TDSOH #39: A Jealous Freak
-Kiera's POV-
"What are you doing here Liam?"
Bakit siya nandito sa HQ? Siya na ba yon? Bakit parang ayaw kong maniwala. Hindi kaagad siya sumagot dahil nakatitig siya sakin. Hindi ko maiwasang mamula sa kahihiyan nang maalala ang text na ginawa ni Kiyan sa kanya.
'Wrong timing naman 'to!'
"Meet Liam Cheong, ang bago niyong makakasama sa LM Headquarters." Nakangiting pakilala ni Mama sa kanya.
Tinanguan siya ng ilan kong kasama maliban kay Kiyan. Tumayo siya at nagbow sa harap namin. Nanatili akong seryosong nakatitig sa kanya. Bakit siya nandito? Bakit siya pa ang napili ni Mama?
"Nice to meet you." Sabi niya matapos yumuko.
"Maupo muna tayo--"
"You are joking right?" Putol ko sa sinabi ni Mama.
"Noona.." Saway ni Kiyan pero hindi ako natinag.
"Sa lahat ng pwedeng maging bagong co-team namin. Bakit siya pa?" Nagtatakang tanong ko.
Napayuko si Liam, ramdam ko ang pagkapahiya niya sa sinabi ko. I'm sorry Liam pero hindi ko gustong nandito ka. Hindi niya alam ang pinapasok niyang trabaho. This is a lifetime work!
"Bloodstone, have some respect. Nasa harap mo lang ang bisita." Seryosong saway ni Mama sakin.
"I will not accept this unless you tell me why did you hired him." Sagot ko at prenteng naupo sa pang isahang sofa. Naupo na din ang iba.
I heard Mom sighed. Para bang nahihirapan siyang pakitunguhan ako. Well, wala akong magagawa diyan. Ganito na ako dati pa so bear with it.
"Alam kong magiging ganito ang reaksyon mo anak kaya nga pinaaga ko ang pagpapakilala sa kanya. Hindi dapat siya naka-assign sa team ng LM Headquarters pero pinalipat siya ng Dad mo." Dinig kong sabi niya.
"Then ibalik mo siya sa team kung saan siya nararapat. Sa lahat ng headquarters, ang team namin ang pinakadelikado ang ginagawa. You should consider that before making a decision Mom!" Sagot ko.
"Teka. Nag-aalala ka ba kay Liam, Noona?" Mapang-asar na singit ni Kiyan sa usapan.
I glared at him, "Shut up. I'm not talking to you."
Bumaling akong muli kay Mama. Nakita ko pa sa gilid ng mata kong napangiti ng kaunti si Liam sa narinig niya. Tss.
"Wag kang ngumisi diyan Liam. Hindi pa tayo tapos. You need to tell me everything after this." Seryosong sabi ko sa kanya.
He nodded, "Sure."
"Now," bumaling ako kay Mama, "Bakit mo siya hinire, Emerald?" Tanong ko.
She sighed, "Dahil iyon ang pinagkasunduan namin ng Daddy mo. He actually started from being a trainee for more than 3 years now. So we decided to move him to your Headquarters after that. He deserves it after all because he has the potential." Nakangiti siyang sumulyap kay Liam.
BINABASA MO ANG
The Dark Side Of Her (ON-GOING)
Teen FictionMatatanggap mo ba ang isang taong may madilim na pagkatao? Isang taong mapagpanggap at misteryoso? Isang taong hindi perpekto? Yan si KIERA GWYNETH KANG, isang taong nagbago dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan. Pero paano kung maapektuhan ng N...