CHAPTER 14

7.4K 267 58
                                    

ADDIE'S plan was going smoothly. Naaayon lahat sa gusto niya. Honestly, hindi niya inakalang madali niyang mae-execute ang plano. Ang akala rin niya, magiging mailap si Levi kapag binabalik-tanaw nila ang kanilang relasyon. He was the one who broke up with her, right? Pero masaya siya sa tinatakbo ng lahat.

For her, it didn't feel like they broke up. Everything was coming naturally. It was like they were creating new memories at the same places but much stronger. Sisiguraduhin niyang wala na itong kawala sa kanya.

Levi was intoxicated by her body. At patuloy niyang gagamitin ang katawan para lalo itong mahumaling sa kanya. Hindi na siya pakakawalan. With all his actions and reactions, mas umigting ang paniniwala niyang magtatagumpay siya. He would fall in love with her again. For the second time.

Napapiksi si Addie nang may yumakap sa likod niya habang nagluluto. Napangiti siya.

"Hmm. Ang sexy naman ng chef na 'yan. Mabango pa," anas ni Levi. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok. She gasped slightly when his mouth wandered around her nape. Pinaulanan nito ng magagaang halik ang batok niya. A ticklish sensation surged her tummy. Napahigpit ang hawak niya sa sandok. "What's for lunch, Miss Sexy Chef?"

"Pinakbet."

"Pinakbet," ulit nito. "Nakakagutom. I can't wait to eat you."

"Ano?"

He chuckled. "I can't wait to eat your pinakbet."

Nangingiting napailing-iling siya. Siyempre, gusto rin niyang siya ang kainin nito.

She giggled inwardly.

Nanatiling nakayakap si Levi sa kanya. She didn't mind at all. Gustong-gusto pa nga niyang malapit ito sa kanya. Lalo siyang ginaganahang magluto.

"Excited na ako sa launching ng pabango mo," kapagkuwan ay sabi niya habang hinahalo ang mga rekados. Next week na mag-uumpisa si Addie bilang product photographer ng Stanford Fragrance. Siya rin ang photographer ng image models ng pabango.

Tumigil si Levi sa paghalik sa batok niya at isinandal ang baba sa balikat niya. "You are?"

Tumango siya. "I'm still your number one supporter, Levi. Some things will never change." Like my love for you. "I'm sure best seller na naman ang pabango mo. Ikaw pa."

He felt him smile.

"Also, ako pa rin ang number one fan ng banda n'yo."

"Thanks, babe."

Muli siya nitong ginawaran ng maliliit na halik sa batok at balikat. Hanggang sa matapos siyang magluto ay naglalambing pa rin ito. Pinatay niya ang electric stove. Humarap siya rito.

"Damn. Ang hot mong tingnan habang nagluluto, Addie. Pero nakaka-miss 'yong time na para kang nakikipaglaban sa kawali 'tapos hawak-hawak mo ang takip panangga para hindi ka matalsikan ng mantika. Muntik ka pang madulas." Naaaliw na tumawa si Levi. Inaksiyon-aksiyon pa nito kung paano siya "nakipaglaban" sa kawali.

She remembered that. Imbes na tulungan siya, v-in-ideo-han pa siya ng kumag.

Sumama ang timpla ng mukha niya. "Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Of course not," anito na tumatawa naman. The brute!

"Levi!"

"Sorry, sorry." Nakangiting itinaas nito ang dalawang kamay.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon