Nagising ako ng 9:20 ng gabi. Sakto at nalaman kong may malapit palang bar dito.
Ngayon ko sasanayin ang sarili ko na makisalamuha sa ibang tao at lalo na sa mga malalanding lalake.
Naligo na ako at naghanap ng magandang susuotin. Buti at may binili ring dress si Maam Amandine.
Hmmm ano kayang maganda? kadalasan kasing sinusuot pag punta sa bar ay mga maiikli. Naalala ko na naman yung last kong punta sa bar. Halos lahat ng babae wala ng damit kaya dapat baguhin kona ang pananamit ko at gayahin sila.
Sinuot ko na ang dress na hapit na hapit sa katawan ko na kulay itim at sobrang ikli pa nito, 6 inches na sandal, nilugay ko rin ang buhok ko at kinulot ito sa dulong bahagi, at shempre hindi dapat mawala ang make up.
Sisimplehan ko lang para lumitaw ang tunay kong ganda. At alam ko naman na maganda na ako eh anu pang silbe ng make up. Tsk
Naglagay ako ng eyeliner at pulang pulang lipstick para lumitaw ang kaputian ko. O ayan tapos na.
Tumingin ako sa salamin at napangiti nalang ako dahil aaminin ko nagagandahan ako sa sarili ko.. Lumabas rin ang kurba ko dahil sa fit na fit kong damit.
Sisiguraduhin kong lahat ng lalaki dun ay mamamangha at lahat ng babae'y titingalain ako.
----------
Hi mga guysue..😊 Malapit na po ang masasarap na kaganapan kaya hintay hintay lang po.😂😅 Malapit ng maganap ang putukan..😂 charot.
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
Non-FictionPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...