Crayson's POV
Maingat akong naglakad sa loob ng bahay. Pinagpapawisan na ang buong katawan ko dahil sa sobrang init ng paligid. Mahirap na ring huminga dahil sa kapal ng usok. Ang suot kong malaking salamin ay nanlalabo na rin dahil sa pawis.
Tumakbo akong umakyat sa hagdanan ng bahay. Unti-unting kinakain ito ng apoy. Halos malapnos ang aking balat ng madikit ito sa umaapoy na dingding. Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang sakit. Wala nang atrasan 'to!
Nakita ko ang pintuan. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko ang aso kong nakasalampak lang sa sahig. Kaya pala! Ubos na ang battery!
Nilapitan ko ito agad at kinuha ang tsokolate sa tabi nito. Babalikan kita baby! May aasikasuhin lang si daddy!
Binilisan ko ang aking galaw, walang dapat masayang na oras. Kung tama ang pagbibilang ko, hindi na aabot sa dalawang minuto ay pwedeng sumabog ang nakita kong bomba kanina. Mas lalong manganganib ang buhay namin kung magtatagal pa kami rito.
Dinikit ko yung tsokolate sa mga bloke ng mga sementong nakaharang sa pintuan. Ilang segundo lang ay natunaw ito na parang asido. Nakatulong ang temperatura ng paligid para mapabilis ang pagtunaw nito. Binuksan ko kaagad ang pintuan, punong-puno ng usok ang paligid.
"Nasaan kayo!?" malakas kong sigaw.
"K-kuya!" ubo-ubong sabi ng isang boses.
Tinakpan ko ang ilong at bibig ko para maiwasang makalanghap ng usok. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na 'yun. Masakit man sa mata ang usok ay nagawa ko silang mahanap. Nakita ko ang tatlong bata sa gilid. Walang malay ang isa sa kanila. Umiiyak naman yung isang bata.
Tatlo pala sila at nahimatay pa ang isa. Tama lang pala ang desisyon kong pumasok.
"T-tahan na, makakalabas na tayo F-flynn." Pag-aalo ng nakakatandang kapatid niya.
Agad kong binuhat yung walang malay na sa tingin ko ay pangalawa sa kanilang magkakapatid at pinauna sila sa paglabas. Malapit na kami sa pintuang palabas ng bahay ng may maalala ako.
"Shit! Ang aso ko!" frustated kong sabi.
Nakalabas na silang magkakapatid. Nakahinga ako nang maluwag. Sa tantya ko, mga tatlumpong segundo ay sasabog na iyon.
Bumalik ako sa itaas at nakuha ko kaagad ang alaga ko. Nahirapan akong kargahin ito dahil na rin sa mga sugat na aking natamo.
Pababa ako ng hagdan ng may biglang bumagsak na bagay sa likod ko. Halos mapasigaw ako ng malakas dahil sa sakit. Nabitawan ko si ALI-12 at nagpagulong-gulong ako papunta sa ibaba. Narinig ko ang pagsabog at naramdaman ang pagyanig ng paligid.
Nanlalabo ang paningin kong nakatingin sa pintuang palabas na natatabunan na ng mga semento at bato dahil sa pagsabog. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod at ang pagkirot ng aking buong katawan.
Umiikot na rin ang paningin ko. Ito na yata ang katapusan ko.
Hindi na magawang magreact ng aking katawan ng may nakita akong babaeng kulay itim ang buhok na hanggang bewang. Nakatalikod ito sa akin.
S-siya na ba ang sundo ko papuntang langit?
Lumingon-lingon siya sa paligid hanggang sa makita niya ako. Napatingin ako sa kanyang kabuuan. May katangkaran ito, maputla ang balat at nakasuot ng puting bestida hanggang tuhod. Nakatingin siya sa aking mga mata. Para akong nalulunod sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Wala kang makikitang emosyon na para bang wala siyang karapatang magpakita nito.
I-ito yung babae sa bangin! Yung multo!
P-pati ba naman dito makikita ko siya? Sinusundan ba niya ako?
Hindi ko na maigalaw ang katawan ko dahil sa mga natamo kong sugat. Mas kumapal na ang usok at nahihirapan na rin akong huminga. Halos hindi ko na rin makita ang babae. Umiikot na ang paningin ko at bago ako mawalan ng malay ay nakita ko siyang naglakad palapit sa aking kinaroroonan.
"Tss."
_____________
Third Person's POV
Magkasabay na dumating ang mga pulis kasama ang mga medics at bombero sa lugar. Inilikas ng mga ito ang mga tao palayo sa mga nasusunog na mga gusali. Baka may sumabog pa na mga bomba at madamay ang mga sibilyan. Marami na rin ang nasugatan dahil sa nangyari. Namanipula na rin ang apoy sa iba pang mga nadamay na gusali at mga bahay.
Hindi mapigilang lumingon ng isang bata sa kanilang bahay na hanggang ngayon ay kinakain pa rin ng apoy.
Bumitaw siya sa pagkakahawak ng kanyang ina at tumakbo pabalik sa kinaroroonan ng bahay nila.
"Kris!" tawag ng kanyang ina. Nasa isang ambulansya sila kasama ang kanyang dalawang anak dahil nahimatay ang isang kapatid nito.
"Flynn? Pakibantayan yung kapatid mo ha? Pupuntahan lang ni nanay si kuya." Tumango lang ang bata at kaagad na umalis ang ale.
Hindi niya ginustong iwan ang binata sa bahay nilang nasusunog pero wala siyang magawa. Kinailangan niyang unahin ang kaligtasan ng tatlo niyang anak. Nakita niya si Kris na lumapit sa isang bombero.
"Manong! Si kuya po andun sa loob ng bahay namin!" Turo pa niya sa bahay nila.
"Anong ginagawa mo dito bata? Delikado dito! Bumalik ka dun sa ligtas na lugar!" sigaw ng bombero.
"Iligtas niyo si kuya manong!" malungkot na sabi ng bata. May humawak sa kanyang kamay at inilayo siya sa lugar. Tumingin siya sa kanyang ina na malungkot lang na ngumiti sa kanya.
Samantalang, may sumabog na pintuan sa isang bahay. Nagulat ang mga bombero sa nangyari. Pagkahupa ng usok ay may nakita silang lalaking nakahandusay sa sahig malapit sa pinto. Kaagad nila itong nirescue at idinala sa ospital.
***
BINABASA MO ANG
She's Strange
AdventureNerds' story - A taglish story- A guy with unknown ability, has to know the mysterious girl who he meets in the strange forest of Aventown in order to discover his real identity and how they were connected to each other. Know what is the hardest de...