Chapter 59

1.1K 9 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas ng may mangyari saamin ni King at dalawang linggo narin akong naghihintay sakanya.

Hindi ko alam pero nag-aalala na ako sa kalagayan nya at hindi narin ako makatulog kakaisip kung ayos lang ba sya.

Alam kong masama sa kalusugan ko ang kulang ng tulog pero wala rin naman akong magawa dahil sa tuwing pinipilit kong matulog ay doon rin mas bumabagabag saakin si ang kalagayan ni King.

Baka may ginawa na sakanya si Lync.

Kahit na sabihin nating magkapatid sila, sa kademonyohan palang ni Lync wala ng imposible.

Gusto ko sanang puntahan sya sa kompanya nya , pero hindi ko naman alam kung nasaan iyon.
Ilang beses ko narin syang tinawagan at tenext pero hindi parin sya sumasagot o nagreply man lang.

Hindi rin ako makahingi ng tulong kila Maam Amandine dahil nasa business trip raw ito ngayon sa ibang bansa.

P*ta lang eh..
Wala akong magawa!
Tang*na
I'm useless.

Napasabunot nalang ako sa sarili dahil sa kaalamang wala akong magawa at maitulong para pagbayarin si Lync at Parrah.

Bakit naman kasi naging ganito ang buhay ko? May nagawa ba akong mali para magdusa ako ng ganito?

Wala naman akong ibang hinangad kundi mapagbayaran lang ni Lync at Parrah sa lahat ng panlolokong ginawa nila saakin pero bakit ako pa itong mas naagrabyado?

Sa pag-iisip ko ng mga bagay-bagay, napakislot nalamang ako ng biglang mag vibrate ang aking phone.

Wala sana akong balak tignan ito pero naalala kong baka si King na ito, kaya dali dali ko itong kinuha saaking bulsa at binuksan.

Nagtaka ako dahil unregestered number ang bumungad.

Binasa ko ito at halos mahulog ko ito ng mapagtanto ang mensanhe.

"Ito ba ang tinatawag mong hari?
Night tights, now. Makikita mo kung sino ang taong minahal mo"

Anong ibig sabihin nito?

Siguro scam lang ito at gusto lang akong pagtripan.

Sinubukan kong tawagan ang nagpadala ng mensahe ngunit naka off na ito.

Ayoko sanang mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko maiwasang magalala at makaramdam ng takot. May tiwala ako kay King. Nagtitiwala ako sakaniya. Pero ang mga bumabagabag sa isip ko ang hindi maalis saakin.

Kung tama nga sya, ano namang ginagawa ni King sa isang bar?

Wala naman yatang mawawala kung titignan ko kung nandon nga ba talaga sya diba?

Alam kong wala doon si King...

Kinuha ko kaagad ang jacket at susi'ng nakalagay sa mesa at dali daling lumabas.

Pinaandar ko na ang kotse at maingat na tumungo sa kilalang bar.

Hindi naman magagawa saakin iyon ni King, hindi ba?

Sinuot ko muna ang jacket na kinuha ko para hindi ako mahamugan sa labas. Malamig narin kasi dahil sa gabi narin.

Pinapasok rin naman kaagad ako at maingat ang bawat galaw na ginagawa ko.

Pinalibot ko saaking tiyan ang dalawa kong braso at nagpatuloy sa paglalakad.

Umiiwas ako sa mga matataong parte at usok na galing sa sigarilyo habang inililibot ang tingin. Habang naglalakad ay may ibang matang napapabaling ang tingin saakin. Hinahagod ang buong katawan ko ng mapangsuyod nilang mata na kahit balot na balot ako ay nakikita nila ang katawan ko.

Tinungo ko ang pangalawang palapag at mula rito, kita ang lahat ng nangyayari sa baba. Mas mapapadali kung dito ako maghahanap.

Inilibot ko ang aking tingin at mula sa may kadilimang parte, napatigil ang mata ko.

Masyadong maraming tao at nakakasilaw ang mga ilaw pero alam ko kung sino iyon.

Kilalang kilala ko ang kanyang hubog.

Nanghihina kong pinagmatyagan ang bawat galaw nila at alam kong kanina pa nagsiunahan ang aking mga luha sa pagbaba.

Nauulit na naman ba ang mga nangyari dati?

Sa tingin ko,...

Oo.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon