Umikot ang paningin nya. Hindi na niya masyadong maaninag ang kabuoan ng sala.
Hindi na niya kaya pang pigilan, lumakas na ang pag iyak niya.
Her tears aggressively rolled down her cheeks. Halos hindi na siya makilala dahil sa basang basa na ang mukha niya at dumikit na ang ilang hibla ng buhok niya sa pisngi niya.
King doesn't really care!
Siya na ang dehado dito pero ito pa rin ang may ganang umiyak at mag-maangmaangan.Napatahan nalang siya bigla sa pag-iyak.
Nag-panic siya nang biglang kumirot ang puson niya.
Agad siyang napahawak sa tiyan niya para pigilan ang pagsakit nito. Kumapit din siya sa kalapit na sopa para sana itayo ang sarili.
Pero...hindi niya kaya. Hindi niya magawa.She ended up lying on the floor and curling to her side. Impit siyang napasigaw sa sakit.
Sobrang sakit ng puson niya. Halos hindi nya makayanan ang sakit na dinadala nito sa buong katawan nya.
Namilipit siya sa sakit. Kakaibang sakit na halos hindi na makayanan.
Unbearable.
Nakaramdam nalang sya na parang may lumabas sa pagitan ng hita nya. Pababa at patuloy na umaagos.
Tinignan nya naman ito.
Halos mahimatay siya nang makita ang dugo sa mga binti niya.
Literal na nanginig ang buo niyang katawan. Pinunasan nya ito at sinubukang tanggalin pero natuod nalang sya bigla ng malamang totoo ito at hindi ilusyon lamang.
Nanginginig niyang inangat ang kamay niya na may bahid ng dugo at halos hindi siya makapagsalita sa nakikita ng mga mata. Tumutulo mula roon ang masaganang dugo na galing sakanyang binti.
Muli siyang napahawak sa tiyan niya ng sumakit ulit ito, pero mas masakit na kaysa kanina.
Para siyang sinasaksak nang paulit-ulit!
Hindi siya ganoon ka-inosente. Pero hindi nya alam kung anong gagawin dahil pati isip nya ay hindi na malaman kung anong unang iisipin.
Napasigaw siya sa sobrang sakit ng sinapit niya.
She can't think straight. Right now, all she wants is for the intense pain to stop. Ayaw tumigil sa pag-agos ng dugo sa mga hita niya. At parang iniipit ang tiyan niya.
Hindi na niya kaya!
'T-tulong. Tu-lungan nyo ang baby ko.' Paulit ulit nyang sigaw sakanyang isip dahil hindi na nya kayang sumigaw pa.
Nanginginig niyang inabot ang mga kamay ni King na kasalukuyang nakatayo sa tabi niya- nakatulala sa kanya at putlang putla ang mukha.
Sya nalamang ang makakatulong saakin.
"King...t-tulungan mo 'ko. P-please! Tulungan mo ko!" Pagmamakaawa niya habang humahagulgol.
Iyon ang pasasalamat nya dahil kahit mahina, may lumabas parin sa bibig nya.
She can no longer bear the pain! Ang sakit sakit na! Unti unti na siyang nanghihina, dinagdagan pa ng matinding takot sa dibdib niya.
Naramdaman nya nalang ang paglutang nya at napagtantong buhat buhat na siya ni King.
Ang kaninang King na halos hindi na makilala dahil sa nakabalot na itim na awra ay bigla nalang nagbago at parang naging isang maamong tuta.
"I...I'm sorry Heven. Sorry! Hindi ko to ginusto.
I'm really sorry. Please..."
Panay ang paghingi nito ng tawad sa kanya, pero hindi 'yon ang kailangan niya ngayon.Ang gusto nya nalamang ay mawala na ang sakit na dinaramdam.
Mabilis siya nitong naipasok sa loob ng sasakyan. Hiniga siya sa passenger's area sa likod at nagmadali itong tumungo sa driver seat.
Napatagilid ng higa si Heven sa upuan. Inipit niya nang madiin ang kanyang puson para mabawasan manlang ang sakit.
Sobrang sakit! Ngayon lamang siya nakaranas ng ganito. Para na siyang mauubusan ng dugo.
" H-hold on, Heven. Please, don't close your eyes. Don't sleep...
...stay with me."
Utal utal na pakiusap ng lalaki habang natataranta sa pagbuhay sa makina ng sasakyan.
Lalong bumuhos ang mga luha niya. Napakapit siya sa pagkababae niya para sana pigilan ang pagtulo ng dugo pero wala rin namang naging epekto.
Stay with me?
*****
P*ta! Paano ako mananatili sa tabi nya kung balak na nya akong patayin at ang anak nya?
Hindi man lang ba nya alam kung anong nararamdaman ko?
Alam nyang hindi ko iyon magagawa sakanya dahil galit na galit nga ako sa kapatid nya.
Why, King? Bakit kailangan kong maranasan lahat ng ito? Nagmamahal lang naman ako.
At hindi ko alam kung paanong ang p*tanginang lalaking iyon ay nakapasok sa condo ko at ginamit ang kahinaan ko.Wala akong alam at sigurado akong wala ako sa sarili ko noon.
Tang*na! Hindi ko iyon ginusto.
Bakit kailangan ko pang maranasan lahat ng ito? Ano pa ba? Ano pang sakit ang ipaparanas mo saakin King?
Hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataong magpahayag.
Hindi nya man lang hinintay kung anong sasabihin ko.
'Pag may nangyaring masama sa dinadala ko, hinding hindi kita mapapatawad, King. Tandaan mo 'yan!'
Mamatay na ko't lahat, wag lang ang baby ko..
Please save my baby...
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
No FicciónPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...