A/N: Last chapter! :)
-
"MY GOD, girl. Ang guwapo ng kuya mo. Yummy," parang na-starstruck na sambit ni Demi habang inihahatid nito ng tingin ang papalayong bulto ng Kuya Pete niya. May pakagat-kagat pa sa labi ang gaga.
She chuckled. They were at the beach. Binisita siya ni Demi at sa beach sila nagkita para deretso pasyal na. Palagay ang kuya niya na iwan siya kay Demi kahit iyon pa lang ang unang beses na na-meet ng mga ito ang isa't isa. May aasikasuhin pa kasi sa office ang kapatid niya.
"Siyempre, kuya ko 'yan. Habulin din 'yan ng chicks," aniya.
"Kung 'di ko lang knows na kapatid mo siya, iisipin kong siya ang panglimang member ng Fiery Hearts. May girlfriend na? Baka puwede akong mag-apply," malanding humagikgik ang bakla.
"Sabi nga nila, si Kuya ang long lost member ng Fiery Hearts. Wala siyang girlfriend. Pero nakadalawa siya dati. Ewan ko lang kung may fling ngayon si Kuya. Simpleng playboy din ang isang 'yon, eh," naiiling na sabi ni Addie. "Kaya magkasundo sila ni Ross. Nirereto ko nga siya kay Melody kaso may nagugustuhan na ang babaitang 'yon na hanggang ngayon hindi ko pa kilala."
Biglang umasim ang hitsura ni Demi at iniba ang topic. "So, kumusta na, sister? Bruha ka. Bakit blooming ka? Ganyan ba ang nagagawa ng buntis?" nakapameywang na usisa nito.
"Hindi porke't buntis, hindi na puwedeng maging blooming? And FYI, matagal na akong dyosa, 'no," natatawang pagyayabang niya.
"Spill me the tea, girl. Ano na'ng latest sa inyong dalawa? Base kasi sa kuwento mo, parang nililigawan ka ulit ni Fafa Levi."
Bumuntong-hininga siya at isinalaysay kay Demi ang mga nangyari sa nakaraang isang linggo.
"Why don't you ask him to explain, Addie? He wants you back in his life. Baka this time, totoong may feelings na ulit siya para sa 'yo," Demi suggested.
"Just because he wants me back in his life doesn't mean he has feelings for me. Ayoko nang umasa, Demi. Mahirap. Nakakatakot. Tingnan mo nga ang sinapit ko? My heart was torn into pieces again. Kasi umasa ako nang husto na magkakabalikan kami. Iyon pala..." hindi na niya itinuloy ang sinasabi.
"I understand. Pero si Fafa Levi na kasi ang lumalapit sa 'yo. Sa tingin mo ba, magpapaalipin siya kung hindi totoo ang sinasabi niya? Kung hindi siya seryoso sa 'yo? Kung wala siyang nararamdaman sa 'yo? Sinundan ka niya sa Florida para gawin lahat 'yon, Addie. I don't think he's just fooling around. Walang lalaki ang nasa tamang pag-iisip na magpakahirap dahil lang trip niya. Isa pa, wala akong nababalitaan sa Pinas na engaged na siya sa clown na 'yon." Umirap ito.
"Malay natin, baka nililihim lang nila ang relasyon nila? Katulad ng mga palihim nilang pagkikita kahit may kasunduan kami ni Levi."
"Eh, paano mo ie-explain 'yong narinig mong pinag-uusapan ng dalawang Maria sa CR na boyfriend na raw ng clown na 'yon si Fafa Levi? 'Sus. Baka sinadya lang iyon iparinig sa 'yo. Kasabwat ng higad. Seriously, Addie. Talk to Levi. Both of you really need to talk. This is the perfect time to do that kasi walang higad na eeksena. Kung hindi man mag-work, kung wala na talaga, at least may proper closure na kayo. Magkakaanak na kayo. One last time, do that for the sake of your baby."
Hindi na siya nagsalita pero napaisip siya sa sinabi ni Demi.
"Anyway, umamin ka, girl. Sinadya mo bang magpabuntis? That was your last option, right?" tanong ni Demi.
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18