TDSOH #32: Resemblance
WARNING: Slightly Matured Content!
-Kiera's POV-
Hindi ko akalain na tama pala ang hinala kong isa siya sa hinahanap naming miyembro ng Chess Royals Org. Akala ko nung una namalikmata lang ako sa tattoo niya sa braso.
Napalingon ako kay Axel ng gumalaw ito, mukhang magigising na siya. Dinala namin siya ni Onyx dito sa clinic ng school. Pinaalis ko kaagad si Onyx matapos non para hindi ito maghinala paggising niya.
Sinabi kong maghintay siya sa parking lot, sa tabi ng kotse ko. Didiretso kami ng HQ kapag natapos akong magdahilan kay Axel. Hawak ni Axel ang ulo niya habang umaayos ng upo sa kama.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin, nagtataka.
"Are you the one who hit me?" Biglang tanong niya, halata ang inis sa boses.
"Kung sakaling ako nga ang may gawa niyan sayo, sa tingin mo sasayangin ko pa ang oras ko para dalhin kita dito sa clinic? Pathetic." Sarkisto kong sabi.
Saglit siyang natahimik. Mukhang iniisip niya kung nagsasabi ako ng totoo. I'm too good on reasoning, I can fool him instantly.
"Kung hindi ikaw.. sino?" Mariing tanong niya.
"Hindi sino, kundi ano." Nagtataka siyang tumingin sakin kaya bahagya akong natawa "Isang fire estiguisher ang tumama sa likod mo malapit sa ulo kaya nakatulog ka. Nung yumuko ka kasi sa harap ko, late ko ng napansin na marupok na pala yung kinakapitang sabitan ng bagay na yon kaya nahulog." Dugtong ko kaya napatango-tango siya.
"Sinong tumulong sayo para dalhin ako dito?" Tanong niyang muli.
"Nagpatulong ako sa isang guard na nakita ko. After that, I asked him to fix the fire estiguisher in the parking lot."
Nakikita kong naniniwala na siya sa sinasabi ko. Palihim akong ngumisi. Are they really our rivals? They're seems having too weak mind, too easy to be fooled.
"If you're okay now. I think you should go back to the gym." I suggested to him.
Tumango siya "Yeah I'm okay now. What time is it?" He asked
I looked at my phone "5 pm."
"You retrieved your phone?" Mapanuri niyang tanong.
I nodded "After the guard help me with you, pinaabot ko sa kanya yung phone ko sa ilalim ng kotse." He nodded on my answer.
Tumayo na siya sa kama at pumirma sa log book. Matapos non ay sabay na kaming lumabas ng clinic. Tumigil ako at humarap sa kanya.
"Mauna na ako sayo Axel." Tipid akong ngumiti "Hinintay lang talaga kitang magising para masigurong maayos ka. May urgent pa akong pupuntahan." Dugtong ko.
He smiled "Thank you for today." I nodded and smiled.
Naglakad na ako paalis at saka kumaway sa kanya habang nakatalikod. I grinned while walking. He's so easy to be fooled, how come he became an agent? Knight of the group huh?
Nagmadali akong maglakad papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Onyx. Hindi ko alam kung nandoon pa ba sila Kiyan sa gym. Bahala na, tatawagan ko nalang siya mamaya.
"Ang tagal mo!" Bungad ni Onyx nang makarating ako sa parking lot.
"Mapanuri si Axel the Knight. Kinailangan kong magdahilan ng matino." Natatawa kong sabi kaya natawa din siya.
BINABASA MO ANG
The Dark Side Of Her (ON-GOING)
Teen FictionMatatanggap mo ba ang isang taong may madilim na pagkatao? Isang taong mapagpanggap at misteryoso? Isang taong hindi perpekto? Yan si KIERA GWYNETH KANG, isang taong nagbago dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan. Pero paano kung maapektuhan ng N...