Chapter 29

142 34 4
                                    

Crayson's POV


"Alam mo Cray, ganun talaga ang ugali ni miss Devi, nanapak nga ng estudyante yun eh," tukoy ni Melody kay ms.Devilleres na guro namin sa Math. Naglalakad kami patungong Reanteria. Nakita niya ako kanina paglabas ko sa classroom.


Paglabas ni miss Devi kanina ay pumasok naman si miss Farte, yung guro na pinagalitan ang mga babae sa field. Ang itinuturo niya ay patungkol sa Science at Technology, halos hindi ako kumurap habang nakikinig sa kanya dahil sobrang seryoso niya sa pagtuturo. Kulang na lang sabihin niya,'pag hindi ka tumingin, tutusukin ko 'yang mga mata mo', kaya ayun, ang tahimik ng mga kaklase ko pati na rin ako.


Pagkatapos ng klase niya ay oras ng tanghalian. Lumabas ako ng classroom at iniwan ko si Aya-ng nakayuko lang at nakasandal ang ulo sa desk namin, hindi ko alam kung natutulog ba siya o trip lang niya, bahala siya basta ako, kakain.


May biglang nanghatak sa akin habang naglalakad ako sa hallway at si Melody iyon, kaya sumabay na lang ako sa kanya, isa pa kabisado na niya ang buong paaralan. Tinanong niya rin ako kung anong nangyari sa unang araw ko kaya naikwento ko yung nangyari kanina.


"Paano yun? Ibig bang sabihin pwede nilang gawin ang kahit na ano sa mga estudyante?" untag ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan, bakit pwedeng ganun na lang?


"Hindi naman, pero may karapatan silang magbigay ng parusa sa atin. Isang elite school 'to Cray, alangan namang sunud-sunuran ang mga guro sa mga estudyante di 'ba?" sagot niya sa akin habang pababa kami ng hagdan. May ilang estudyanteng nakatingin sa amin ngunit hindi na lang namin sila pinapansin.


Napatango-tango ako, tama rin naman ang sinabi niya. "Yung tungkol sa parusa... ano ba ang pinapagawa nila sa mga estudyante?"


Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Lumingon-lingon siya sa paligid at nang makita niyang walang dumadaan ay tumingin siya nang diresto sa akin na ipinagtaka ko.

"Sumunod ka na lang sa batas ng paaralang ito Cray at huwag mangialam sa pinagagagawa nila. Iba na ang batas nila rito, kaya sana mag-ingat ka sa mga desisyon mo." Seryoso niyang sambit.

Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata at ang unting-unting pagyukom ng kanyang palad. Seryoso akong napatingin sa kanyang mga mata. "Nagsisisi ka ba na rito ka nag-aral?" Pranka kong tanong sa kanya. Naalala ko lahat ng pinagtalunan namin ni Shine. Hindi ba talaga maganda ang ideyang rito ako mag-aaral? Pero ang paaralang ito ang pinapangarap ng lahat. Ito ang numero unong paaralan sa buong bansa namin, ano naman kaya ang maitatago nila? Yung exam nga ay sa labas ng paaralan nila isinagawa. Kaya...ewan.


Nakatulala lang siya at biglang nagsalita. "Hindi, pero yung ginawa nila sa mga kaibigan ko at sa aki--" Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla rumehistro sa kanyang mukhang parang may iniindang sakit. Napahawak siya sa kanyang batok at napatakip rin sa kanyang bibig. "S-sorry...hindi ko sinasadya." Nagulat ako ng tumakbo siya papalayo sa akin. Tinawag ko siya ng tinawag pero hindi na niya ako nilingon.


Takte, wala akong ginagawa ah, ang pinagtataka ko pa ay bakit siya nagsosorry sa akin? Napakamot na lang ako sa aking ulo.


_______


Third Person's POV

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon