"Hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin""Painosente ka kasi masyado eh"..
"Sarap pala nitong boyfriend mo"..
"Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepp!"
"Huwaaaaaaaaagg!"
Nagising nalang ako na hinihingal. Parang tumakbo ako ng pagkabilis bilis.
Ano bang klase ng panaginip yun? At bakit napanaginipan ko yun?. Parang totoong totoo yung bawat bigkas ng lalake at babae..Isa ba yun sa mga nakaraan ko? Hindi ko nga lang makita kung sino sila.. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako..
Bakit? Bakit feeling ko ang sakit sakit ng nakaraan ko?. Parang pinipiga ang puso ko kahit hindi ko naman alam kung totoo ba yun..
Maganda ba ang nakaraan ko? Kasi kung hindi sana hindi ko na maalala para hindi na ako masaktan..
Pero ano nga bang alam ko..
Bumukas ang pinto at pumasok ang mag-asawa.. Galing ata sila sa office kasi nakapang trabaho pa sila.. Pinunasan ko na ang mga luha ko kahit hindi naman mahahalata dahil sa benda sa mukha ko.. Umayos rin ako ng upo..
"Oh, hevendyze gising kana pala sakto at may dala akong pagkain. Kumain ka muna para may lakas ka".
At inilapag nya sa harap ko ang pagkain na nakaayos na.Tinignan ko ang orasan na nakasabit. 9:30 a.m na pala.
"Sige po".
Inumpisahan ko ng kumain. Paunti-unti lang dahil naka benda ang mukha ko..
"Hmmmm, meron po bang pumunta rito na kapamilya ko?" tanong ko sa kanila, habang nakaupo sila sa sofa na hindi kalayuan saken.
"Mula nung sinugod kanamin dito wala naman kaming nabalitaan na bumisita o naghahanap sayo" malungkot na tugon ni Maam Amandine.
Bigla akong nalungkot sa sagot nya.
"May naaalala kabang kapamilya mo o kahit sino?" tanong naman sakin ni Sir Zeyr.
"Wala po eh"..
"Pero may naaalala kana ba na kahit ano?" tanong sakin ni Maam Amandine.
"Hmm, opo pero boses palang po ang malinaw" Malungkot kong sabi dahil naaalala ko naman ang napanaginipan ko kanina. Buti hindi nila napansin.
Tinapos ko na ang kinakain ko.
"Ito yung gamot mo, inumin mo muna". Ininom ko naman ito.
"Thankyou po talaga at inaalagaan nyo pa ako. Sobra sobra na po ang naitulong nyo sakin".
"Gusto kasi naming makatulong kahit man lang sayo" nakangiting sabi ni Maam Amandine..
"Matanong ko lang po, meron po ba kayong anak?"
"Yun ehh.... gusto nga naming magkaanak pero hindi kami binibiyayaan". Malungkot na sabi ni Maam Amandine. Naguilty naman ako kasi naitanong kopa.
"Sorry po". "Okay lang".
"Kaya nga naging malapit kana agad samin eh" sabi naman ni Sir Zeyr.
"Bukas na pala aayusin ana mukha mo kasi sabi ng doctor okay naman daw yung iba mong sugat"
Aangal pa sana ako ng sumigit kaagad si Sir Zeyr.
"And its final, you cant change it".
Haisst anu pa nga bang magagawa ko at tyaka para rin naman sakin to eh.
"Babayaran ko nalang po ang perang ibabayad nyo, yun nga lang hulog-hulogan" nahihiya kong sabi.
"Hindi na kailangan.. Gusto ka lang namin na matulongan at mapaganda"
Lumipas ang oras at wala naman ibang nangyari. Tinanggal narin yung benda sa paa ko dahil ayos na daw..
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
No FicciónPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...