Chapter 4

2.6K 21 1
                                    

Napatigil sila sa ginagawa pero maya maya'y nag patuloy lang sila.

Parang wala lang ako dito sa harap nila. Parang wala lang ang presensya ko dito at tuloy tuloy lang sila. Hindi man lang nahiya.

At ang makati kong bestfriend nginisihan pako.

Mga walang hiya talaga. Ang kakapal ng mukha.

"Ang bababoy nyo!" hindi ko mapigilang isigaw.

"Lync ano to??"

"BAKIT?!" sigaw ko pa at salamat naman at napatigil narin sila sa mga kababuyan nila.

"Grabe, bitin na bitin pa 'ko" parang wala lang na sabi ni Lync habang nagsusuot ng damit at pati narin ang makati kong bestfriend.

Hindi kona napigilan ang aking sarili at nasampal ko na sya.

"Bakit?, bakit ginawa mo sakin to?" umiiyak kong sabi.

Kanina ko pa pinipigilan ang aking mga luha pero sadyang hindi ko na talaga kaya at bigla na lamang itong bumuhos na parang isang gripo.

"Huh, tinanong mo pa talaga yan, eh kung tinanggap mo na kasi ang gusto kong mangyari na ibigay mo na sakin ang virginity mo eh di sana ikaw yung nandito at nagpapakasarap" bored pa nyang sabi.

Hindi ko na napigilan at dumapo ulit ang palad ko sa mukha nya. Pero ngayon mas malakas na.

Alam kong malakas ang mga sampal ko kase namumula na ang pisnge nya, pero wala akong pakialam.

"Ikaw paba yan Lync?, Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo?"

Malungkot kong tanong rito. Grabe, hindi ko na sya makilala.

Ang kilala kong Lync eh yung mahal na mahal ako at hinding hindi ako sasaktan.
Gusto ko sanang isipin na baka joke nya lang lahat ng to pero mali ako. Kasi ibang Lync na ang nasaharapan ko o kaya naman ito talaga ang tunay nyang pagkilala

Sana panaginip lang ito. Sana hindi ito nangyayari kasi hindi ko na talaga kaya.

"Minahal mo man lang ba ko?" mahina kong tanong sa kaniya dahil wala na akong lakas at alam kong ano mang oras ay mahihimatay nako, pero nilalakasan ko nalang ang loob ko para malaman ang lahat at marinig ang sagot nya.

Gusto kong sabihin nyang oo.

Tatanggapin ko pa naman sya ulit eh, basta sabihin nya lang na mahal nya ako at nadala lang sya ng init o pangangailangan niya. Tatanggapin ko kahit anong eksplinasyon nya basta bumalik lang sya sakin.

"Hinding hindi ka nya mamahalin kasi hindi kanaman magaling tulad ko, wala kang maibibigay sakanya" malandi namang sabi ng ahas kong EX-bestfriend.

Buhay pa pala to, sana namatay nalang to sa sobrang pagpapa-sarap para mabawasan man lang ang makakakating ahas dito sa mundo.

"Walang hiya kang babae ka! Kala ko ba bestfriend kita, bakit nagawa moto sakin?!" galit kong sigaw at nilapitan sya.

Sasampalin kona sana sya ng pigilan ako ni Lync. Nahawakan nya ang kamay kong balak sanag lumapat sa mukha ni Parrah.

"Hindi kita mahal at lalong hinding hindi kita mamahalin. Bobo kaba at hindi mo maintindihan na katawan lang ang habol ko sayo?"

Sigaw nito sakin at binitiwan ng malakas ang kamay ko kaya nawalan ako ng balanse at natumba.

Mabuti narin yun kasi alam kong babagsak narin ako dahil hindi ko na nakakayanan ang mga pinagsasabi nya.

Parang wala nakong ibang marinig kundi ang munting paghikbi ko na lamang. Nanghina ako sa sinabi nya kanina pero mas may lalala pa pala.

At itong huli ang pinaka masakit na sinabi nya.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon