CHAPTER 18

6.7K 248 35
                                    

ADDIE stared at Levi seriously. Sinusundan niya ang bawat galaw nito. May pa-hum-hum pa itong nalalaman habang naghuhugas ng pinggan. Kanina pa ito parang nakalaklak ng galong-galong energy drink. Nakakairita.

"Mukhang masaya ka, ah," nakataas ang isang kilay na suspetya niya nang matapos itong maghugas. Dahil ba kay Farrah? Nagkita ba ulit kayo? May usapan tayo pero nakikipag-date ka naman sa ibang babae. Sa babaeng tinangkang sirain ang reputasyon ko. Masyado ka bang sabik kay Farrah para palihim na makipagkita at makipaghalikan sa kanya? Punong-puno ng pait ang puso niya. Gustong-gusto niya itong sumbatan.

"Wala kang alam." Biglang umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Farrah. Iyon ba ang ibig sabihin ni Farrah? Na ito na ang nagmamay-ari kay Levi bago pa lamang may mangyari sa kanila?

Masuyong nginitian siya ni Levi. Tinabihan siya nito sa sofa. "Bakit naman ako hindi magiging masaya? Eh, kasama kita."

She scoffed. "Talaga lang, ha?" mahinang sabi niya.

"What did you say, baby?"

"Wala," pabalang na sagot niya. Wala siyang pakialam kung magtunog bitter siya. O kung mahalata siya nito. Masamang-masama ang loob niya. Gigil na inabot niya ang remote ng TV at nilipat-lipat ang channel.

Tinitigan siya ni Levi, bahagyang kumunot ang noo. "Are you mad, Addie?"

"Huh? Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit? May ginawa ka ba para magalit ako?" Sinalubong niya ang mga mata nito. Pero saglit lang at nag-iwas din siya ng tingin saka bumuntong-hininga. "I'm sorry. Masyado lang siguro akong napagod sa trabaho kaya wala ako sa mood," pagdadahilan niya.

"Kawawa naman ang baby ko. Halika nga." Tumayo si Levi at hinila ang isang kamay niya para patayuin din siya. Ipinatong nito ang isang kamay niya sa balikat nito. Ipinulupot nito ang isang braso sa baywang niya at ipinagsalikop ang malayang kamay nila saka patagilid na itinaas sa ere. Nagtatakang tiningnan niya ito.

"What are you doing?"

"Let's dance, baby."

"What? Levi—" Hindi na siya nakapalag nang i-sway ni Levi ang katawan nila sabay kanta.

"When marimba rhythms start to play, dance with me, make me sway. Like a lazy ocean hugs the shore, hold me close, sway me more. Like a flower bending in the breeze..." pagkakanta niyon ay b-in-end ni Levi pababa ang katawan niya. Tawang-tawa siya.

"Oh, my gosh!"

"...bend with me, sway with ease. When we dance you have a way with me, stay with me, sway with me..." and he swayed her body once more. Sumusunod lang siya sa agos ng katawan ni Levi kasi hindi siya marunong sumaway habang tumatawa.

"Other dancers may be on the floor. Dear, but my eyes will see only you. Only you have that magic technique. When we sway I go weak..." Ipinaikot siya nito.

"Dios mio."

Sumabay na siya sa "pag-indak". Bahala ito kung paulit-ulit niyang matapakan ang paa nito. Ito naman ang nagsimula, eh.

"I can hear the sounds of violins long before it begins. Make me thrill as only you know how, sway me smooth, sway me now. Tatatatatatararat... tatararat... tatararat..."

Doon na siya napahagalpak nang tawa. Tumawa rin ito.

Tumigil sila sa pagsasayaw at nanghihinang napasandal si Addie sa dibdib nito. "Hay naku, Levi. Baliw ka talaga," natatawa pa ring sambit niya.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon