Crayson's POV
Tumambad sa amin ang mga nagtatakbuhang tao dahil sa napakadaming hugis bolang metal na lumulutang kahit saan. May maliit itong antenna sa ibabaw at may kung anong mga numerong nakasulat sa gitna.
03:00
02:59
02:58
Pababa nang pababa ang bilang nito na parang isang bombang may timer.
"Lumayo na kayo riyan! Mga bomba iyan!" histerikal na sigaw ng may edad na lalaking may balbas.
Nanliit ang aking mga mata ng dire-diretsong pumasok ang mga lumulutang na bagay sa Reavengy. Isa itong pamilihan ng mga iba't-ibang teknolohiyang kagamitan, sangay ito ng Reaven Vance na pagmamay-ari ng mga Reavens. Malapit lang ito sa apartment na tinitirahan ko ilang metro lang ang layo.
Nagkagulo na ang mga tao at nagtatakbuhan sila palayo sa lugar. May mga umiiyak na mga bata dahil sa takot at meron pang nadapa habang tumatakbo.
Hindi ko magawang mataranta dahil masyado akong namangha sa mga lumulutang na bagay. Ang cool kasi! Kaso pagkatitig ko ng mabuti sa mga bolang metal ay may naalala ako, ang mga bolang iyon, ganun na ganun ang disenyo ng bagay na makita kong na-hypnotize si Shine.
Parang may kumukontrol nito na malapit lang din dito sa lugar. Sinundan ko ito ng tingin at nakompirma kong isang direksyon lang ang pinanggagalingan ng mga bagay na ito.
Habang tinutulungan ko ang matandang babaeng natulak ng isang lalaki, nakanganga pa rin si Shine habang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa paligid. Abnormal talaga 'tong babaeng 'to! Kitang natataranta na ang mga tao, nakatunganga pa rin.
Napailing na lang ako.
Sinubukan kong magmasid sa paligid. Nagkagulo na talaga. May sumubok na hawakan ang bolang metal pero pagkatapos ng ilang segundo, bigla itong sumabog at tumilapon ang lalaki. Nakaself- destruct mode ang mga bagay na ito!
Wala man lang bang mga pulis? Palagi na lang silang huling rumeresponde, dapat na akong masanay, kahit kasi sa mga palabas ganun din. Tch.
Sinuri ko mabuti ang lugar. Wala akong nakitang kakaiba sa paligid hanggang sa may nakita ako sa itaas ng mababang gusali na katapat lang ng apartment na tinitirahan ko.
Isang lalaking nakasuot ng pulang jacket na may hood ang nakatayo at nagtitipa sa isang laptop na nakalutang sa ere. Ang advance ng technology na kanyang ginagamit! Saan kaya niya nabili yan? Upgraded, ang galing!
Tiningnan kong mabuti kung ano ang ginagawa niya. May biglang lumabas na ilaw sa ibaba ng laptop na parang flashlight at bumuo ito ng hugis bilog hanggang sa naging katulad na ito ng mga bolang metal.
Nangunot ang noo ko, siya pala ang may pakana!
Mabilis akong pumasok sa apartment para kumuha ng tsokolate sa ref. Kakain na muna sana ako at magtatago, joke. Ibinulsa ko ito dahil baka makatulong ito sa akin, ito lang ang meron ako sa ngayon. Dali-dali akong pumunta sa kwarto kung nasaan si ALI-12.
"System, activate," sambit ko at bumukas ang dalawang malalaking kulay asul na mga mata nito na para bang nagpapacute. Okay, nagmana talaga ito sakin, boses ko nga lang ang sinusunod nito eh. Siyempre, ako yung nag-upgrade.
"System, engage," sinabayan ako ng alaga ko sa pagtakbo papalabas. Nakita ko ulit yung lalaki sa itaas ng gusali. Talaga naman! Hindi pa rin siya natatapos! Pagkakataon ko na 'to.
"Danger mode on, target spotted," seryoso kong saad. Ngayon ko pa talaga magagamit ang in case of emergency na iyon. Nagbago ang kulay ng kanyang mata at naging pula. Lumabas yung patalim galing sa labi nito. Iisa lang patalim na nakatago sa loob ng katawan ni ALI, kaya isa lang din ang magagamit ko.
"Aim locked, discharge." Parang missile sa bilis ang patalim na bumubulusok papunta sa kinaroroonan ng lalaking nakahood. Nagamit ko na rin ito sa wakas. Salamat naman at hindi ito palpak.
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong ngumisi at walang kahirap-hirap na sinalo ang patalim gamit ang isa niyang kamay. Mahina ba 'yun para sa kanya? O mali lang ang pagkalkyula ko at masyadong malayo ang gusali?
Lumingon ito sa direkyon kung saan ako nakatayo at humalakhak.
Patay, lagot! Nyeta, padalos-dalos ka kasi!
Namutla ako ng makita isang mata nito, ang laki ng pagkakatahi at kita pa ang laman nito shit!
Nanlamig ako dahil sa nakita ko, halos di na ako makahinga. Ilang segundo ring nanigas ang katawan ko. Nabalik ako sa wisyo nang may katawag na ito sa cellphone at dali-daling umalis sa kinatatayuan niya. Hindi siya pwedeng makatakas!
Tumakbo ako patungong gusali nang napatigil ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin, baka ikapahamak ko pa 'to. Bahala na nga lang.
Mabilis akong tumakbo ulit. Papasok na sana ako sa gusali ng makaramdam ako nang pagyanig ng lupa.
***
BINABASA MO ANG
She's Strange
AdventureNerds' story - A taglish story- A guy with unknown ability, has to know the mysterious girl who he meets in the strange forest of Aventown in order to discover his real identity and how they were connected to each other. Know what is the hardest de...