Chapter 62

1.2K 13 1
                                    


Sa halip na magalit sakanya dahil sa ginawa nya, natabunan ng pagmamahal ang damdamin ko na mas gusto ko syang makasama.

Na tatanggapin ko lahat ng binibintang nya basta maiuwi ko lamang sya.

Kaming tatlo, magkakasama.

Ayaw ko ng maranasan ng anak ko ang walang kapiling na ama.

Ayokong maramdaman nya ang pagkukulang dahil wala sakanyang umaagapay na ama.

Hindi ko kaya...

Alam ko na ang pakiramdam dahil naranasan ko narin ang mabuhay mag-isa at walang kinikilalang magulang. Ang buhayin at pakainin ang sarili ng sariling pagsisikap.

Kaya kahit ano, gagawin ko para sa anak ko.

"Ayaw mong mapahiya ha! Bakit? Kasi nahihiya kang malaman ng iba kung gaano ka kalanding babae?
PUTANG*NA! KUNG GANON PAGBIBIGYAN KITA!"
Nanggagalaiti nyang sabi.

Sa halip na matakot ako ay nakaramdam ako ng tuwa dahil sa pagpayag nyang doon nalang kami magusap at hindi dito.

Kahit na nanggagalaiti nya itong sinabi at may kasama pang pagmumura, ipinagsawalang bahala ko lamang iyon dahil sa isipang makakauwi na kami ng magkasama.

Tuwa dahil makakauwi na kaming tatlo.

Hindi ko narin kasi makayanan ang mga tinging ipinupukol ng mga tao saakin kaya wala akong magawa kundi ang yumuko at tanggapin ang mga nangungutya nilang tingin.

Hindi nila alam kung ano ang buong kwento, pero kung manghusga sila base sakanilang tingin daig pa nila ang author nitong kwento.

Naputol ang pagsasaya ko ng maramdaman ko ang isang kamay na hinihila ang buhok ko. Sa sobrang higpit nito, pakiramdam ko matatanggal na ang buhok ko sa anit nito.

Tinignan ko kung sino ang maya gawa non na sanay hindi ko nalang ginawa.

"Ahh K-king! T-tama na!" Naisigaw ko nalang dahil walang pasubali nya akong hinila gamit ang buhok ko.

Halos matapilok ako at mapasubsob sa sahig dahil sa napakabilis ng pangyayari at mabilis nyang paglalakad na hindi ko masabayan.

Walang pagiingat..

Ang kaninang pagtigil ng luha ko'y napalitan ng sunod sunod na pag-agos ng mainit na luha na puno ng sakit at paghihirap.

Napahawak nalang ako sa kamay nyang mahigpit na nakakapit sa buhok ko at pinilit iyong tanggalin.

Sunod sunod ang naging paghikbi ko dahil ilang beses narin akong natatapilok sa sobrang bilis nyang maglakad.

Wala na akong lakas at hindi ko naman kayang pigilan dahil mas malakas siya.

"A-aray ko K-king.. M-masakit.." nahihirapan kong sabi.

Ilang beses pa kaya nya akong sasaktan?

Bakit nagagawa nya lahat ng to saakin?

Hindi manlang ba sya naawa sa kalagayan ko?

Ang panandaliang pag-asa na aking naramdaman ay nawala na parang bula at napalitan iyon ng takot.

Takot na maaari na nya akong patayin. Kayang kaya nya iyong magawa saakin.

Halos mauntog ako ng pabalang nya akong ibagsak sa passenger seat ng kanyang kotse. 

Nakarating na pala kami dito sa parking lot ng hindi ko namamalayan.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking noo at doon ko lamang napagtanto ng hawakan ko ito at makitang may dugo.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon