Chapter 12 - 5 Seconds Left

278 89 22
                                    

Crayson's POV


Pagmulat ng aking mga mata ay kulay puti ang bumungad sa akin.


Napatayo ako kaagad ng mapagtanto kong nakadapa pala ako at hinahalikan ang puting sahig. Marami ang nakatingin sa aking kapwa ko kalahok. Okay... nakakahiya yun.


Napatingin ako sa buong palagid, puti lang ang makikita sa kahit saang lugar. Parang nakakulong kami sa loob ng isang puting kahon na walang labasan o bintana man lang.


Mabuti nakakahinga pa kami ng maayos kahit ang iingay ng mga kasama ko. Naglalabas sila ng madaming carbon dioxide! At nakakasuffocate iyon! Tch.


Sinubukan kong hanapin si Greg sa paligid. Siya pa lang ang taong kakilala ko rito sa exam.


Napatingin ako sa itaas ng may magpop-up na screen at may nagsalita bigla.


"Welcome!" boses babae ang nagsalita, tunog robot ang pananalita nito.


"For the rules,  first, you should do the tasks with a partner." Bakit by pair pa? Kailangan pa ba iyon?


"You should do all the tasks by pair because the second rule is, you have to finish the examination for only one hour. Failed to do the given tasks in exactly one hour will be disqualified." 


"Third, cheating is not allowed." Pano ba magcheat? Hindi naman ito normal na pasulit na may one seat apart sa katabi mo at mag ala-giraffe ang leeg para makita yung mga sagot niya o kahit man lang pasulyap-sulyap nang konti.


"And for the last rule,  disobeying the rules will be automatically dropped and will failed to pass the exam. Good luck!" Nawala na yung anino sa screen.


Napanganga ako ng may unti-unting lumilitaw na mga itim na pintuan sa dingding.


"You only have 3 minutes to find your partner,  your exam will finally start once you entered the black door that you've chosen. Timer..starts... now!"


May lumabas na hour glass sa screen, nagpapahiwatig na nagsimula nang magcount-down.


Lumingon-lingon ako sa paligid, nagkagulo na ang mga examinees dahil sa konting oras na ibinigay ng instructor.


May mga lalaking lumapit sa mga kababaihan para alukin siguro na maging partner nila.  Kailangan bang babae ang kapartner? Wala naman sa rules ah. Kinikilig pa ang mga babae. May oras pa ba silang magligawan?


May ilan na ring nakapasok sa mga pinto. Pagkatapos nilang pumasok ay naglaho ang mga  pinto na parang bula.


Sinubukan kong lumapit sa isang kumpol ng mga kababaihan na malapit lang sa aking kinatatayuan. Magbabasakaling makita ko si Greg.


Nang makalapit na ako sa kanila ay tinitigan nila ako. Bigla silang nag-atrasan at nagtakbuhan! 

She's Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon