Ramdam ko na ang sarili ko pero hindi ko pa minumulat ang mga mata ko. Alam kong nakahiga ako sa isang kama.
Medyo naaaninag ko rin ang nakakasilaw na ilaw kahit nakapikit pa ako. May kaunting ideya narin ang nabuo saakin kung nasan nga ba talaga ako.
Hindi ko alam pero parang tinatamad na naman ako na kahit magmulat ng mata hindi ko magawa.
Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto tanda na may pumasok.
"Nagising na ba sya?" Narinig kong tinig ng isang babae. Papalapit ng papalapit ang mga yapak nito sa aking gawi. At sa tingin ko sya iyong pumasok.
""Hmm, hindi pa po." Narinig kong tinig ng isang lalake. Sa boses palang nya parang pamilyar ito saakin.
"Okay. Iche-check ko lang sya"
Naramdaman kong papalapit na sya sakin kaya minabuti kong imulat na ang mga mata para malaman kung ano ang nangyayari.
"Oh! Finally your awake!" Napabaling ang tingin ko sa nagsalita.
Nakacoat sya ng kulay puti at naka salamin. May nakasabit ring stethoscope sa leeg nya. Sa itsura nya palang ay alam mo na kaagad na isa syang doctor.
Binigyan ko lang sya ng isang tipid na ngiti bago dahan dahang sumandal sa headboard ng kama.
Naramdaman ko naman ang mga bisig na inaalalayan ako sa pagkakasandal.
Tinignan ko naman ito at nakita ang isang pamilyar na mukha na kakikilala ko palang. Kaya pala parang pamilyar sakin ang boses.
Sya yong lalakeng nagtanong sakin doon sa Super Market kung ayos lang ba ako."Salamat" makahulugan kong sabi don sa lalake. Ngumiti lang ito sakin ng matipid at umayos na ng tayo sa gilid ng kamang hinihigaan ko at bumaling na sa Doktor.
"By the way Im Dr. Rhea, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Doktora kaya sakanya narin nabaling ang tingin ko.
"Opo. P-pero Doc, ano pong nangyari sakin? May malubha po ba akong sakit?" Nahihirapan kong tanong sakanya. Nagsimula ulit akong kabahan lalo na ngayon nandito ako sa ospital. Baka wala na nga talagang solusyon sa sakit ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito kaya nagtatanong ko itong tinignan.
"You're not sick Mrs. Hevendyze and you dont have any complication. Normal lang sa isang buntis ang makaranas ng pamisan minsang mood swings at makaramdam ng mga sintomas kagaya ng pagkahilo, pagsusuka, pag ce-crave sa isang pagkain at iba pa." Mahabang lintaya ni doktora at binigyan pa ako nito ng magandang ngiti.
Ano daw? Normal lang sa isang Buntis? Eh?
Sinong buntis?
Hindi muna ako nakasagot dahil sa malalim na pagiisip ko sa mga sinabi ni doktora.
"Congratulations Mrs. You're 2 weeks and 5 days pregnant!"
Hindi ako nakapagsalita ng marinig ko ang sinabing iyon ni doktora. Maski ang pag-iisip ko ay hindi narin maayos at hindi na nagpa-function.Ako? Buntis?
Napahawak nalang ako sa aking tiyan dahil sa nalaman.
Sobrang saya ko. Hindi ko maiwasang maiyak dahil alam kong may munting nabubuhay na saaking sinapupunan.
"Pero dahil nga sa buntis ka. Dobleng pag-iingat ang gagawin mo. Iwasan mo muna ang ma-stress at palaging kumain ng healthy foods. Masyadong dangerous kapag may baby ng nabubuhay sa sinapupunan kaya ang maere-recommend ko sayo ay magpahinga nalang sa bahay. Huwag masyadong magpapagod at wag ding kakalimutang inumin ang mga vitamins na nere-commend ko sayo." Mahabang pagpapahayag ng doktor.
Mainam naman akong nakinig rito at lahat ng sinasabi nya ay itinatatak ko sa aking isipan. Kahit wala akong maintindihan sa mga sinabi niyang vitamins at kung ano pa ay pinipilit ko nalang itong intindihin. Para sa anak ko.
"Aayusin ko lang ang schedule mo kung kailan ka dito pupunta para palagi nating mamonitor si Baby okay?"
Tumango naman ako dito bilang sagot.
"So, kung wala na kayong ibang tanong. Makakaalis naako at may aasikasuhin rin akong ibang pasyente."
"Thank You po Doc."
Ngumiti sya sakin bago pumihit patalikod. Sinundan naman sya noong lalakeng kakikilala ko palang at sinabayan sa paglalakad. Mukhang ihahatid nya ito palabas.
Huli ko ng narinig ang pagbukas sara ng pinto.
Namayani ang katahimakan sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa air conditioner na binabalot ang bawat sulok nitong kwarto.
Napahawak nalang ulit ako saaking tiyan ng bumalik lahat ng pangyayari kanina.
Lahat ng sinabi ng doktor ay tandang tanda ko parin at mainam itong nakatatak saaking isipan.
Masaya ako pero natatakot rin. Paano ko mabubuhay ang isang bata kung pati sarili ko hindi ko maasikaso?
Hindi ko alam kung saan sisimulan.
Lalo na't may nabubuhay na saaking sinapupunan.
Lahat ng gagawin ko ay apektado ito. Lahat ng magiging desisyon ko ay kasama na ito.
Pero paano?
Hindi ko alam.
Makakaya ko kaya itong magisa? Lalo na't wala saakin si King.
"Baby ko kapit ka lang kay Mommy ha. Babalik din yon si Daddy mo. Hihintayin natin sya".
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
Non-FictionPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...