Chapter 35

1.6K 21 0
                                    

Naka-upo na sila Maam Amandine at Sir Zeyr ng nakabalik ako sa mesa namin.

"Mukhang marami ang nag-aya sayo ha" nakangiting sabi ni Maam Amandine .

"Hehe, hindi naman po." sabi ko at umupo.

Haisst, salamat naman at nakapagpahinga rin.

"Masakit na paa mo?" tanong sakin ni Sir Zeyr. Naka-upo rin sila katulad ko at mukhang nagpapahinga rin.

"Kaunti po, hindi rin po kasi yata ako sanay sa matataas na takong lalo na't matagal akong nakatayo" mahabang paliwanag ko.

"Sige, aalis din naman na tayo." baling ulit ni Sir Zeyr.

Napag-usapan narin namin yong pagtawag ko sakanila ng Maam at Sir. Pwede naman daw kahit wala ng ganon. Pero mas sanay na kasi ako na may Maam at Sir kaya yon parin ang itinatawag ko sakanila.

"Hmmm, okay po. Pero hindi na po tayo magpapa-alam?" tanong ko.

"Hindi na kailangan, nakapag-paalam nako kanina" sagot ni Sir Zeyr.

"Ohh, so let's go. Let us drive you home, Heven" baling nito saken.

"Sige po."

Pumunta na kami sa parking lot at pinaandar na ni Sir Zeyr ang kotse.

Nakarating naman kami ng maayos sa Condo ko, pero hindi na sila nakapasok sa loob kasi aalis din naman kaagad daw sila.

"Thank you po sa pag invite sakin sa party at sa pag hatid sakin dito"

"Oo, sige una na kami ha"

"Ingat po kayo sa pag-uwi"

At umalis na sila. Pumasok nako sa loob para makapagpahinga na.

Kumuha muna ko ng sando at boxer para makapagpalit ng damit.
Ganito talaga ang sinusuot ko kapag matutulog na, kasi mas kumportable ako kapag nakaganito tyaka para hindi ako initan.

Pumasok ako sa CR at nag-shower. Mabilis akong natapos at nagbihis narin.

Lumabas nako at tumungo sa kama at nahiga.

Haisst ang sakit ng paa ko.

In-off ko na ang lahat ng ilaw at pinikit ko na ang mata ko.

Hindi rin ako nagkukumot kasi initin talaga ako kahit may aircon naman.

Pikit ng mata....

baling sa kanan...

baling sa kaliwa....

kuha ng unan....

takip sa mukha...

upo....

higa...

pikit...

Aishh, bakit hindi ako makatulog? Nalilibot ko na buong espasyo nitong kama at halos ibat ibang posisyon na ang ginagawa ko pero hindi parin ako makatulog.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Bumalik na ako sa kuwarto pero nakaramdam ako ng kakaibang lamig na nanggagaling sa pinto papuntang veranda.

Malaking glass door ito na sliding kaya kita mo ang nasa labas.

Naramdaman ko ring may nagmamasid saken kaya inilibot ko ang tingin ko pero wala namang tao.

Kinilabutan ako pero inisip ko na baka guni-guni ko lang yun.

Pumunta ako sa sliding door para isara ito at pati kurtina binaba ko narin.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon