Chapter 37

1.6K 20 0
                                    

Naalimpungatan nalang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at medyo nahilo pa ako ng subukan kong imulat ang aking mata.

"Aissh, ang sakit." Hinilot ko pa ito ng kaunti.

Mukhang nakarami yata ako ng inom ng wine kagabi.

KAGABI?

Biglang nag sink-in sakin lahat ng nangyari kagabi. Mula sa party, sa naging paguusap namin ni Lync, sa pagpasok ni King dito sa condo ko at sa mainit na nangyari saaming dalawa.

Aissh totoo nga..

Nilibot ko ang paningin ko at makalat na kwarto ang bumungad sakin.

Nagkalat na mga damit, mga unan na nasa lapag at gusot gusot na kama. Ngayon ko lang napagtantong wala na pala si King. Umalis na naman sya at iniwan na naman ako pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Bumangon nako kahit wala pa akong saplot. Inayos ko muna ang mga kalat sa lapag, sa kama at kinuha na ang mga nagkalat na damit at inipon. Para narin ito na maging excercise ko ngayong umaga.

Pagkatapos kong maglinis dumiritso nako sa CR para maligo.

Lumabas nako ng naka robe lang. Hindi kasi ako nakakuha ng damit na pang bahay kaya dito nalang ako sa kwarto magpapalit.

Wala naman akong pupuntahan ngayong araw at dito lang ako sa condo tatambay.

Tinanggal ko na ang suot kong robe at tumingin sa kaharap na salamin. Full length mirror.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ko at ngayon ko lang napansin na namumula parin ito. Marami rin ang mga kiss marks sa ibat ibang parte ng aking katawan na alam nyo naman yata kung sinong may kagagawan.

Mas marami ang nasa parteng leeg at dibdib ko. Grabe pinanggigilan nya talaga ko.

Nagsuot nako ng Puting over size na T-shirt at boxer hindi narin ako nagsuot ng bra kasi mas kumportable ako kapag ito ang sinusuot ko at tyaka dito lang naman ako sa condo, hindi naman ako lalabas.

Bumaba nako para magluto ng breakfast ng may maamoy akong mabango na nanggagaling sa kusina. Dumiretso ako dito at nagulat ako ng may nakatalikod na lalake ang ngayo'y nasa aking kusina.

"HOY! SINO KA? ANONG GINAGAWA MO DITO?" sigaw ko. Eh sa baka ito na pala talaga ang magnanakaw na sinasabi ko eh.

"Aissh, hindi kaba talaga titigil sa kakasigaw? Kagabi ka pa ah" at humarap ito saakin ng may naiiritang mukha.

"Bakit nandito ka pang lalake ka ha?" tanong ko. Tumalikod lang ito at pinagpatuloy ang pagluluto. Pumunta naman ako sa Ref para kumuha ng maiinom.

"Im hungry, so I decided to cook for my breakfast" sagot nya.

Eh bakit dito pa sya nag luto? meron naman syang bahay ah.

"Bakit dito ka pa nagluluto?. Mayaman ka at maraming maids kaya dun ka sainyo. Mag paluto ka nalang sa mga katulong mo" pagtataboy ko sakanya pero hindi naman sya nagpatinag at nag patuloy lang sa pagluluto. Mukhang di ko narin naman sya mapapaalis.

"Para sayo lang yan?" tanong ko. Mukhang masarap naman ang niluluto nya kaya makikisalo nalang ako sakanya, kung sakaling pumayag sya.

"Yeah. And for you also. tsk" Nabuhayan naman ako sa sinabi nya.

Yes!, hindi nako magluluto, Tyaka nagugutom narin kasi ako kaya sakto lang na nagluluto na sya. Meron naman pala syang pakinabang kahit papaano. Haha

Umupo nako at tinignan nalang kung paano sya magluto. Hindi ko na sya tutulongan kasi ayos nadin naman lahat. Naka prepare na yung plato't kutsara. Yung niluluto nya nalang ang kulang.

