"THAT'S a wrap, Phoebe! Good job," nasisiyahang nag-thumbs up si Addie sa modelo. Nginitian siya nito.
Matapos pag-usapan ang mga picture ni Phoebe Castillo kasama ang manager at editor-in-chief ng Glamour magazine, nag-pack up na si Addie. May two days pa silang photoshoot.
Pag-uwi niya sa condo, agad niyang ibinagsak ang katawan sa kama at pumikit. Pero bigla rin siyang napamulat nang may maalala. Kinuha niya ang cell phone sa bag. She got a text message from him.
Napangiti siya nang malapad at nag-reply. Saglit silang nagpalitan ng text. Eksaktong paglapag niya ng cell phone sa bedside table ay tumunog ang doorbell. Sino naman kaya ang bisita niya? Tumayo siya para pagbuksan iyon.
"Hi."
"Melody!"
Nagtilian sila at nagyakapan. Nag-evaporate ang pagod ni Addie pagkakita sa kaibigan. Kung si Demi ang best friend niyang binabae, si Melody naman ang best friend niyang babae.
"Bruha ka! Kailan ka pa nakauwi? Hindi ka man lang nagpasabi," aniya. Galing itong France. Doon nagbakasyon ang family nito. Katrabaho rin niya sa Capture Beauty si Melody.
Tumawa ito. "Surprise! Kaninang umaga ako dumating. May kaunting jetlag pa ako pero hindi kita matiis na hindi puntahan, eh. I missed you, girl!"
"I missed you, too."
"Marami akong pasalubong sa 'yo. Dyaran!" anito sabay taas ng dalawang malalaking cloth bag na noon lamang niya napansing dala nito.
"Bongga! Ang dami naman niyan."
"'Sus. Kunwari ka pa. Gustong-gusto mo naman."
She chuckled. Siya na ang nagbuhat ng dala nito at pinapasok ito sa loob. "In fairness, ha. Hiyang ka sa France. Gumanda ka, girl," komento ni Addie habang inilalapag ang mga bag ng pasalubong sa carpeted floor.
"Bakit? Dati ba hindi ako maganda?"
She rolled her eyes. "Lalong gumanda."
"'Yan. Honest tayo dapat, okay? Ang dami kasing guwapo sa France. Busog na busog ang mga mata ko," kinikilig na sambit ni Melody. Kumislap din ang mga mata nito na para talagang may exciting na naganap sa France.
Tinulungan siya nitong maghanda ng snacks. Tikman daw niya ang iniuwi nitong salted-caramel cookies.
"Masarap nga," tumatangong sabi niya. Bahagya siyang natigilan, pagkatapos ay napangisi. Iba ang naisip niya sa salitang masarap. His big and long rod suddenly popped in her head. Masarap na masarap.
My God, Addie. Ang green-green mo na.
Lihim siyang napahagikgik.
"I knew you'll like it. Paborito ko 'yan," ani Melody na walang kamalay-malay sa tumatakbo sa isip niya. Sinabayan siya nitong kumain. "So, kumusta ka na?" Naging malamlam ang mukha nito. "I really felt bad na wala ako no'ng—"
"Ano ka ba, okay lang!" sansala niya at ikinumpas ang isang kamay. "Don't worry about me, Mel. In fact, I'm doing great."
Kumunot ang noo nito. Pinakatitigan siyang mabuti.
Uh-oh. "What?"
"Magsabi ka nga sa akin ng totoo. May ginawa ka bang kalokohan?"
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18