CHAPTER 17

7.3K 278 43
                                    

A/N: Hindi ko sasabihing "I'm back" kasi lagi naman akong parang kabute rito, hahaha! Thank you sa paghihintay. Happy reading. :)

-

PADABOG na isinara ni Addie ang pinto. Agad naman uling bumukas iyon.

"Addie!"

"What? Pagsasabihan mo na naman ako?" maaskad niyang sabi. She was furious! Kumukulo ang dugo niya!

"What you did out there was out of line, Addie. What were you thinking?!" galit ding balik ni Levi. Wow. Ito pa ang may ganang magalit? Amazing!

"Tama lang 'yon sa babaeng 'yon kasi malandi siya! Nilalandi ka niya!"

"You pulled her hair and dragged her out of the place!"

"Oh, so concern ka sa haliparot na 'yon? Mas kinakampihan mo siya kaysa sa akin na girlfriend mo. Bakit, Levi? May namamagitan ba sa inyo ng babaeng 'yon, ha? Are you cheating on me now? Come to think of it. Ni hindi mo nga sinaway ang paglalandi sa 'yo ng babaeng 'yon, eh. Mukhang gustong-gusto mo pa. Nagpapalandi ka! Kung hindi pa ako dumating, hindi pa kayo maghihiwalay!"

"Walang namamagitan sa amin," mariin at tila nahahapong saad ni Levi. "My God, Addie! How many times do I have to tell you that? Ito na naman tayo. Paulit-ulit na lang! Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan kahit kaunti?"

"May tiwala ako sa 'yo, pero sa babaeng 'yon, wala."

"Hindi iyon ang nakikita ko."

She gritted her teeth in annoyance. "Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng 'yon?"

"Hindi ko siya pinagtatanggol. What I'm trying to say, hindi tama ang ginawa mo, Addie. You could've handled the situation in a proper way. Hindi mo kailangang daanin lahat sa pakikipag-away. Sa pag-e-eskandalo. At uulitin ko. Walang namamagitan sa amin. Ni hindi ko nga maalala ang pangalan niya. Hindi ko rin maalala kung saan ko siya nakita. Hindi ko siya nasaway agad kasi kahit ako nagulat nang bigla na lang niya akong yakapin. She just suddenly showed up. I love you. Hindi ko magagawang magtaksil sa 'yo. Hindi pa ba sapat iyon para paniwalaan mo ako? Para mawala ang pagdududa mo? Para hindi ka magselos?" Umiling ito. "Last week lang, may inaway ka."

Ang babaeng nagtanong ng direksiyon kay Levi ang tinutukoy nito. Inaway niya iyong babae. It turned out, genuine ang intention ng babae kay Levi. Kasama ng babae ang boyfriend na hindi niya nakita kasi bumibili ng kape sa Starbucks. First time daw ng mga ito sa Manila kaya hindi familiar sa directions. Pero wala siyang pakialam. Ayaw niyang may ibang babaeng lumalapit kay Levi maliban sa kanya!

"Malala na ang pagiging selosa mo, Addie. Lahat na lang ng babaeng makita mo pinagseselosan mo. I'm afraid na baka ikapahamak mo iyan."

She scoffed. "So kung mapahamak ako, pababayaan mo lang ako, gano'n?"

"That's not what I meant—"

"It's okay. Whatever. I don't care," she interrupted with a shrug. Kinuha ni Addie ang duffel bag at isinukbit sa balikat.

"Where are you going?" nagtatakang tanong nito at pinigilan siya sa palapulsuhan.

"Kay Melody. Pumayag akong mamasyal kami. Baka sa makalawa na ako babalik."

"What? What about our trip to Cebu? Bukas na ng umaga ang flight natin."

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon