Chapter 27

26 7 0
                                    

TDSOH #27: New Changes







-Kiera's POV-

Matapos ng ilang oras naming pananatili ni Kiyan sa org ay umalis din kami. Alam kong naninibago ang mga co-team ko sa org tungkol sa pag-uugali ko. Ano namang magagawa ko eh na-adopt ko na yung ganitong ugali sa dalawang taon kong pagpapanggap sa Pilipinas.

Pero bago kami umalis kanina sa org ay humingi pa din ako ng sorry sa kanila tungkol sa pagkawala ko ng ilang taon. Naiintindihan naman daw nila pero nakikita ko pa din sa mata nila ang paninibago.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa mansion ng Kang. Iniisip ko pa din ang mga pwedeng mangyari kung sakaling magkaharap na nga kami ng totoong nanay ko.

Nasaan kaya siya nung mga panahong wala siya sa tabi ko at hindi man lang siya nagpakita at nagpakilala? Mga ganyang tanong ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko. Napakadaming tanong na walang siguradong kasagutan.

Napabuntong hininga ako habang nakahiga. Naalala ko nanaman kung paano nag-umpisa ang pag-uusap namin ni Dad.

[FLASHBACK]

Sinundan ko si Dad papasok sa office niya. Naupo ako sa upuan sa harap ng desk niya, siya naman ay naupo sa swiveling chair.

"I want to tell you something important my princess. But first, I don't want you to do something unnecessary after this." paunang sabi niya.

"Just go straight to the point Dad."

Napabuntong hininga siya.

"Remember what I gave you on your 15th birthday? The extraordinary glasses." Sabi niya at tumango ako.

"What about it?"

"Did you bring it with you Era?"

"Yes. It's on my luggage why?" Nagtatakang tanong ko.

"Kunin mo at dalhin mo dito. I want to explain something about that thing. I think you still don't have any idea about the glasses purpose." Seryosong sagot niya kaya tumayo ako at lumabas muna ng office niya.

Dumiretso ako sa kwarto ko at pagkatapos ay lumapit sa luggage na dala kong pumunta dito. Hinanap ko yung glasses na bigay sakin ni Dad, pagkatapos ay tumayo na para bumalik sa office niya.

Nilapag ko sa harap niya ang glasses kasama ang maliit na cases ng lalagyan non. Pinagmasdan niya iyon saglit saka niya kinuha at inilabas ang glasses.

"I will show you it's purpose.."

Sinuot niya iyon at nakita kong may pinindot siyang maliit na button sa gilid ng eye glass. Nagulat ako ng makitang umilaw ng kaunti ang lenses at parang may maliit na hologram na makikita sa lens.

"What.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

"I thought you will find out immediately what's the purpose of this, my princess. You have this for more than 2 years!" Natatawang banggit sakin ni Dad kaya napasimangot ako.

"I just wear it in school. I didn't observe it's features that's why I didn't notice the button on the side of the glasses." Defensive kong sagot.

Nandon pa din sa loob loob ko ang pagkamangha ng malaman kung paano gamitin yung glasses. It is like a detector glasses. I never thought someone can do something like this.

'Who did this anyway?'

Tinanggal ni Dad ang glasses sa mata niya at saka ibinagay sakin. Isinuot ko naman iyon.

The Dark Side Of Her (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon