Chapter 30

1.6K 21 1
                                    

Nakasunod lang ako kay Maam Amandine at patungo kami sa table namin.

Nagtaka naman ako dahil lahat ng mga sumasayaw kanina ay mga nakaupo na ngayon at lahat sila ay parang may inaabangan sa gate.

Ay oo nga pala, sabi ni Maam Amandine kanina na dadating na daw si Mr. Frixten.

Ang pagkakaalam ko eh sya yung pinaka mayaman at isa sa pinakabatang business man sa mundo.
At sa tingin ko ay sa kanya rin itong resort na pinagdadausan ng party.

Yun yung naalala kong sabi ni Maam Amandine kanina.

"And lets give around of applause for King Zeyron Frixten!" dinig kong sabi ng emcee.

Kinabahan ako ng di ko alam ang dahilan.

King?

Sya ba yun o nagkataon lang na magka pangalan sila...

Pero hindi naman yata..

Nagpalakpakan ang lahat at nakisali narin ako.

Pumarada ang isang puting sasakyan sa harap ng gate.

Sasakyan palang, alam mo nakaagad na mayaman ang nag mamayari nito.

Kita ko din ang ibang babae na nagsilapitan dito at excited na excited ng makita ang nasa loob.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba ang naka puting tuxidong lalaki.

Nakatalikod sya sa parte namin kaya hindi ko makita ang mukha nya.

Pumunta sya sa kabilang pinto para pagbuksan ang babaeng nakasuot ng puting dress na bumagay sakanyang hubog.

Kahit nakatalikod alam mong may angkin silang kagandahan at kagwapuhan.

Dito palang makikita mo na kaagad kung gaano sila kabagay sa isat isa.

Tumitili narin ang ibang babae at lahat ng mata'y nakatutok lang sakanilang dalawa.

Inilahad ng lalake ang kamay nya sa babae at inalalayang makababa.

Dahan dahan silang humarap at sa pagharap nila dun nako natulala.

Isang napakaamong mukha ng babae.

Matangkad, maputi at alam kong may half sya.

At isang lalaking napaka gwapo sa kanyang suot na suit.

Tama nga ang kutob ko..

Sya nga ang lalaking..

Lalaking nakakuha ng iniingatan ko.

King..

Lumakas ang palakpakan at lahat ng mata ay nakaabang sa mga kilos nila.

Tinitignan ko lang sila mula rito at aaminin kong bagay sila sa isat isa.

Nakakapit ang braso nya sa bewang ng babae at inaalalayan ito sa paglalakad.

Perfect..

Para silang prinsesa at prinsipe sa mga fairytales.

I wish that she's only your princess and Im your queen.

I Can Make You Cry In PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon