Crayson's POV
Napaatras ako ng isang hakbang. Nakakatakot ang kanyang hitsura. Naging anyong lobo ito na may malalaki at matutulis na ngipin at kulay pulang mga mata. Kulay asul nga lang ang makapal na balahibo nito na may mahabang tenga at malaking buntot.
Naging halimaw ang aso ko!
Ano ang ginawa nila sayo ALI?
Napaatras ako ulit ng ilang hakbang, nakatingin ito sa akin na nakalabas ang mga ngipin.
"Ggrrrrh"
Tumutulo pa ang laway nito na nagpapahiwatig na gusto ako nitong kagatin.
"S-stay ALI, stay b-baby" Pag-aamo ko dito ngunit mas nagalit pa yata ito at nagsimulang lumapit sa aking kinaroroonan.
"Ggrrrrh"
"W-wag ka munang lumapit b-baby na ganyan ang h-hitsura mo, just s-stay there!"
Lumakas ang pintig sa aking dibdib nawari kinakabahan. Ano bang klaseng ilusyon ito at bumalik pa ako sa bahay na ito!?
Hindi kaya... mga pangyayari ito sa buhay ko na dumaan na? Mga ala-ala...
"Gggrrrrrrrh"
Napabalik ako sa wisyo. Napatitig ako sa kanyang pulang mga mata. "B-baby, hindi ko i-intensyon na iwanan ka dito k-kaya wag ka ng magalit sa akin." Alam ko naman talagang hindi niya maiintindihan ang mga sinasabi ko, pero sinusubukan ko lang naman.
Mabilis itong nakalapit sa akin at handa na akong kagatin. Sh*t! Natataranta na ang utak ko kung ano ang gagawin.
Napadapo ang aking mga mata bigla sa isang upuan sa gilid, hindi pa ito naaabutan ng apoy!
Mabilis ko itong kinuha at sinangga sa matutulis niyang ngipin. Napaatras ako dahil sa lakas ng impact ng pagdamba niya sa akin. Napasigaw ako ng malakas ng napatapak ang aking sugatang paa sa sahig.
Nawalan ako ng balanse . Huli na ang lahat ng mapansin kong hagdanan papuntang ibaba ang nasa likod ko.
Nagpagulong-gulong ako papuntang ibaba.
Deja vu. Nangyari na ito sa akin. Anong susunod na mangyayari? Makikita ko nanaman ang babaeng multo na iyon!?
Napadaing ako ng maramdaman ang sakit ng aking katawan na parang binugbog.
Nakadapa ako sa sahig. Dito na ba magtatapos ang lahat?
Ang hirap pala ng mga pagsubok ng paaralan na ito. Kaya hirap ring makapasok ang mga umaasa lang sa patimpalak na ginagawa nila.
Kung madami lang siguro akong pera, sariling kong pera ay baka walang kahirap-hirap akong makakapasok sa unibersidad.
Ito na ba ang sinasabi ni Shine na hindi ako nararapat dito? Siguro ay mahina ako at puro lang kapalpakan ang alam kong gawin. Bonus na yung katangahan.
Kinapa ko ang aking salamin sa sahig ng maramdaman kong hindi ko na ito suot. Mabuti at nakita ko ito pero basag na ang kabilang bilog.
"Gggrrrrhhhhh"
Napahangad ang aking ulo sa itaas ng hagdanan. Hindi ko man makita ng maayos ay alam kong nakatayo lang aking alaga at naghahanda nanaman itong atakihin ako.
Kainin mo na lang ako ALI. Karma na rin siguro ito dahil hindi ako marunong makinig at hindi na kita nailigtas nuon.
Napapikit na lang ako ng marinig ko ang mabilis na pagtapak ng mga paa nito sa bawat baitang ng hagdanan papunta sa aking kinaroroonan.
Third Person's POV
Nagsisigawan ang mga tao dahil sa nasaksihan nila sa bawat screen ng mga kalahok. Para silang nanonood ng action movie dahil sa mga pangyayari.
May isang kalahok na tinutukan ng mabuti ng karamihan sa mga manonood dahil sa kakaibang nararanasan kumpara sa ibang manlalaro.
Sa itaas ng isang tagong puno sa gilid ng parke ay may nakaupong babae na nakasuot ng hood na itim.
Napailing na lang siya sa kanyang nasaksihan.
"Tss."
Wala na siyang magagawa. Nagsimula na ang exam kaya suporta na lang ang kanyang maibibigay.
Napatutok siya ng mabuti sa isang screen ng magsimulang magsigawan ulit ang mga tao.
Malapit ng maabutan ng halimaw ang isang lalaking nakadapa sa ibaba ng hagdanan ng may lumapit sa kinaroroonan nito at sinalubong ang lobo ng isang malakas na hampas na galing sa isang bakal na hawak ng babaeng may malaking salamin sa kanyang mga mata.
Napatayo at napahiyaw ang mga manunood sa nakita. Natutuwa sila sa kanilang mga nasasaksihan. Kaya inaabangan nila ang ganitong event dahil siguradong magbibigay ito ng aliw sa kanila. Once in every two years lang ito nagaganap at dapat hindi dapat sayangin ang oportunidad na masaksihan ang patimpalak na ito.
Madami ang naiinggit na mga mahihirap sa mga natanggap at nakasali sa exam kahit maliit lang ang tsansang makapasok ang mga kalahok sa Reaven University. Kaya kahit mahirap, may tsansa pa rin.
Napatalon papuntang ibaba ng puno ang babae at napalakpak pa ito dahil sa nasaksihan.
Hindi niya dapat maliitin ang abilidad ng lalaking nakasalamin na ngayo'y nasa ikalawang hakbang na sa pagsusulit.
***
Vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
She's Strange
AdventureNerds' story - A taglish story- A guy with unknown ability, has to know the mysterious girl who he meets in the strange forest of Aventown in order to discover his real identity and how they were connected to each other. Know what is the hardest de...