A/N: Ginawa kong third POV ang story at nagdagdag/pinalitang details. ;)
-
ANG LAWAK ng ngiti ni Addie habang nakatingin sa sariling reflection sa life-sized mirror. This is it! This is really it! This is what I've been waiting for!
Nagwisik siya ng pabango sa leeg at palapulsuhan for final touch. Pabango na gawa ng mahal niya just for her. Ang Addie's Delight. Eksaktong nag-ring ang doorbell.
"Hi, love," matamis niyang bati kay Levi nang pagbuksan niya ito ng pinto. Hinalikan niya ito sa pisngi. Levi was her boyfriend for seven years now. And her life had never been so much better until he swept her off her feet.
Punong-puno ng pagmamahal na pinagmasdan niya ang kasintahan. Bahagya siyang napakunot-noo. Naka-business suit pa rin ito?
Well, don't get me wrong. Alam kong galing siya sa work and it's six-thirty in the evening. Pero sana man lang, nagbihis siya nang maayos, 'di ba? This is our special night.
Anyway, hindi naman siya galit kay Levi kung hindi ito nakaayos. My God, guwapo pa rin naman ang boyfriend niya, eh! Kahit siguro basahan ang isuot nito, hot pa rin itong tingnan. Malakas pa rin ang karisma. At saka baka part lang iyon ng surprise nito. Shocks. Lalo siyang na-excite!
"Let's go," he said in deep baritone voice. Inakay na siya nito palabas ng condo nito.
What? Hindi man lang nito pupurihin ang suot niya? She was all dressed up, puro limited edition ng Gucci at Prada ang suot niya, 'tapos dead-ma lang ito?
Hay, my love. Ang galing mong magpanggap, ha. Ako rin. Magaling din akong umarte na walang idea kung ano'ng gagawin mo ngayong gabi. She giggled mischievously.
Tahimik lang si Levi sa buong durasyon ng kanilang biyahe. Naninibago na talaga siya sa inaakto nito, ah. 'Tapos, hindi pa siya tinatawag sa endearment nito sa kanya. Part pa rin ba iyon ng sorpresa nito?
Normally, magkukuwento si Levi ng mga nangyari sa araw nito, sa trabaho. Sa mga kalokohan ng mga kaibigan nito. Kung ano'ng pakulo na naman ang naisip nina Gray at Ross para mas lalong dumugin ang Fiery Hearts. Kung hindi pa niya ito tatanungin, hindi ito magsasalita. Para ring ang lalim ng iniisip nito.
Napipi na ba ito sa sobrang kaba?
Naman, love. Ako lang 'to, ang babaeng mahal na mahal mo. Huwag kang kabahan. Alam mo naman ang isasagot ko. Masyado kang halata, eh.
"Is there a problem, love? Kanina ka pa tahimik," hindi na napigilang itanong ni Addie nang kumakain na sila. Nagpa-reserve si Levi ng private table sa isang Italian restaurant.
"Just eat, Adelaide."
She was a bit stunned. Adelaide?
Hindi na siya nangulit. Napagawi ang tingin niya sa mini pocket ng suit nito. May nakaumbok doon! Nanlaki at nagningning ang mga mata niya. The velvet box was right there!
OMG! OMG! OMG!
She was freaking out inside! Kung hindi lang niya napigil ang sarili ay baka nagtatalon na siya sa sobrang tuwa. Tumitiyempo lang siguro ito. Kahit hindi bagay kay Levi na magpanggap na Staniel na sobrang tahimik ay pagbibigyan na niya. Magiging worth it naman ang paghihintay niya!
Ngiting-ngiti si Addie na isinubo ang nakapulupot na Fetuccine Alfredo sa fork niya. Kusang nag-play sa utak niya kung paano sila nagkakilala ni Levi na lalong ikinapalad ng kanyang ngiti.
Addie hated being the new girl at school. Kung hindi lamang kinakailangang lumipat ng Mama Alena niya ng trabaho bilang architect, hindi siya mapipilitang mag-aral sa Manila. Kuntento na siyang mag-college sa kaparehong school na pinasukan niya ng high school sa Baguio, eh. Kaso, malaki ang in-offer ng employer sa mama niya para mapapayag itong madestino sa lungsod. Hindi iyon pinalampas ng ina niya. Mula nang mamatay ang kanyang amang si Leonardo two years ago dahil sa atake sa puso ay mag-isa nang itinaguyod ng ina ang pamilya nila. Grab every opportunity ang peg ng mama niya para lamang mabigyan sila ng Kuya Pete niya ng magandang buhay.
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18