CHAPTER 21

8.6K 294 42
                                    

A/N: 2 chapters na lang! May happy ever after kaya sila? Hahaha!

-

"DAHAN-DAHAN lang. Baka mabulunan ka niyan, baby sis," natatawang sita ni Kuya Pete kay Addie. Natawa rin ang ina nila. Kasalukuyan silang nag-a-almusal.

"Hay naku. Kahit pagsabihan mo 'yan, hindi niyan makokontrol ang sarili niya," anang mama nila.

Pumalatak ang Kuya Pete niya. "Kung hindi ko lang alam na buntis ka, iisipin kong hiyang ka rito sa Florida."

"Florida is nice, Kuya. The weather is great at nakapa-accessible ng lugar. So kahit siguro hindi ako buntis, mahihiyang pa rin ako."

"Kunsabagay, sa nature ng work mo, sanay kang manatili sa iba't ibang lugar. But one thing's for sure. Namana kaagad ng pamangkin ko ang katakawan mo kahit hindi pa siya lumalabas."

Inirapan niya ito. "Wow, ha. Parang ikaw hindi matakaw."

Nang maubos niya ang pagkain ay automatic na nilagyan ng mama niya ng panibago ang plato niya.

"Thanks, 'Ma," nakangising sabi niya at sinimulan na uling kumain.

Aliw na aliw siyang pinagmasdan ng ina. "Hindi ko akalaing mamamana mo sa akin 'yan, anak. Noong pinagbubuntis ko kayo, ganyan din ako, eh. Matakaw. 'Tapos, emosyonal din. Hindi magkandaugaga ang papa n'yo sa mood swings ko. Halos mabaliw kung paano ako patatahanin at susuyuin," natawa uli ang kanilang ina.

Ang totoo, nahahalata na pala si Addie ng ina. Hindi lang ito nagsasalita. Pero gulat na gulat pa rin ito nang makumpirmang buntis siya. Mag-ina talaga sila. Kahit ine-expect na, nagugulat pa rin. Masaya rin ang kapatid niya para sa kanya. Excited na raw itong makita ang pamangkin.

At kahit hindi niya sabihin, alam ng mga ito kung sino ang ama.

Nang malaman ng pamilya na nagdadalang-tao siya, nagpa-checkup agad sila sa kaibigang Filipino OB-GYN ng kuya niya. According to Doc Lime, she was already in her four weeks of pregnancy. Napaaga lang daw ang signs niya. After running some tests, niresetahan siya ni Doc Lime ng vitamins at gatas para sa pagbubuntis. In-advise din nito na umiwas sa strenuous activities at magpahinga.

Pero hindi pa rin niya maiwasang magtaka. Actually, paulit-ulit pa niyang tinanong ang doctor kung tama ang bilang nito na four weeks na siya. Ang absurd kasi talaga. She never missed a pill. Levi never missed giving her a pill. Well, maliban sa araw na sinadya niyang hindi uminom ng pill para wala nang kawala si Levi kapag nabuntis siya. Pero one week lang iyon. 'Tapos, hindi na uli sila nakapag-sex kasi nagkaroon siya ng commitment sa Cavite. Hindi na niya uli nagapang ang lalaki. Kaya paanong nangyaring four weeks na siya?

Anyway, she was very happy to know that she was pregnant. Her heart was filled with so much joy while caressing her tummy. She couldn't wait to see her baby. Nagtitingin na nga siya ng baby clothes regardless kung ano ang gender ng anak niya.

Si Levi kaya? Ano kaya'ng magiging reaksiyon nito kapag nalamang buntis siya? Tatalon kaya ito sa tuwa? Ipagsisigawan sa buong mundo na magiging tatay na ito?

Malamang hindi. Baka nga magalit pa 'yon kasi nabuntis niya ang ex niya. Pero wala siyang magagawa. I will keep the baby. She's mine.

Kino-consider na rin niyang mag-settle sa US for good. Mas mainam iyong kasama niya ang pamilya habang nagbubuntis siya. Alam niyang marami siyang maiiwan sa Pilipinas ngunit hindi na lang kasi ang sarili niya ang dapat isaalang-alang ngayon. May pera naman siya. Sobra-sobra pa nga ang naipon niya. She could run her own business. Pero saka na niya sasabihin sa pamilya ang tungkol sa balak niyang pagtira sa Amerika.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon