A/N: Guys, sorry kung now lang nakapag-update. Malakas ang tawag ng realidad, eh. Haha. May mga inaasikaso lang. But rest assured na tatapusin ko ang mga pino-post kong stories dito. Nakakatuwa lang na may nakaka-miss ng updates ko, ahaha! Anyways, ito na ang CHAPTER 9 nila Levi at Addie! Happy reading, mga cuteness!
- Heidi
-
"NA-SEND mo na?"
"Oo," nanggigigil na sagot ni Addie kay Demi. Ang lalaking iyon. Lumalandi sa ibang babae!
Kung hindi pa sinabi ng secret source niya, hindi niya malalaman. Ganoon ba talaga kadesperado si Levi na alisin siya sa buhay nito?
Kumirot ang dibdib niya. Pero agad ding pinalis ang nararamdaman. At least, na-confirm niyang wala itong relasyon kay Farrah. Hindi papatol si Levi sa ibang babae kung may namamagitan sa mga ito.
Mas kailangan niyang bilisan ang kilos.
Iyong mga litratong s-in-end niya kay Levi ay tinawag niyang "red fantasy pictures". Naisip ni Addie ang ideyang iyon sa last day ng photoshoot ni Phoebe Castillo. Kinunan niya iyon sa pag-aaring maliit na studio. Kunwari maro-wrong send siya kay Levi at hihingi ng sorry na hindi para rito ang pictures, pero part iyon ng pang-aakit niya. Confident siyang hindi magdududa ang lalaki kasi maraming beses na siyang na-wrong send dito. Hindi naman niya ine-expect na magagamit talaga niya ang pictures at times like this.
"Bakit kasi hindi ka na lang magpabuntis para tapos ang problema mo?" pasigaw na suhestiyon ni Demi. Sa sobrang ingay ng bar, hindi sila magkakarinigan kung hindi sisigaw. Lalo pa't nasa gitna sila ng dance floor. Gusto kasing ma-sight nang malapitan ni Demi ang guy na natipuhan nito kaya naki-join sila sa sayawan.
She sighed. "I told you, hindi puwede!"
Sa totoo lang, maraming beses na siyang na-tempt na gawin iyon. Ang pikutin si Levi. Mas madali nga iyon pero ayaw niya. Ayaw niyang gamitin ang magiging baby nila para balikan siya ng binata. Gusto niyang magkaroon sila ng anak out of love, hindi out of lust. Sa sitwasyon ngayon, si Addie na lang ang nagmamahal. Gusto niyang mahalin uli siya ni Levi bago sila magkaanak.
"Ikaw din, girl. Baka maunahan ka. Katulad ng ibinalita sa 'yo."
"I won't let that happen," she replied, determined. But a little part of her had doubts. If that ever happened, no choice siya. Madali lang namang sabihin na nakalimutan niyang mag-take ng pills.
Natigilan si Addie. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kakaiba. Biglang nagtayuan ang balahibo niya sa batok. Napako siya sa kinatatayuan at may puwersang kumikiliti sa sikmura niya. Parang may nakatingin din sa kanya. It was intense. Para iyong magnet na pilit siyang hinihigop, nanunuot hanggang buto.
"Oh, my God!"
Magtatanong na sana siya pero hinapit na siya ni Demi sa baywang.
"What?"
"Tumingin ka sa kaliwa, sa bandang dulo pero 'wag kang magpapahalata."
Nagtataka man pero tumalima siya. Dahan-dahan niyang nilingon ang direksiyong sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niya nang matagpuan ang tinutukoy. Mabilis niyang ibinalik ang tingin kay Demi. "OMG!" She was freaking out. She felt like her heart would pop out of her chest. Naroon si Levi!
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18