Alalahanin mo lahat ng nangyari tatlong buwan ang nakalipas..
Dahil malapit mo na itong pag bayaran..Yun ang huling sinabi ko at hinila nako ni King. Parang natulala pa sya sa sinabi ko at di na nakapagsalita kasi malayo na nga salit
Last kong narinig ay ang pag anunsiyo ng nanalo at walang iba kung hindi ako.. Huh! Sino pa bang inaasahan nyo?
Walang imik kaming naglalakad at tumungo sa kotse nya.
"Sakay" ma autoridad nyang sabi. Natatakot na naman tuloy ako dahil bumalik na naman ang pagiging malamig nya..
Sumunod nalang ako kasi baka mas magalit pa sya. Tumungo narin sya sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
Dun na yata kami pupunta sa 5 star hotel na sinasabi nung emcee.
Tumingin nalang ako sa gilid na bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan.
Naramdaman kong bumilis ang sasakyan kaya napalingon ako sa kanya. Panay ang lingon nya sakin at pag tiim bagang nya.
Anong problema nito?
Baka mabangga kami sa ginagawa nya. Kung kanina sarap ang nararamdaman ko, ngayon iba na dahil takot na ang namamayani sakin.
Mukhang nahimasmasan ako sa pag uusap namin ni Lync kanina at bumalik ako sa katinuan ko.
Tumigil na ang sasakyan sa isang napakalaki at napakagandang hotel.
"Baba" utos na naman nya. Hindi ko na napagmasdan ang ganda ng hotel dahil kinaladkad na nya ako papasok.
Ang higpit rin ng kapit nya sa braso ko. Ouchh ang sakit!.Nag iba na ang aura nya, hindi katulad kanina..
Nakakatakot sya parang kaya nyang kumain ng tao..
Diri diritso lang syang pumunta sa elevator at pumindot.
Nakalabas na kami ng elevator at marami rin ang tumitingin saamin..Kadalasang babae na panay ang pagpapapansin sakanya pero wala lang sakanya ito.
Binuksan nya ang pinto at hinila ako.. Nagulat ako ng bigla nya akong isandal sa pader.
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
NonfiksiPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...