Pinagmasdan ko sya habang nagluluto at ngayon ko lang napansin na wala pala syang damit, yung apron lang kaya kitang kita ko ang malapad nyang likod at maskulado nyang pangagatawan.
Nakatalikod kasi sya sa parte ko.

Ahmm, ang sarap naman, ang hot nya habang may ginagawa. Mukhang mas masarap pa siya sa niluluto niya.

"Staring is rude" napaigtad nalang ako ng magsalita sya sa harap ko habang nakangisi. Sh*t, nakakahiya. Nakita nya kong nakatitig sa kanya.

"Huh, sinong nagsabi sayong tinititigan ko yang katawan mo?" direderetsong sabi ko at dun ko lang natakpan ang bibig ko ng marealize kung anong nasabi ko. Sh*t, mas nakakahiya yun.

Bakit sobrang defensive ko naman ata, tyaka wala naman syang sinasabing sa katawan ako nakatingin eh.

Pahalata pa more Hevendyze.

"Tss" yun nalang ang narinig kong sinabi nya pero alam kong nakangisi na naman sya.

Prenipare nya na ang pagkain. Marami ang niluto nya at amoy palang nakakabusog na. Wow magaling pala syang magluto.

Umupo na sya sa harap ko at nagsimula na kaming kumain ng tahimik.

"How is it?" Nabaling ang tingin ko sa kanya ng magtanong sya. Mukhang tinutukoy nya yung niluto nya.

"Hmm, pwede na" sabi ko nalang pero seryoso, masarap talaga sya.

"Tsk" yun nalang ang sinabi nya.

Marami pa pala akong itatanong sakanya, kaya buti pa umpisahan ko na habang kumakain pa naman kami.

"Hmm, paano ka pala nakapasok dito kagabi?" tanong ko habang nakatingin sa plato.

"Door" maikli nyang sagot.

Huh? Eh diba di naman nya alam ang password ko, eh pano sya nakapasok?

"Paano ka nakapasok, may lock yon diba?".

"Tsk, umakyat ako papunta sa veranda. Sliding door was open so I easily got in"

Ahh, so ganun pala yun. Kaya pala nakabukas yung sliding door kagabi.

"Paano mo pala nalaman kung san ako nakatira?"

"Money, connections"

Ang ikli ikli naman ng lalakeng to sumagot. Pero tama naman sya, mayaman pala ang lalakeng to kaya madali lang sakanya malaman ang lahat.

Meron pa sana akong itatanong sakanya, kaso wala naman ako sa lugar na itanong yun. Wag nalang.

Natapos nakong kumain habang sya nama'y hindi pa. Tumayo nako at nilagay sa sink ang pinagkainan ko.

"Ilagay mo nalang sa sink yang pinagkainan mo kapag tapos kana. Salamat rin sa pagkain at makaaalis kana." sabi ko sakanya at pumunta na sa taas.

Aalis narin naman yun. Akala ko nga nakaalis na sya kanina pa pero dito parin pala sya.

Pag pasok ko sa kwarto, kinuha ko lahat ng maduduming damit at inilagay sa basket. Maglalaba ako ngayon. Kinuha ko narin pati yung nasa CR.

Paglabas ko ng CR, bumungad sakin ang lalakeng prenteng nakahiga sa kama habang nakatitig ng malagkit saken.

"Ano pang ginagawa mo dito?" mataray kong tanong sakanya.

"Your seducing me again babe" sagot nya.

Sh*t, hindi pala ako nag suot ng bra. Kaya pala ganyan na naman sya makatingin kanina pa eh.

Ayan na naman po ang kamanyakan nya.

Dali dali naman akong pumunta sa cabinet at kumuha ng bra. Narinig ko pa ang pagtawa nya. Pumasok kaagad ako sa CR at nilock ito. Buti na yung sigurado, baka mahalay ko na naman sya, Ayy este mahalay nya na naman ako.

Lumabas ulit ako ng kwarto at ganun parin ang posisyon nya.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon