Chapter 64

1.9K 18 2
                                    

Pigil hininga ang ginawa ko matapos ko itong masambit sakanya.

Walang nagsalita at nakakabinging katahimikan ang namayani.

Matatanggap nya kami... Alam ko yon..

"K-king, b..buntis ako a-at ikaw ang ama-a."
Nauutal kong paguulit. Binigyan ko pa sya ng napakatamis na ngiti. Sa wakas, nasabi ko rin sakaniya ang dapat kong sorpresa. Makakapagsimula na ulit kami ng magandang buhay kasama ang munting anghel na nasa sinapupunan ko. 

'Haha, hindi yata sya makapaniwala sa sobrang tuwa na magkakaanak na kami.' Pagpapalakas ng isip ko sa aking damdamin.

Oo, tama.. Baka hindi nya pa maiproseso dahil magkakaanak na kami at ito yung una. Baka katulad din sya sa ibang nobelang nababasa ko na dahil sa sobrang tuwa, hindi nya na maisip kung anong gagawin dahil pati isip nya nakalutang sa sobrang galak..

Hinihintay ko ang magiging reaksyon nya..

Pero nagsimula na akong kabahan ng ilang minuto na at wala parin syang pinapakitang emosyon.

Tanging blanko lamang.

Napatigil narin ako sa paghaplos sa mukha nya at nangangatog na ito ngayon.

Unti-unti ring nawala ang nakapaskil na ngiti saaking mukha.

Hindi ba sya masaya?

Hindi ba sya masayang magkakaanak na kami?

Na magiging tatay na sya?

Natulala nalamang ako ng may maramdamang pamamanhid saaking pisnge.

Sa sobrang lakas nito halos mauntog ako sa sahig dahil nga sa nakaupo ako dito sa lapag.

Hinaplos ko ang aking mukha kung saan ang mahapdi at namamanhid.

Nagsi-alpasan kaagad ang masasaganang luha ko ng mapagtanto kung anong nangyari.

Kung anong natanggap kong sagot sa kaninang sorpresa ko.

Sinampal nya 'ko.

"HUH! NGAYON MASKI YANG NABUO NYO, IPAPAAKO MO RIN SAKIN..

TANG*NA KA! MAHIYA KA NAMAN!"

Hindi pa ako nakakabawi saaking pagkabigla at napaawang nalang ang labi ko at nanlalaking mata ng magpaulit ulit iyon saaking isip.

Nabuo nyo?...

Bumalik ang lahat ng alaala ko sa mga nangyari ng gabing iyon.

Inaalala lahat ng detalye kung anong ginawa namin noong gabing iyon..

Pero...

Sya nga ba iyon?

Mula sa haplos, halik at katawan. Kakaibang kakaiba iyon sa haplos, halik at katawan ni King.

Nong gabing iyon naalala ko pa kung gaano sya kawalang pagiingat habang ginagawa namin ang bagay na iyon.

Naalala ko pa kung anong boses ang mayroon sya nang humiling syang gawin namin ang bagay na iyon.

Iba iyon sa boses na mayroon si King.

Walang pagiingat.

Marahas at parang hayok na hayok makipagtalik saakin.

Oo, marahas rin si King pero ramdam ko ang pagmamahal doon.

Habang iyong lalaking iyon, parang wala syang ibang inisip kahit na nasasaktan na ako at nagmamakaawang dahan-dahanin nya lang.

Hindi sya ang hari ko...

Kung ganon sino sya? Sino iyon?

Oo, tanga ako pero hindi makitid ang utak ko.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon