako galing sa pagkakadapa sa maruming sahig. 


Napaubo pa ako dahil sa usok na aking nalalanghap. Tumulo ang ilang patak ng pawis galing sa aking mukha. 


Ang init ng paligid.


Inaninag ko ang buong lugar. May nakita akong malaking kama at maliit na drawer na may nakapatong na lampshade. Napansin ko rin ang piano sa gilid ng mesa na malapit sa  nasusunog na bintana.


Pamilyar ang kwartong 'to.


Tama! Dito ko nakita at niligtas sila Kris! Ibig sabihin...nasa bahay ako nila na nasusunog!?


Bakit ako andito?


Ito na siguro ang challenge. Napatingin ako sa wrist ko ng may maramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong. Isang metal bracelet! Kailan pa ako nagsuot ng ganito?


 May mga pulang numero na nakalagay dito. Isang timer!


58:10


58:09


Nagmadali akong pumunta sa pintuan para ito ay buksan pero nakalocked ito! Kailangan ko ng susi!


Teka lang... saan na yung babaeng itinulak ko? Siya na yung partner ko sa tasks na gagawin di ba? Mamaya ko na lang siya iisipin, ang mahalaga ay makalabas muna ako sa kwartong 'to!


Tumatagaktak na ang aking pawis sa sahig. Napatingin ako sa kabuuan ng silid. May biglang lumitaw na mga letra sa dingding na ginuguhit na umaapoy-apoy pa. Hindi ko ito mabasa ng maayos dahil sa usok sa paligid.


Lumapit  pa ako sa dingding para makita ko nang maaayos yung nakasulat ng masagi  ko ang umaapoy na kurtina sa bintana.


Arggh! Akala ko ba ilusyon lang to!? Nakaramdam ako ng tunay na sakit sa aking balikat. Mamula-mula pa ang balat nito na nalapnos. Tch! Okay lang, gwapo pa rin naman ang balikat ko.


 Nagpatuloy akong maglakad palapit sa dingding.


Nang makalapit na ako ay binasa ko ang nakasulat.


'I am full of keys, but I can't open any door. What am I?'


Nangunot ang aking noo. Bugtong  talaga? Mahina pa naman ako sa mga ganito!


Napahinto ako sa pag-iisip. Naghahabol na ako ng hininga dahil sa usok na nagkalat. Napatabon  ako sa aking baba at ilong. Mabuti na lang at hindi pa gaano malaki ang apoy!

Dapat ko ng bilisan mag-isip ng paraan. Ang bugtong siguro ang sagot para makalabas ako dito!


She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon