Chapter 51

1.3K 11 0
                                    

Hevendyze POV

Maya-maya, naramdaman ko nalang ang pagbangon nya at ang paghalik nya sa noo ko.

Narinig ko nalang ang pag-bukas sara ng pinto tanda na umalis na sya.

Minulat ko naman agad ang mga mata ko para hagilapin sya kahit alam ko namang wala na sya at umalis na. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at sunod-sunod na ngang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha.

Totoo nga...

Totoo ngang plano lang nila ito..

Ang sakit.

Oo, alam ko lahat at narinig ko lahat ng pinag-usapan nila, umpisa palang. Pero umakto lang ako at nagtulug-tulugan.

Hinagod ko naman ang parte ng dibdib ko para pakalmahin ang sarili, pero wala rin namang naging epekto. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib dahil sa sobrang emosyong nararamdaman.

Ano bang nagawa ko't sobrang nahihirapan ako ngayon?

Pesteng buhay to!

Alam nyo yong mas masakit? Yong ginawa mo na lahat. Binigay mo na lahat pero hindi ka parin nya magawang mahalin. Hindi ka parin sapat. At alam mong kahit anong oras ay kaya ka niyang iwan.

Nagmamahal lang naman ako 'di ba? Anong masama sa pagmamahal at kailangan ko pang maghirap ng ganito?

Akala ko pa naman totoo na ang mga sinabi nya saakin kagabi. Akala ko, totoong pagmamahal ang mga nakita ko sa mata nya.

P*tang akala yan eh! Mas masakit pa sa katotohanan.

"Anong ginagawa mo dyan Heven? Hindi mo ba susundan si King? Hindi mo ba aalamin kung sino yong pupuntahan nya? Nasan na yong mga pinagsasasabi mo?" Narinig kong sabi ng isip ko.

Tama nga naman. Anong iniiyak-iyak ko rito?

Wala ng patutunguhan ang pag-iyak ko sa oras na ito. Wala saaking maaawa at wala ng tutulong sakin kundi ang sarili ko lamang. Ito nalang ang meron ako.

Dali-dali akong tumayo at nagbihis ng kung anong mahagilap sa closet. Jeans at shirt. Ayos na ito. Wala na kong oras para mag-ayos.

Kinuha ko ang cellphone at susi at dali-daling lumabas ng condo. Iginala ko ang paningin sa parking lot na umaasang hindi pa nakaaalis si King pero wala nakong nakita. Maski kotse nya hindi ko narin makita. Mukhang naka-alis na nga sya.

Paano nato?

Gusto ko na naman tuloy maiyak dahil sa iba't ibang ideyang pumapasok sa isipan ko. Pero buti nalang at nahagilap ng mata ko ang hawak-hawak kong susi. Buti nalang talaga at nadala ko ito kahit tarantang taranta na ako.

Pumasok ako sa kotse at mabilis itong pinaandar. Binigay ito saakin ni Maam Amandine at Sir Zeyr. Kaya malaking pasasalamat ko talaga sakanila.

Naalala ko kasing magpapasundo muna si Parrah kay King sa bahay nila at buti't alam ko kung san sya nakatira kaya madali lang akong makakapunta roon.

Duhh! Im her best friend BEFORE. So shempre alam ko kung san man nakatira ang ahas na yon at kung san ang lungga nya.

Sana naman don parin sya nakatira..

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa bahay nya hindi ko maiwasang mapahigpit ang kapit sa manibela.

Gustong gusto ko na talagang patayin ang babaeng yon. Nakakarami na sya. Pati kasi yong pag-uusap nila ni King narinig ko rin.

Sana nandon parin sila at hindi pa nakakaalis.

Malapit na ako sa bahay ni Parrah at naaninag ko ang kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila. Tumigil ako sa medyo di kalayuan sakanila at pinagmasdan kung kay King nga ba ang kotseng iyon. At tama nga ako.

Nakita ko kung paano alalayan ni King si Parrah papasok sa kotse nya. Tumulo na naman ang mga pesteng luha ko at marahas ko naman itong pinahid. Ang sakit na.

Nagsimula ng umandar ang kotse nya kaya agad ko naman itong sinundan.

Hindi kita pakakawalan King. Susundan kita kahit san ka pa magpunta.

Ilang minuto rin ang lumipas at huminto na ito. Huminto narin ako at gaya ng dati, pinark ko lang ito sa medyo hindi kalayuan sakanila.

Unang lumabas don ay si King at pinagbukasan nya ulit ng pinto si Parrah.

Kita ko sa mukha ng bruhilda ang saya at ipinulupot kaagad nito ang braso sa bewang ni King.

Wow lang ha. Kala mo naman mawawala sya kung makakapit kay King. Lumpuhin kita ng tuluyan eh, nang sagayon hindi ka na talaga makalakad.

Pumasok sila sa isang kilalang restaurant.

Pinaghila ni King ng upuan si Parrah at umupo naman kaagad ang ahas. Magkaharap silang dalawa.

Mula rito sa labas kita ko ang pag-buka ng mga bibig nila at animo'y may seryosong pinag-uusapan.

Nakakunot ang noo ni King at seryosong nakatingin lang kay Parrah. Ang ahas naman na ang nagsalita at maya-maya lang ay naging masaya na ang pag-uusap nilang dalawa.

Napakuyom naman ang kamay ko at kaunting tulak nalang talaga at hindi na ako makakapagpigil na kumprontahin sila.

Masaya silang kumakain habang ako rito'y nakatanaw lang sakanila.

Uminit na naman ang gilid ng mata ko at alam kong ano mang oras ay hindi ko na mapipigilan ang pagbagsak nito.

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Talunan ka talaga kung hahayaan mo lang silang maging masaya" Ito na naman.
Nagsalita na naman ang isip ko at parang pinapagalitan ako kung anong dapat kong gawin.

Sh*t! Sasaktan ko talaga ang malanding yon eh..

Mabilis akong naglakad papasok sa restaurant at nanggagalaiting lumapit sakanila. Lahat ng mga mata'y nabaling saakin at wala na akong pakealam doon.

Hindi man lang nila ako napansin ng makalapit ako sakanila. Busy parin sila sa masayang pag-uusap.

P*ta King! Akin kalang!

---------

Woaah, masyado ng obsess ang ating Heven. Lahat kayang gawin, makuha lang kung anong alam niyang sakanya.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon