Chapter 39

1.4K 23 0
                                    

"What's going on here?" dumagundong sa bawat sulok ang malamig na boses na iyon.

Damn! ito na nga ba ang sinasabi ko eh..

Napabitaw naman sakon si Lync ng ilayo ako ni King at dalhin sa likod nya.

Kumunot naman ang noo ni Lync at parang naguguluhan sya kung bakit ganito ang inaasal ni King at kung bakit sya nandito.

"Hmm, ah--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Lync.

"What are you doing here?" nakakunot noong sabi nya at tumingin pa saakin.

Pero hinigpitan lang ni King ang pagkakahawak nya sa kamay ko at tinanong rin si Lync pabalik.

"I think I should be the one who asking that." cold nitong sabi. Bumalik na naman ang awra ni King sa pagiging malamig.

Nau! mukhang magkakainitan pa tong dalawa.

Ngumisi lang si Lync at bumaling ng tingin sakin ng nakatiim bagang. Mukhang galit na sya at di nya na nagugustuhan ang nangyayari. Base narin sa walang ekspresyon nyang pinapakita. Alam ko kapag ganyan na sya.

"May namamagitan na ba sa inyong dalawa?" may pait nyang tanong saakin. Nakita ko naman ang pag ngisi ni King, hinapit pa nya ang bewang ko at pinulupot don ang braso nya na parang mas inaasar niya pa si Lync.

Mas tumalim naman tuloy ang tingin ni Lync kay King.

Sinubukan kong tanggalin ang braso ni King pero mahigpit itong nakakapit saakin pero yung hindi naman ako nasasaktan.

Hindi ko sinagot si Lync. Hindi ko rin kase alam kung ano nga ba kami ni King.

Napapaisip rin ako kung ano ba talagang pakay nya sakin.

Maybe, we are just fuck buddies and no string attached. Iyon ang mas masakit roon.

Natahimik ako sa tanong nya maski rin si King pero ang sunod nyang tanong ang nakapagpainit ng ulo ko.

"ANO? Bakit? Mas-masarap ba sya ha! Masarap ba sya sa kama?" sigaw nya na ikanakuyom ko.

"You don't need to know. You G*damn it!" susugurin na sana ni King si Lync ng pigilan ko sya at tignan sya ng malumanay. 'Calm down'

Umamo naman ang mukha nya at huminahon na nga sya pero matalim parin ang tingin nya at nagtitimpi.

"What If I say yes, anong gagawin mo?" baling ko kay Lync at nginisihan sya kahit gustong gusto ko narin syang sampalin at saktan.

Huh! sino sya para itanong iyon saakin? Hindi na nya kaylangan pang malaman. Buhay ko to, buhay namin to at hindi na sya kasama sa buhay ko.

Pinipigilan ko lang ang sarili kong wag syang saktan kasi ayoko naring pumatol sakanya at pagod narin kasi ako. Buti nga't napakalma ko si King kahit ramdam ko na ang panggigigil nya. At tyaka totoo naman ang sinabi nya eh.

Masarap naman talaga si King.

Aishh ano ba tong pinag-iisip ko?

Tumalim ang tingin nya sakin at lalapitan nasana ko ng magsalita si King na nakapagpatigil sakanya.

"Try to come here and I will fucking rip you!" pagbabanta ni King. Madadama mo sa bawat bigkas nya na tototohanin nya ito kung sakali.

Tumigil narin si Lync sa paglapit.

"Huh! napasakin kana dati Hevendyze at kaya ko ulit yong gawin. Mapapasakin ka ulit" sabi nya at tinitigan ako sa mata bago si King na parang nang hahamon.

Tsk, ang kapal naman ng lalakeng to. Dati yon dahil nag pakatanga ako sakanya noon.

"Really? but sorry to say. She's mine and no one can get her from me even you.

Magkakamatayan muna tayo" sabi ni King.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng sabihin nya yun. Hindi ako makapaniwala na sasabihin nya iyon. Nanlalambot na ako, pero bago ko isipin ang sinabi ni King bumaling muna ako kay Lync at nagsalita.

"Hinding hindi ko na hahayaang mahulog pa sayo kung saka sakali dahil yun ang pinagsisisihan kong naging disisyon ko. Ang tanga ko nalang kung magpaikot pa ako sayo." sabi ko sa nanggagalaiti.

"Leave now habang nakakapagpigil pa ako at hindi pa kita natutuluyan" ma autoridad na sabi ni King kay Lync.

"Fuck!" nanggagalaiting sabi ni Lync at padabog na lumabas ng pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil umalis na sya at mawawala narin ang tensyon dito sa loob.

Ni-lock ko na ang pinto at pagharap ko ay walang ekspresyong mukha ni King ang bumungad saakin.

"Explain" sabi nya. Hindi pa pala ako tapos dahil meron pang isa dito ang nakakatakot.

Haisst pagod na nga ako sa paglilinis tapos hindi pa ako kumakain, ito pa at magpapaliwanag pa ako sa lalakeng to.

Pagod nako. Marami ng nangyari ngayong araw na hindi ko inaasahan.

------------

Magsisimula ng magbago ang kwentong ito sa mga susunod na chapter kaya sana ay patuloy niyo paring basahin.
Enjoy po at maraming salamat.😊😘

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon