TDSOH #20: Until She Returned
-Kiera's POV-
Hanggang ngayon ay nakahiga parin ako sa kama. Tinignan ko ang oras sa maliit na clock na nakalagay sa side table habang nakahiga, magte-12 pm na ng hapon pero nakahiga parin ako.
Hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng nangyari kahapon lang sa rooftop ng school namin.
'Shit!'
Kaya hindi ako makabangon ng dahil don. Nagtataka nga ako at hindi ako binubulabog ni Riley para lang gisingin ng maaga. Si Kiyan naman alam kong busy ang isang yon dahil kahit nandito yan sa Pilipinas ay inaasikaso nya pa din yung company ng pamilya namin sa Korea. Hays, business minded.
Sa tuwing naalala ko yung mga salitang lumalabas sa bibig ni Clyde kahapon parang hindi ako makapaniwala. May kung ano akong nararamdaman sa tyan ko bigla tapos nangingiti nalang ako ng mag-isa. Kingina, nababaliw na yata ako.
Masasabi ko namang napakasincere nya kahapon pero hindi ko parin maiwasang magduda kasi naman yung itsura kong iyon nagustuhan nya pa diba? Argh! How I hate this kind of things. Confusing! Although, I'm lying on that part.
Hindi ko pa masabi sa sarili ko na 'the feeling is mutual' with him kasi hindi pa naman ako sigurado sa nararamdamam ko sa kanya lalo na ngayon at birthday nya na pala.
Bukas naman ang alis ko kasama si Kiyan papuntang Korea. Bwiset! Bakit kasi kailangan ko pang bumalik don?
'I know everything will mess up again kapag bumalik ako dun.'
Sabado ngayon at kaarawan na ni Clyde tulad ng sabi ko. Hindi ko maiwasang ma-excite na makita sya mamaya sa bahay nila. Naalala ko nanaman yung yakap nya sakin kahapon. Napangiti nalang ako bigla habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
'Tsk! Tsk! Ibang klase Clyde.'
"Aba! Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha Gwyneth? Care to tell me the reason why are you smiling like an idiot?"
Nagulat ako ng makita ko si Riley na pumasok sa kwarto ko at tatawa-tawang lumapit sa kama ko saka naupo sa tabi ko.
Napailing nalang ako tsaka ko pinatong ang kanang braso ko sa noo. Marahan akong pumikit.
"Wala. Kung ano-ano nanaman nakikita mong babae ka! Get out here, I'm still sleeping, can't you see?", sabi ko.
"Sleeping daw! Eh kitang-kita ko naman talagang ngumingiti ka dyan mag-isa! So tell me, is it Clyde making you smile like that?", mapanukso nyang sabi at tinusok pa ang tagiliran ko dahilan para matanggal ang braso ko sa noo ko.
I glared at her but she just laughed at me.
"Eh ano naman sayo kung ngumingiti ako mag-isa? Hindi lang naman tao ang rason kung bakit ngumingiti ang tao ah?", inis kong sagot at binato sya ng unan sa mukha.
'Sapul! Haha!'
"Atleast umamin ka pa din na ngumingiti ka nga. Defensive ka masyado Gwyneth! Haha!", binato nya din pabalik sakin yung unan na hinagis ko sa kanya kanina.
BINABASA MO ANG
The Dark Side Of Her (ON-GOING)
Teen FictionMatatanggap mo ba ang isang taong may madilim na pagkatao? Isang taong mapagpanggap at misteryoso? Isang taong hindi perpekto? Yan si KIERA GWYNETH KANG, isang taong nagbago dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan. Pero paano kung maapektuhan ng N...