Tss. Ang manyak manyak talaga ng lalakeng yun.
Pinasadahan ko ulit ng tingin ang suot ko at baka may magbakat pa at makita na naman ng mala-matanglawin nyang mata, buti naman at ayos na.
"Umalis ka na nga. Marami pa kong gagawin" pagpapaalis ko sakanya ng makalabas ako ng cr.
Marami naman talaga akong gagawin. Maglilinis pa kaya ako ng buong condo.
"In one condition" sabi nya habang nakangisi. Sa ngisi nya palang mukhang may kakaiba. Mukhang may binabalak na naman ang lalakeng to. Parang may naisip na naman syang kababalaghan..
"Ano naman?" sagot ko naman.
"We'll have another round." Sumilay sa labi nya ang mapupti nyang ngipin. Tumawa pa sya na parang nagtagumpay.
Ano? Round? Ha! Ano sya sineswerte at pagbibigyan ko ulit sya? Tsk.
"Ayoko nga, at anong pinagsasasabi mong another round? Pinagod mo na nga ako kagabi eh" pagtatanggi ko sakanya.
"Oh see, so I won't leave" sabi nya at pumikit. Mukhang tutulugan pa ko ng lalakeng to ah.
"Psst, Hoy!. Kung gusto mong matulog doon kasainyo wag dito. Marami pa kong gagawin" panggigising ko sakanya pero nanatili parin syang nakapikit.
"Hoy gisiiiing. Wag kana dito". Niyugyug ko na sya pero still no response parin.
"Bahala ka nga sa buhay mo. Hindi kana sana magising at tuluyan ng makatulog habang buhay. Tsk"
Iniwan ko sya don natutulog at bumalik na sa CR para maglaba.
Madali ko lang natapos ang paglalaba kasi konti palang naman.
Paglabas ko, ganon parin ang posisyon nya at tulog na tulog. Tss, antukin pala ang lalakeng to.
Pumunta nako sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan. Pinunasan ko narin ang bintana, mesa, picture frame at iba pa para matanggal ang mga alikabok. Nag mop narin ako at pinalitan ang mga kurtina ng bago.
Mabilis lang lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na 1:00 na pala ng hapon.
Hindi pa pala kami nagla-lunch ni King. Buti pa mag-order nalang ako para hindi nako magluto. Pagod narin kasi ako kakalinis.Pagkatapos kong mag-order, pumunta nako sa kwarto para tignan kung gising na si King. Pero naabutan ko syang tulog na tulog parin.
Sinubukan kong gisingin at kakain na kami pero ang loko tinarayan lang ako. Bakla yata to eh, baklang adik sa kantutan.
Bumaba nako at sakto namang tumunog ang door bell. Ito na yata yung pinapa-order ko.
Binuksan ko na ang pinto pero ibang tao ang bumungad sakin na syang ikinagulat ko.
Bigla nalang akong kinabahan lalo na sa paraan ng pagtitig nya. Bakit sya nandito?
BAKIT?
-----------
Binuksan ko na ang pinto pero ibang tao ang bumungad sakin na syang ikinagulat ko.
Bigla nalang akong kinabahan lalo na sa paraan ng pagtitig nya.
Bakit sya nandito?
Bakit?
Natuod nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa taong hindi ko inaasahan na pupunta dito.
Hindi man lang sya sumagi sa isip ko na makakapunta sya rito.
"Lync" naibulong ko nalang sa hangin.
Ilang minuto pa muna ang lumipas at wala saaming gumagawa ng kahit na ano. Nagpapakiramdaman sa kung anong sasabihin.
"Sino kaba talaga?" unang tanong nya sakin na alam ko kung saan na patungo.
Bakit nya ko tinatanong ng ganyan? May nalalaman na ba sya?
Pero hindi ko sya sinagot bagkus tinanong ko rin sya.
"Anong ginagawa mo rito?" walang ekspresyon kong tanong sakanya. Hindi muna ko mag papadalos dalos at baka may masabi pako kahit alam ko namang may nalalaman na sya.
Pumasok sya at hinigit ang kaliwa kong braso bigla bigla.
Shit ang sakit. Ang higpit ng pagkakahawak nya.
"Ahh--ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakanya.
