TDSOH #37: Wished
-Third Person's POV-
Nagmamadaling dinala ni Kiyan si Kiera sa clinic ng resort. Sumunod naman sa kanila sila Clyde at iba pa nitong mga kaibigan. Halata sa mukha nila ang pag-aalala sa kaibigan nilang si Kiera na labis na ang pamumutla ng balat.
"Bakit hindi pa natin dalhin sa ospital si Gwyneth?!" Ani ng babaeng si Riley.
"She's right! Hindi kumpleto ang equipment sa isang clinic! Baka lumala ang allergy niya!" Sang-ayon naman ni Clyde.
Hindi sila pinansin ni Kiyan na seryosong buhat-buhat si Kiera. Sabay-sabay silang pumasok sa clinic nang makarating doon. Maingat na ibinaba ni Kiyan si Kiera sa isang kama. Mabilis nitong pina-asikaso ang kapatid sa mga nurse na naroon.
"Dito muna kayo, tatawagan ko lang ang personal doctor ni Noona." Seryosong sambit ni Kiyan sa kanila.
"Personal doctor?" Nagtatakang tanong ni Clyde sa kanya.
Umiling ang Ina ni Kiera "Just stay by her side iho. Don't worry, my daughter will be fine." Kalmadong sabi nito.
"Mamaya na ako magpapaliwanag sa inyo, kailangan ko ng magmadali!" Matapos sabihin ni Kiyan iyon ay mabilis itong lumabas ng clinic.
Wala sa sariling napatango si Clyde sa sinabi nito sa kanya. Nag-aalalang tumitig si Clyde kay Kiera. Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.
'It's my fault, kung alam ko lang.. sana hindi nangyari sayo 'to Kiera.' Iyan ang laman ng isip ni Clyde habang maluha-luhang hinahalikan ang kamay nito. Tumitig siya sa magandang mukha ng dalaga.
'I love you..' muling bulong ng isip ni Clyde.
Walang nagawa ang ibang kaibigan nito kundi ang titigan lang si Clyde. Nag-aalala din ang mga ito kay Kiera pero alam nilang si Clyde ang pinaka-nasasaktan sa kanila. Lumapit si Jasper sa tabi ni Clyde at tinapik ang balikat nito.
"Magiging maayos din siya, dre." Ani nito.
Tumango si Clyde "I know, malakas siya diba?" Natatawang biro nito kahit lumuluha.
Maya-maya lang ay pumasok ang isang lalaking doctor kasama ni Kiyan. Pinalabas muna si Clyde pati ang mga kaibigan nito para ma-check na ng doctor ang kalagayan ni Kiera.
Nanghihina man ay pilit silang naglakad palabas ng clinic at tahimik na naghintay sa isang tabi. Bakas sa mga mukha nila ang takot at pag-aalala. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita nila ng harapan kung paano manghina si Kiera.
'Hindi ko akalaing yung taong malakas sa paningin ko ay magkakaganito..' umiiling na bulong sa isip ni Clara habang nakatitig sa pintuan ng clinic.
Sinisisi din ni Riley ang sarili niya sapagkat sa kanilang lahat ay siya ang pinakamalapit kay Kiera. Ngunit hindi niya man lang nalaman na bawal at allergic pala ang kaibigan nito sa seafoods. Pinunasan nito ang luha na biglang tumulo sa mata niya.
"Gwyneth.." nanghihinang bulong ni Riley.
Nagulat ito ng bigla siyang hilahin ni Gavin papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Gusto niyang kumalas pero nanghihina siya, kaya hinayaan niya nalang ang sarili na sumandal sa dibdib nito.
"Shh, don't cry. Kiera will be fine. Babatukan ka non kapag nakita ka niyang umiiyak." Mahinang biro ni Gavin sa kanya.
Kumalas si Riley sa yakap nito at mabilis na pinunasan ang luha. Natatawang tumingin siya kay Gavin.
BINABASA MO ANG
The Dark Side Of Her (ON-GOING)
Teen FictionMatatanggap mo ba ang isang taong may madilim na pagkatao? Isang taong mapagpanggap at misteryoso? Isang taong hindi perpekto? Yan si KIERA GWYNETH KANG, isang taong nagbago dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan. Pero paano kung maapektuhan ng N...