Chapter 54

1.1K 13 2
                                    

Dalawang linggo narin ang nagdaan. Dalawang linggo narin akong nangungulila sakanya.

Sa amoy, haplos at mga halik niya.

Miss ko ng nandito sya palagi sa condo ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito o dahil baka dala lang ng sobrang pagmamahal ko sakaniya. Hindi ko maiwasang magalala kung ayos lang ba siya at kung anong mga ginagawa niya.

Ang pinanghahawakan ko nalang ay ang pinangako nya. At umaasang babalik sya sakin.

Sa dalawang linggong iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok dito sa condo. Hindi ako lumabas man lang dahil natatakot rin ako na baka mapahamak lang ako sa labas gaya ng sabi ni King.

Hindi ko din alam sa sarili ko, pero parang ayaw ko ng tumayo. Parang ang bigat ng katawan ko at maski gumalaw parang hirap na saakin.

Kahit na tinatamad ay pinilit ko paring bumangon sa pagkakahiga dahil sa nagugutom na ako.

Hindi ko alam kung anong kakainin dahil maski itong panglasa ko parang wala rin sa wisyong kumain.

Bumaba na ako at tumungo sa kusina para manghalungkat ng makakain pero pagbukas ko palang nito halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa mabahong naamoy..

Ugh, ano ba namam tong amoy na to.

Hinanap ko sa loob kung ano yong nangangamoy at hindi ko maiwasang mapatakip ng ilong sa tindi nito.

Ang baho talaga

.
Napatakbo nalang ako CR at don inilabas ang kanina pang gustong kumalawa sa lalamunan ko.

"Bwaaaaakk" shit..

"Uh-oh, may sakit ba ako?" kinakabahan kong pagkakausap sa sarili ko.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito. Halos masuka ko na lahat ng lamang loob ko pero wala namang lumalabas sa bibig ko kundi mga kaunting tubig lamang.

Kinakabahan akong pumasok sa kwarto para doon nalamang magpahinga. Nawalan narin naman kasi ako ng gana.

Iniisip ko parin kung anong mga sintomas ng may sakit. Nahihilo, nagsusuka, ano bang klase ito?

Huhu, baka dati na pala ito at hindi ko man lang nahahalata. Baka lumala na ito ngayon.

At ang malala baka naging Cancer na ito..

Maisip ko palang na may ganon akong kalalang sakit, nalulungkot na ako.

Hihiga na sana ulit ako ng madaanan ko ang full length size mirror na katabi lang ng kama ko.

Humarap ako doon at pinagmasdang mabuti kong may sintomas na bang lumalabas sa katawan ko dahil sa sakit ko.

Bakit parang nag iba ang hubog ng katawan ko?

Tinignan kong mabuti ang sarili ko at tinanggal pa ang suot na damit para kompirmahin kung totoo.

Ito na ba ang isa sa mga sintomas na may sakit ako?

Hinawakan ko ang bewang ko at tumalikod pa ako ng makumpirmang,

Nagiba nga ang katawan ko. Parang mas naging malaman ito kumpara dati.

Bakit naman kaya ako tataba, eh hindi nga ako madalas kumain. At kung kumain man ako eh hanggang tatlong kutsara lang ang nauubos ko. Mapili na kasi tong tiyan ko nitong nagdaang araw, at baka isa narin yon sa mga sintomas.

Maganda kaya ito sa kalusugan?

Napahawak nalang ako sa tiyan ko ng bigla itong nagutom. Haisst, ano ba naman kasi ang gusto ko?

Nagpalit nalang ako ng damit at balak na doon nalamang sa labas kumain. Mabuti pa doon at marami talaga akong pagpipilian kung sakaling maging mapili na naman ang tiyan ko.

Maayos naman akong nakalabas at wala naman akong naramdamang sumusunod o nagmamasid.

"Manong dito nalang po." Pagpapatigil ko sa driver. At tumigil na ito.

Tumigil kami sa isang Super Market at balak kong tumingin tingin kung anong masarap kainin dito.

Buti nalang at parang hindi naman namimili itong ilong ko at hindi nakaka-amoy ng mabaho.

Nakakahiya naman kung pati rito ay magsuka rin ako.

Kumuha ako ng isang push cart at naglagay ng pe-pwedeng makain. Kadalasang mga madaling lutuin lang kagaya ng noodles. Ayaw ko narin namang mag luto ng magluto, kaya yong mga madali nalang yong pinili ko.

Pupunta na sana ako sa mga pambabaeng kagamitan ng makaramdam ako ng pagkahilo.

Napapikit ako at napahawak nalang sa sintido dahil sa pagkahilo.

"Hmm, Miss okay kalang?" Kahit hindi ako nakatingin sakanya alam kong ako yong tinutukoy nya dahil lumapit ito sakin at hinawakan pa ako sa balikat.

Kahit nahihirapan at ramdam parin ang pagkahilo ay pinilit ko paring magsalit ng maayos.

"Hmmm, oo. N-nahilo lang ako ng kaunti." Sagot ko rito.

Tumingin pa ako sakanya tyaka sya nginitian. Nakita ko rin ang pagtango nito, pero parang hindi parin sya sigurado kung ayos lang ba talaga ako.

"Namumut---- MISS!"

Hindi nya na natapos ang sasabihin ng bigla nalang nagdilim ang paningin ko at malakas na pagsigaw nya nalang ang huli kong narinig.

------------

Bitin?😂😅

May cancer na ba talaga si Heven?😢😭

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon