Chapter 8 - Behind the Mask

398 108 36
                                    

Crayson's POV


D-dugo!


Bumukas ang sugat ko sa likod! Yung may benda!


"Kuya sumama ka na! Duon tayo maghapunan sa amin, ipapakilala din kita kay ate Ai!"  masayang sabi ni Kris.


"A-ah! May gagawin pa ako, s-sige uwi na muna ako." Mabilis akong naglakad palayo sa kanila ng hindi man lang nakapagpaalam ng maayos.  Rinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko ngunit  nagkunwari na lang akong hindi ko narinig dahil baka mapansin nila ang dugo sa likod ng damit ko.


Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking sugat sa likod. Mabilis akong nakauwi dahil na rin sa lakad-takbo kong ginawa.


___


Nakaupo ako sa kama habang nililinis ko ang aking sugat. Mahirap may nagawa kong baguhin ang benda sa aking likod at tiyan. Mapapansin ang maliit kong tattoo malapit sa aking dibdib. Hugis tatsulok  ito na itim na may tatlong bilog sa dulo ng mga linya. Simula pa lang pagkabata ay andito na 'to kaya hinayaan ko na lang. 


Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin. Napatitig ako sa mukha ko. Bigla akong nagpogi sign sa harap ng salamin pero nagmistulang pwet ang aking pagmumukha. 


Napasimangot ako.


Tadtad ito ng mga malalaki at maliliit na tigyawat na samahan mo pa ng malaking lunal sa gilid ng aking labi at kilay na parang ewan.


Idagdag pa ang salaming may malalaking bilog ang nakaharang sa aking mga mata. 


Napabuntong hininga ako. Matagal-tagal na rin pala simula ng ginamit ko ang mukhang ito.


Tinanggal ko ang salamin sa aking mga mata. Kumuha ako ng malamig na tubig sa maliit na ref at binuhos ko ito sa aking mukha.


Unti-unti kong tinatanggal ang face mask na nakadikit sa buong mukha ko. Ako ang nag-imbento nitong face mask para matago ko ang katauhan ko. At hindi rin ito basta-bastang natatanggal. Walang nakakaalam nito maliban lang kay nanay.


Nilagay ko ito sa ibabaw ng kabinet at tumingin ulit sa salamin. Nakita ko ang isang maputi at makinis na mukha. Kulang ang salitang kakisigan para mailarawan ang mukhang ito. Masyadong perpekto. 


Idagdag mo pa ang mga matang kulay abo. Malayong-malayo sa Cray na nakikita at nakilala ng mga tao.


Napabuntong hininga ulit ako ng malalim.


Kung ako ang papipiliin, mas pipiliin ko talaga ang gwapo kong mukha kaysa sa pagpapapanggap ko ngayon. 


Pero isa ito sa naging dahilan kung bakit nawala siya sa akin.


Isa ito sa malaking hadlang kung bakit hindi ko magawa ang mga gusto ko. Hindi matahimik ang buhay ko dahil sa mukhang ito. Kaya mabuting magpanggap na lang sa ibang katauhan, yung hindi ka mapapansin ng kahit sino. Yung tipong lalayuan ka nila dahil sa itsura mo. Sa ganung paraan ay walang magiging sagabal at magiging malaya ka.


Masyado na akong madaming napagdaanan simula pa nung bata pa ako hanggang sa nagbibinata ako na nagpatrauma sa akin. 


Naranasan ko ng mabully at maloko. Madami ang ayaw sa akin dahil sa pagkahilig ko sa mga kakaibang bagay. Freak pa nga ang tawag nila sa akin nuon dahil hindi rin ako nakikisalamuha sa mga batang kaedad ko. Madami ring gustong makipagkaibigan sa akin dahil na rin siguro sa taglay kong kakisigan kahit nung bata pa lamang ako ngunit alam kong mapagpanggap lamang sila. Kahit ang mga babae ay natatakot lumapit sa akin dahil hindi rin naman ako tumutugon pagtinatanong nila ako. Sa totoo lang ay gustong-gusto kong magkaroon ng madaming kaibigan  pero mahiyain talaga ako nuon. Sinubukan kong makihalubilo sa kanila at kinaibigan naman nila ako pero may kasama itong patalim na pag tumalikod ako ay isinasaksak nila sa akin.  


Masasakit na salita at iba't-ibang klase ng pambubully na patalikod. Hindi rin naman ako  nagsusumbong kay nanay dahil alam kong madami siyang inaalala at inaasikaso. Sa laki ba naman ng bahay-ampunan at iba pang mga sangay nito ay mahirap talagang pamahalaan. 


Hanggang sa nakilala ko siya. Ang pinakauna kong naging tunay na kaibigan na kalauna'y iniwan rin ako dahil sa mga kadahilanang ako rin ang may gawa. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makabawi dahil naging huli na ang lahat.


Nung nagbibinata na ako, akala ko ay magiging maayos na ang buhay ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi, mas lalo pa ngang lumala. Nung una , akala ko ay masaya magkaroon ng madaming stalkers at admirers ngunit kalauna'y hindi na nakakatuwa.


Naranasan kong makulong sa comfort room ng buong araw dahil kinuha ang mga damit ko kasama ang mga panloob. Ang kumuha? Mga babaeng baliw na naghihintay sa labas ng cr na may mga dalang camera at handa akong kunan ng litrato kung sakali mang lumabas ako ng walang saplot. Mabuti na lang at tinulungan ako ng isa sa mga janitor ng bahay-ampunan.


Isang gabi habang natutulog ako ay may nagbukas ng nakalock na pinto sa kwarto ko. Kung paano niya nagawa 'yon ay hindi ko alam. Kinunan niya ako ng litrato at tumabi pa sa akin sa kama. Muntikan na akong magahasa! At ang mas nakakagulat ay isa itong babae! Isang pusong babae na may balbas ang pumasok sa  kwarto ko! Isa ito sa hindi ko malimut-limutang karanasan.


Madami pa akong  naranasang hindi kanais-nais sa kahit saang lugar at hindi ko kayang isa-isahin lahat.  


Kaya nagdesisyon akong umalis at baguhin ang aking katauhan.


Madami na akong pagkakamali at hindi ko hahayaang maulit iyon.


Ito ang bunga ng lahat.


 Ito ang desisyon ko at naging dahilan para tumahimik na ang buhay ko.


Bagong simula na rin ito para sa akin.


Napatitig ako ulit sa repleksyon ko sa salamin. Ito na ang huling masisilayan ko ang pagmumukhang ito. 


Binalik ko na ang face mask sa aking mukha. Balik sa nakagawian.


Ang Crayson na kilala ng lahat.


***


A/N: Support this story by voting and giving comments. Thank you.


She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon