Hindi ko parin makalimutan ang naging sagutan namin ni Parrah. Parang hanggang ngayon gusto ko parin siyang sagut sagutin at saktan.Nagdidilim parin ang paningin ko lalo na kapag naaalala ko siya at lahat ng pangaahas na ginawa nya.
Hindi ko nga rin alam kung san ba tong lakas kong to nanggagaling at naisumbat ko sakaniya lahat ng yun. Siguro dahil hindi na talaga ako nakapag-timpi sa galit dahil sa mga pinagsasasabi niya.
Bakit kay Parrah pa kasi?
Bakit siya nalang palagi?
Hindi ba ako kamahal-mahal?
Hindi ba ako magaling sa kama?
Kulang pa ba?
Tang*na lang eh..
Nakaka p*ta!
Lahat ko na ibinigay sakaniya pero bakit kailangan niya pa ng Parrah?
Ibinigay ko na sakaniya lahat.
Katawan, virginity, pati puso ko ibinigay ko narin.
Pero bakit lahat nalang sinasayang ito?
Bakit lahat nalang sila winawasak ito?
Ang sakit, ang sakit sakit na..
Katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng aking kwarto.
Tanging ang mumunting hikbi ko lamang ang maririnig mo.
Munting hikbi na kung saan nakapaloob ang sakit at lungkot na hindi maubos ubos.
Buti nalang at wala dito si King.
Kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko sakaniya.
Natatakot ako..
Natatakot ako na sa oras na tanungin ko siya kung totoo, baka ang isagot niya ay oo.
Natatakot ako na baka iwan niya talaga ako katulad ng sinabi ni Parrah.
Natatakot ako na kamuhian siya...
Natatakot ako na baka masaktan ko siya, pisikal.
Natatakot ako na makita niya kong umiiyak.
Natatakot ako na pag nakita ko siya ay mayakap ko lang siya ng mahigpit buong magdamag.
Natatakot ako na pag nakita ko siya ay di ko mapigilan ang aking sariling halikan siya.
Natatakot ako na kapag nakita ko siya ay bigla nalang akong lumuhod sa harap niya at magmakaawang wag niya akong iiwan..
Natatakot ako..
Natatakot ako sa mga maaaring mangyari..
Kinabukasan, nagising nalang ako na mugto ang mga mata.
Ahh, ang sakit ng mata ko.. Ang sakit din ng ulo ko.. Shit!
Mukhang dahil ito sa pag-iyak ko kagabi.
Bumangon nako sa pagkakahiga at pumunta sa full length mirror na nasa tabi lang ng kama ko..
Nakita ko na magang-maga ang mata ko. Halata mo dito ang napakalaking eye bags, mga natuyong luha saaking mukha at gulong gulong buhok.
Ako pa ba to?
Parang hindi na..
Parang nagahasa ako ng sampung beses sa lagay kong ito.
Hindi ko na makilala ang sarili ko.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa saaking nakikita.
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
No FicciónPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...