"Tsk, I can feel it. Magkaparehong-magkapaerho kayo. From your figure, the way you talk and those eyes,..."
sabi nya habang sinusuri bawat anggulo ng mukha ko at tumigil ang mata nya sa mga mata ko.
"Your Heven" nagulat naman ako sa sinabi nya.
Hindi ito tanong kundi isa itong pahayag.
Alam na nga niya. Pero paano?
"Kaya pala nung una ko palang kita sayo parang may namumukhaan nako pero pinag sawalang bahala ko lang yun because I never thought that you are Heven.
Kapag nakikita kita hindi ko maiwasang isipin sya sayo kaya hindi ako tumigil maghanap ng impormasyon tungkol sayo at hindi naman ako nagkamali.
Dahil pati pangalan nyo ay iisa." sunod sunod nyang sabi at ibat iba ng ekspresyon ang nakikita ko sa mga mata nya.
Ang sunod nyang ginawa ang nakapagpalambot saakin. Niyakap nya ko ng napakahigpit.
Ikinulong nya ako sakanyang bisig na parang ayaw na nya akong pakawalan. Parang sa isang iglap lamang ay ayoko ng kumawala pa sa mga bisig niya. Gusto ko nalamang dumito habang buhay.Bakit? bakit nya ginagawa sakin to?
Nanginginig na ang mga tuhod ko at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Im very happy. Im glad that I already found you" makahulugan nyang sabi at mas hinigpitan pa ang pagkakayapos saakin.
Yayakapin ko narin sana siya pabalik ng biglang may sumagi sa isip ko na nakapag pabalik saakin sa reyalidad.
Bakit hinahayaan ko lang syang hawakan at yakapin ako? Bakit bumibigay na naman kaagad ako sakanya?
Hindi ako 'to at wala to sa plano. Walang wala ito sa plano ko. Wala na ang Hevendyze na nag mahal sakanya noon kaya bakit hinahayaan ko lang sya ngayon?
Sa lahat ng ginawa nyang kagaguhan sakin noon tapos yayakap yakap sya sakin na parang wala syang kasalanan?
Tinanggal ko naman ang braso nya at tinulak sya.
Nagulat naman sya sa ginawa ko at nakita kong may gumuhit na sakit sa mga mata nya.
Guni guni ko lang ba yun? pero sya? Bakit naman sya masasaktan?"Leave" malamig kong sabi at binuksan na ang pinto para umalis na kaagad sya.
Kinakabahan narin kasi ako ng maalalang nandito pa si King at baka magising sya't makita kami.
"No, hindi ako aalis hanggat hindi mo pa napapakinggan ang rason ko. Kung bakit kita nasaktan at nilok--" hindi ko na sya pinatapos ng bigla ko syang sampalin ng pagkalakas lakas.
Ito yung gustong gusto kong gawin noon pa man sakanya at buti naman ay nagawa ko rin sakanya.
Huh sino sya para mag paliwanag?
Ang kapal naman ng mukha nya..
"Tsk, Ano namang sasabihin mo? Yung kahalayang ginawa nyo ng makati kong kaibigan? Yung mga pag ungol nyo ng mga oras na yun?
Ano ah? pagkatapos bibilugin at paiikutin mo na naman ako? Sana bago mo ginawa ang mga kagaguhan mo inisip mo man lang kung sino ang masasaktan mo at kung ano ang magiging resulta nito!"Naiiyak nako at alam ko kaunti nalang tutulo na ang luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang dahil ayokong umiyak sa harap nya at mag mukhang mahina.
Hindi ko na sya iiyakan pa.. Tapos nako don.
Nanghihina nako at ayaw kong marinig kung ano mang paliwanag nya dahil baka pag marinig ko, yun din ang maging kahinaan ko at mapatawad ko pa sya. At yun ang ayaw kong mangyari. Masyado pang masakit ang ginawa nya kahit ilang buwan na ang lumipas.Dahan dahan syang lumapit sakin ng may malungkot na mukha at hinawakan ang kamay ko.
"Im sorry. Im sorry. I didn't mean to--" hindi nya na natapos pa ng may magsalita sa likuran ko.
"What's going on here" dumagungdong sa bawat sulok ang malamig na boses na iyon.

BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
Non-FictionPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...