Chapter 6

2.4K 24 2
                                    

2 Weeks Later..

Nagising nalang ako sa isang maaliwalas na kwarto. Medyo nasilaw pa ako sa ilaw na nanggagaling sa kisame.

Lahat ata ng gamit dito kulay puti eh. Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto at nasa hospital pala ako at mukhang ako lang ang magisa rito.

Dahan dahan akong umupo at sumandal sa headboard. Medyo kumirot pa ang ulo ko at medyo nahilo pa ako.

Ano kayang nangyari at nasa-ospital ako. Sino naman kaya ang nagdala sakin dito?.

At ngayon ko lang namalayan na puno ng benda ang mukha ko 'as in lahat maliban nalang sa mata ko at bibig ko.

Nakabenda rin ang kaliwa kong paa at meron din akong gasgas sa iba't ibang parte ng katawan.

Para na akong mummy, yung nasa movie.

Bakit nagkaganito ako? Ano kayang nangyari? Wala talaga kasi akong maalala eh.

Sa malalim na pag-iisip ko, biglang bumukas ang pinto. Nabaling ang tingin ko sa mga pumasok.

Isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na kasama ang isang lalake na mukhang asawa nya. May mga itsura sila at alam kong mayayaman sila base narin sa damit nila. May kasama pa silang lalaki na nakasuot ng puting coat at alam kong doctor sya.

"Buti at gising kana, ayos lang ba pakiramdam mo?" tanong ng babae at umupo sa kama, habang ang dalawa naman ay nakatayo lang sa harap namin.

"Hmm, ayos naman po" medyo nahihirapan kong sabi sakaniya dahil nga sa nakabenda ang mukha ko.

"Ano po palang nangyari saken? Bakit naka benda po ang mukha at paa ko?" tanong ko rito.

"Bago yun, magpapakilala muna kami sayo." napatango naman ako.

"Im Amandine Victoria Zoldyck and this is my husband Zeyr Stein Zoldyck" turo niya sa lalake na sabi ko ay mukhang asawa nya.

"And this is Doctor Chen" dagdag nito.

"Hi po! Ako nga po pala si Hevendyze Fraine. Nice to meet you po" nakangiti kong sabi.

"Dun naman sa tanong mo kanina. Kaya ka may benda sa mukha at paa ay dahil sa nasagasaan ka. Hindi namin nakita lahat ng pangyayari. Nakita nalang namin na duguan kana at walang malay habang yung kotse naman ay humarurot na paalis. Kaya sinugod kanamin dito. 2 weeks kana ring tulog at salamat sa diyos na buhay ka" mahabang lintaya ng babae.

"Salamat po sa tulong nyo, pero bakit wala po akong naaalala?" tanong ko.

"It is normal for patients who has been on accident to not remember anything. It will just get better as the time goes by. Their is no serious complication on your brain, at buti naman na may naaalala ka pa kahit pangalan mo lang. It is a good sign that you are progressing. And by the way, the thing needs to fix next is your face. What you just need is to have rest and take all medicine that I prescribed to you" sabi ng doctor.

CONTINUATION

"If you dont have any question, I'll go ahead" dugtong ng doctor.

"Thankyou Dr. Chen"

"Salamat Doc. Chen".

At umalis na nga ang doctor. Haisst sira na pala ang mukha ko 'ay I mean sirang sira na pala ang mukha ko'. Dati panaman kasi tong sira eh. Buti nalang at may naaalala pa ako kahit na kaunti tungkol sa pagkato ko. Pero yun nga lang hindi ko maalala kung ano ang mga nangyari bago ako naaksidente at bakit nalagay ako sa ganitong sitwasyon.

San kaya ako kukuha ng ipambabayad dito sa hospital, wala naman akong pera. Hindi ko nga alam kung san ako nakatira at kung may pamilya ba ako.

"Wag mo munang alalahanin ang mga gastusin dito sa hospital ang importante ay gising kana" medyo nagulat pako sa biglang nagsalita.
Dito pa pala yung mag asawa. Di ko man lang napansin at parang nabasa pa nila kung anong iniisip ko.

"Gusto mo bang pa ayusin natin ang mukha mo?" tanong saken ng babae na si Maam Amandine yata ang pangalan.

"Hindi napo, wala po akong pera para pambayad. Dito pa nga lang sa ospital"

"Huwag mo munang alalahanin ang mga bayarin, tutulungan kanaman namin eh" nakangiting sabi ng lalake.

"Wag napo. Sobra sobra napo ang naitulong nyo saken"

"Haha anu kaba okay lang naman samin, wag kang mag alala magiging maayos din ang lahat."

"Hehe" nasabi ko nalang, wala na kasi akong masabi eh. Tinulungan na nga nila ko tapos pati banaman dito sa hispital at pagpapa-ayos ng mukha ko sila padin. Tyaka ayos lang kahit hindi na maayos tong mukha ko, ano naman pangit naman na ako dati pa eh.

"Sige lalabas muna kami ha, may mga meeting pa kasi kaming ia-attend. Babalik rin kami dito mamaya" sabi ng lalake.

"Sige po, maraming salamat po talaga"

Kung hindi dahil sakanila , patay na sana ko ngayon.

"Magpahinga ka ha at meron namang nagbabantay sayo sa labas tawagin mo nalang pag may kailangan ka".

"Pagisipan mona rin yung inaalok namin sayo". Tumango nalang ako at umalis na nga sila.

Grabe ang babait nila. Sana sila nalang ang naging magulang ko.
Hindi ko nga alam kung nasan ang pamilya ko.

Kahit isa man lang sakanila. Hindi man lang ako bisitahin.

May mga pamilya pa kaya ako?

May mga nagmamahal ba sakin?

Hindi ko rin alam...

Para kasing wala eh...

May nag mamahal kaya sakin bago nangyari ang aksidente?

At nakatulog ako dahil sa pagod, kahit wala naman akong ginawa..

----------

Kaunti lang talaga ang mga chapters ko kaya, patience is the virtue talaga.😂😅
Ano daw?😅

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon