Nanghihina kong minulat ang aking mata at iginala ang paningin sa kabuoan nitong....
Sh*t! Hindi ito ang kwarto ko!
Nasan ba ako?
Dahan dahan akong umupo at sumandal sa headboard nitong kama bago pinagmasdang muli ang silid.
Hindi ko masyadong maaninag ang kabuoan nito dahil medyo madilim at ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang ilaw na galing sa katabi kong table lamp.
Kung pagmamasdang mabuti, malawak ito para sa isang kwarto, painted rin ng black at gray ang pader nito kaya mas lalong dumilim. May mga nakikita rin akong cabinet at book shelves. Pero kahit na madilim alam kong maganda ito at maayos.
Aissh, bakit ba ako nagde-describe? Dapat ang isipin ko ay kung nakanino akong bahay at bakit ako nandito.
Mula sa malalim na pag-iisip, napapikit nalang ako ng biglang lumiwanag ang buong silid.
"You're awake" rinig kong nagsalita. Hindi sya mahihimigan ng kahit anong emosyon at sa boses palang kilala ko na kung sinong nagmamay-ari nito.
Nakasandal sya sa katabi ng pinto habang naka-cross arm. Sya din pala ang nag-on ng ilaw. Kaya malinaw ko ng nakikita ang lahat.
"Nasan ako? At bakit ako nandito?" Tanong ko sakanya.
"Your in my house. Nawalan ka ng malay, so I decided to bring you here. The doctor said that its because of over fatigue and stress. Kulang ka raw ng tulog kaya may possibility talagang mawalan ka ng malay." Mahabang lintaya nito.
Wow, buti naman at nagsalita sya ng mahaba-haba at sinagot ako ng maayos.
"Bahay mo to?" Tanong ko at saka tumayo. Pinagmasdan kong mabuti ang estraktura nito at hindi ko maiwasang humanga sa kakaibang ginamit na materyales dito.
"Obviously" sagot nito at siya naman ang umupo sa kama at pinagmasdan ako.
Hindi ko na sya pinansin at tumungo nalang ako sa napakalaking book shelves.
Nagbabasa rin pala sya.
Kumuha ako ng isa na kung titignan ay kakaiba ang cover, at binasa ang title nito."Fifty Shades of Grey"
Halos manlaki naman ang mata ko ng mapagtantong nagbabasa rin pala sya ng mga ganitong libro. Erotic stories.
Shizz..
Alam ko kasi itong librong ito pero hindi naman ako nagka-interes na basahin ito o panuorin.
Narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa dahil sa naging reaksyon ko pero hindi ko na iyon pinansin at binuklat nalamang ang mga pahina nito.
DOMINANT SUBMISSIVE
Yan ang unang tumambad saakin.
Inilipat ko naman sa ibang pahina at nabasa ko ang nakasulat na,
SUBMISSIVE should;
At marami na ngang mga nakasulat in bullet form. Para itong mga rules na dapat sundin ng isang submissive.
Kahit hindi ko pa alam ang tunay na kwento nito, parang kinakabahan kaagad ako.
Parang ang creepy nya sa una palang. Hindi naman kasi ako mahilig magbasa ng mga Romance. Mas prefer ko dating basahin is yong mga nakakakilig, mystery at tragic. Dati pa yon, nung High School.
Inilipat ko ulit sa ibang pahina at halos matuyo ang lalamunan ko ng makita ko ang iba't ibang pictures na nagpapakita kung anong ginagawa ng isang Dominant sa isang Submissive.
Sh*t! Ang hirap pala ng buhay ng isang Submissive.
Napakislot nalamang ako ng may mainit na hininga ang tumatama sa batok ko. Halos magsitayuan ang balahibo ko sa init nito.
BINABASA MO ANG
I Can Make You Cry In Pleasure
Non-FictionPrologue: Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...