TDSOH #6: Apologize
-Kiera's POV-
Nasa kalagitnaan ng discussion sa klase ni Sir Alison, sya ang prof namin sa history. Biglang may boses na nanggaling sa announcement speaker ng school. Boses yon ng Head Admin dito.
Sinabi nya na dissmiss na daw ang klase ngayon at sa mga susunod pang klase dahil may general meeting daw ang lahat ng teachers.
'Bakit kaya?'
"I'm actually expecting this anouncement, class. May meeting kaming mga teachers para sa nalalapit na Acquaintance Party nyo.", paliwanag ni Sir sabay ngiti sa lahat.
Nagtilian ang mga kaklase namin at halatang excited na sila. But what the hell is Acquaintance Party?
"The location and time will be announce and post in the bulletin board tomorrow. So be ready. Class dismiss!", sabi ni Sir Alison at lumabas na ng room namin.
Nagtitilian parin ang karamihan sa mga babae at pinag-uusapan ang mga isusuot nila. Still naguguluhan ako sa party na yon. Hindi ko pa kasi naranasan yon dahil wala namang ganon nung nag-aaral ako sa Korea.
"Nangyayari ang Acquaintance Party every first and second batch of college students here. Nagse-celebrate ng ganon para daw makapagrelax tayo sa mga hassle paper works dito sa school. Kaya every last week of October nagaganap ito bago magsembreak.", paliwanag ni Clara nang lumapit sya sakin, nahalata nya yatang nalilito ako.
"Ah. So aatend kayo?", tanong ko.
"Of course WE are coming Gwyneth! May balak ka bang hindi pumunta? I'll kill you if you do that!", banta ni Riley.
"As if you can kill me Riley.. Ngisi ko pa nga lang takot ka na eh.", asar ko sa kanya.
"Yabang mo!", natawa ako sa reaksyon niya.
"We should go there. Minsan lang iyon mangyari, so why don't we grab the chance? Saka first year natin ng college oh? Hindi pa ba natin susulitin?", sabi ni Blythe.
"Yeah right.", sabay na sabi ni Clara at Riley.
"Hindi ko naman sinabing hindi ako pupunta ah? I'm just asking if you'll coming.", pagdadahilan ko.
Natawa naman sila kaya napangiti ako. Kakatapos lang kasi ng Buwan ng Wika nitong nakaraang buwan, sumali pa nga sa sabayang pagbikas sila Clara at Blythe. Inaya nila kami pero ayaw namin. Hindi naman kasi kami magaling doon kaya sinuporatahan nalang namin sila.
Lumabas na kami ng room kasabay ng ibang estudyante at nagkaayaan munang kumain sa labas dahil 2 pm palang naman ng hapon, our dismissal should be 4 pm. So we spend our time together for the remaining 2 hours, tsaka wala naman kaming kasama sa bahay at walang magawa doon kesa naman ma-boring kami diba?
Pagkatapos ay umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay. Pagdating namin sa bahay ay hindi na ako nagluto dahil busog na kami sa kinain namin kanina sa labas.
BINABASA MO ANG
The Dark Side Of Her (ON-GOING)
Roman pour AdolescentsMatatanggap mo ba ang isang taong may madilim na pagkatao? Isang taong mapagpanggap at misteryoso? Isang taong hindi perpekto? Yan si KIERA GWYNETH KANG, isang taong nagbago dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan. Pero paano kung maapektuhan ng N...