Ngayon na isasagawa ang operasyon para ipaayos ang mukha ko. Buti nalang at hindi na kasing lala yung mga sugat ko. May mga tatahiin lang naman daw at lalagyan ng ointment para mawala yung mga bakas nung sugat.
"Buti at wala nang ibang naapektuhan sa mukha mo, hindi kalang ata pala ayos dati kaya nasasabi mong pangit ka" sabi ng doctor.
Nahiya naman ako sa sinabi nya. Hindi talaga kasi ako pala ayos tapos ang baduy pa ng mga sinusuot ko dati. Pero para saakin, maganda yon.
"Okay, let's start".
1 hour later
Lumipas ang oras at natapos na ang operasyon. Nandito ako sa kwarto at nagpapahinga na. Nilagyan parin ng benda ang mukha ko dahil sa mga tahi raw. Pero tatanggalin naman kaagad ito.
"Pumikit kalang"
Dahan dahang tinanggal ang benda sa mukha ko.
"Ayan, relax lang, malapit na". Sabi ng doctor.
"Pwede munang buksan ang mata mo". Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at bumungad sakin ang naglalakihan nilang mata at laglag panga (not literally).
Nagtaka naman ako kasi ganon sila makatingin sakin? Ano bang meron sa mukha ko at ganyan sila?
"Hmmm, ayos poba ang kinalabasan?" Nag aalalang sabi ko. Baka kasi pangit eh.
Tinignan ko ulit sila at sabay sabay pa silang nagsabi ng WOW! kahit yung mga nurse na nandito sa loob.
"Ano po bang problema?" Pero walang sumagot. Ako na ang kumuha ng salamin sa kamay ni Maam Amandine na nakatulala parin.
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at halos mabitawan ko rin to.
"Ako ba to?" Namamanghang sabi ko.
"You look stunning my dear" nabaling ang tingin ko kay Sir Zeyr na pumuri sakin at nakabalik na nga sila sa wisyo. Nahiya naman ako sa mga papuri nila.
"Wala naman akong ibang ginawa jan, pero alam kong maganda kana kasi dati pa" Sabi ni Dr. Chen.
Grabe hindi ako makapaniwala na ganito na ako kaganda. Hindi ko nga matanggal ang paningin ko sa salamin kakatitig eh.
Dali dali kong niyakap si Maam Amandine at Sir Zeyr at nag pasalamat sa lahat.
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
No FicciónPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...