Chapter 60

1.2K 12 2
                                    

Habang pinapanood ko sila, hindi ko mapigilang maawa sa baby ko.

Sa pinapakita nya saakin ngayon, hindi ko alam kung kapag ba sinabi ko sakanyang magkakaanak na kami ay magiging masaya sya.

Pero paano kung ngayon palang sa iba na sya mas sumasaya.
Kung ngayon palang, kailangan nya ng iba.

Ginawa ko lahat para maging akin lang sya. Pero bakit patuloy parin syang naghahanap ng iba?

Kulang pa'ba ko?

Kulang paba kami ng anak nya?

Napatakip nalamang ako sa aking bibig para mapigilan ang paglakas ng aking hikbi.

Tuloy tuloy rin ang pag-agos ng aking luha na para bang walang kapaguran sa pag alpas.

Nanghihinang napakapit ako sa railings nitong pangalawang palapag dahil alam kong anumang oras ay bibigay na ang aking mga tuhod.

Lahat ng tao dito'y nagsasaya habang ako nama'y nagdurusa.

"K-king..." mahina kong usal habang patuloy parin ang pag alpas ng aking mga luha.

Sana pala hindi nalang ako pumunta rito. Sana pala hindi nalang ako sumunod sa natanggap kong mensahe.

Di sana hindi ako nasasaktan ng ganito.
Di sana wala akong alam na may ginagawa na pala syang iba.

Kaya ko naman yon eh. Kakayanin ko kahit may nararamdaman nakong iba.

Kaya ko namang magpanggap nalang.. Magaling ako don.

Pero ngayong harap harapan kong nakikita ang kabulastugan nya, parang pinipiga ang puso ko sa kirot.

Alam kong wala naman akong karapatan sakanya dahil wala namang kami. Wala siyang sinabing mahal niya ako o kami na nga ba.

Pero bakit ganito ang sakit na nararamdaman ko?

Parang mas masakit pa sya sa mga panlolokong ginawa saakin ni Lync.

Dobleng sakit dahil alam kong mahal na mahal ko sya at ayaw ko syang mawala saakin.

Pwede bang ipagpatuloy ko nalang ang pagiging martyr?

Pwede bang magbulagbulagan nalang ako na parang walang alam at nakita?

Pwede naman iyon di'ba?

May sasakit pa pala nito..

Yung umasa kang babalik siya sayo pero wala naman palang kayo.
Kahit na nangagatog pa ang aking mga tuhod ay pinilit ko paring ihakbang ang aking paa.

Gusto kong malaman ang lahat.

Gusto kong malaman ang rason nya kung bakit sya nagkakaganito.

Alam kong hindi nya kayang gawin to saakin kung wala syang rason.

Alam ko yon. Nararamdaman ko iyon.

Kahit anong sabihin nya tatanggapin ko at magpapanggap na walang nangyari, basta umuwi lang sya kasama ko.

Nang nasa harapn na nila ako ay pigil hikbi ang ginawa ko.

Pinipigilan kong makagawa ng eksena dahil alam kong pagnagkataon ako pa ang mas mapapahiya rito.

Nanginginig ako at hindi ko mapigilan ang aking mga luha.

Harap harapan na akong sinasampal ng katotohanan pero pinipilit ko parin ang magbulag bulagan.

Nasa parihaba silang sopa habang nakadagan siya kay Parrah at walang pasubaling naghahalikan.

Nakataas narin ng kaunti ang damit ni Parrah at lumuluwa na ang dibdib nito dahil sa paghalik ni King sa parteng iyon.

Makita ko lang syang harap harapang may dinidilaang iba, parang gusto ko nalamang magpakamatay.
Ilang beses nya na kayang nadilaan ang babaeng iyan?

Pigil na pagiyak ang ginawa ko sa harap nila.

Sh*t! Luha, pwedeng tumigil ka muna kahit ngayon lang?

Gustong gusto ko na silang pagsasampalin at hambalusin pero hindi ko kaya.

Wala akong lakas para gawin iyon.

Kung bakit naman kasi kailan kailangan ko ang lakas at tapang ko, ay sya naman wala ito.

Dahan dahan kong inabot ang dulong suit ni King at mahinang hinila iyon. Mukhang galing pa sya sa kanyang kompanya at dumiritso kaagad sya rito.

Wala na akong pakialam kahit na magmukha akong tanga sa kanilang dalawa. Hindi ko na kayang magisip kung ano munang dapat gawin sa lagay na ito dahil ang nasa isip ko lang ay kailangan ko sya.

Uuwi kaming dalawa..

Kahit na harap harapan nya akong ginagago ay tatanggapin ko, makauwi lang kaming dalawa.

Maiuwi ko lang sya.

"K-king, uwi na t-tayo." Naiiyak kong pahayag habang patuloy na hinihila ang kanyang suit.
Para akong isang bata na nagsusumamo sakanyang ina na pagbigyan sa kapritso.

Awang awa ako sa sarili ko dahil sa pagpapahiyang ginagawa ko pero p*ta!

Hindi ko na kaya eh. Masakit na!

Napatigil sila sa kanilang ginagawa at marahas na tumingin sa deriksyon ko na parang naistorbo ko pa kung anong ginagawa nila.

Napaawang nalang ang labi ko ng masilayan ang nanggagalaiting galit na mukha ni King at natatakot ako dahil para syang papatay sa lagay na ito.

Naiisip ko palang na masasaktan nya ko pisikal, parang mas dobleng kirot pa ang hinahatid nito sa puso ko.

Hindi naman nya magagawa iyon diba?

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa damit nya ng bigla syang tumayo at inalalayan rin si Parrah para makatayo.

Ako dapat yon eh.. Ako ang dapat nandoon.

Ngayon palang kitang kita ko na ang mga nagkalat na pinta sa kanyang labi na nanggaling sa labi ni Parrah. Gusot gusot narin ang kanyang damit at ang iba pa rito'y wala na sa tamang pagkakabutones.

Gusto ko ng humagulgol sa harap nya at umiyak nalang ng umiyak dahil sa nakikita. Gusto ko ng maglupasay sa harap nya at magmakaawang itigil na nya ito.

Dahil sobrang sakit na...

Anong nagawa ko at nagkakaganito sya. Na nagagawa nya sakin ito.

May nagawa ba akong mali? Sabihin nya sana para naman maitama ko.

Pangako nya saking babalikan nya ako. Nangako syang uuwi sya sakin, pero bakit lumipas ang araw na wala sya at sobrang pinakaba nya pa ako sa pagaalala kung ayos lang ba ang lagay nya.

Pero makikita kong nandito lang pala sya at naglalabas init?

T*angina!

Masaya na sana ako nang isang araw bumalik sya at tinupad nya ang pangako nya sakin. At mas naging masaya pa ako dahil may nangyari ulit saamin.

Di ko inikalang kailangan nya pa pala ng iba para paglabasan ng init. Hindi pa siya nakuntento saakin.

Tumigil na lang ang mundo ko at namanhid na lahat ng kalamnan ko ng walang pasabi nyang hinalikan si Parrah sa harap ko.

Marahas at may pagkasabik ang paghalik nya kay Parrah.

------------

Ohh shizz, anong nangyari?😮😮

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon