Mabilis akong naglakad papasok sa restaurant at nanggagalaiting lumapit sakanila. Lahat na ata ng mata'y nabaling saakin at wala na akong pakialam doon.
Pero napatigil nalang ako sa pagmamadali ng makita kung anong klaseng pagtingin ang ibinigay nila saakin. Nahiya ako ng balingan ko ng tingin ang suot ko sa suot nila.Isa itong fine class restaurant pero naka-jeans at Tshirt lang ako habang sila'y magagara at mamahalin.
Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko manlang namalayan na napapabayaan ko na pala ang sarili ko.
Hindi ko nalamang pinansin ang mapangkutya nilang tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakarating na ako sa mesa nila at halos manlaki ang mata ni Parrah ng makita ako.
Napatigil rin ito sa pagkain.
Putik! Gusto ko ng tusukin ang mata nya ng tinidor para matuluyan na eh.
Nasa likod ako ni King kaya hindi pa ako nito nakikita.
"Relax Heven... Tama ang sinabi sayo ng ibang tao. Huwag kang gumawa ng eksena rito na alam mo namang ikaw ang talo. Gawin mo sa paraan mo at huwag mong pairalin ang galit mo." Sabi ng isip ko.
"Sirain mo ang date nila ng hindi ka napapahiya sa ibang tao. Kill them with your kindness." narinig ko na namang sabi nito.Good idea huh! Buti nalang at pinapairal ko parin ang utak ko kahit papano.
Lilingon na sana si King paharap sakin ng unahan ko na sya. Lumapit ako sakaniya at humarap. Itinaas ko ang kaliwa kong tuhod at ipinatong ito sa lap nya. Hinawakan ko ang dalawa nyang pisnge at binigyan sya ng malalim na halik.
Narinig ko naman ang pagsinghap ng karamihan at isa na roon si Parrah. Ramdam kong lahat ng mata nila'y nasa amin.
Wala naman syang naging reaksyon at mukhang hindi na sya nagulat na narito ako. Pero kalaunan ay tinugon rin nito ang halik na ibinibigay ko sakanya at nilagay pa nito ang braso sa bewang ko.
Ohh f*ck!
Habang hinahalikan ko si King ay binalingan ko naman si Parrah ng nakakaasar na tingin at ngisi.
Huh! Kala mo.
Ng makita nito ang pangaasar ko ay inismiran at inikutan lang ako ng mata ng loko. Tsk!
Pinutol ko na ang halikan namin at tumingin sakanya. Alam kong gusto nya pa pero hindi nya magawang kabigin ako dahil sa maraming tao ang nakapalibot saamin. Nakakahiya iyon kung paanadin nya ang sarap.
"Hon. Sorry kung late na akong nagising ah, hindi tuloy kita nasabayan papunta rito.
Masyado mo na naman kasi akong PINAGOD kagabi eh" paumanhin kong baling kay King at umupo na sa tabi nya. Pinagdiinan ko pa ang salitang pinagod para naman tumatak sa kukote ng ahas na ito na palaging may nangyayari saamin.Binigyan nya lang ako ng seryosong tingin pero hindi ko na iyon pinansin. Hindi ako natatakot sakanya. Dapat sya ang matakot sa gagawin ko mamaya.
Nakita ko naman ang nakakalokong ngisi ni Parrah na parang inaasar rin ako dahil hindi man lang ako kausapin ni King at wala man lang itong ginawang reaksyon.
'Fuck! King makisama kanaman. Kahit ngayon ako muna ang panigan mo pwede?'
Yan ang gusto kong sabihin sakanya pero hindi pwede.Nawala na rin ang mga tingin nila saamin at nagpatuloy na nga sila sa ginagawa nila.
May lumapit naman kaagad saaking waiter at binigay ko naman sakanya yong order ko.
"Who is she Hon? Care to introduce her?" tanong ko kay King at binigyan sya ng 'Sumagot ka sakin Look'

BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
No FicciónPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...