CHAPTER 6

9.3K 315 74
                                    

"HEY, GORGEOUS."

Her heart raced. Shit.

Hindi alam ni Addie kung matutuwa o maiinis dahil naging instant famous siya sa Monica Verde. Naging "talk of the town" siya. Hindi niya pinangarap maging sikat. Nagsimula lang naman iyon nang maka-engkuwentro niya ang aroganteng lalaki na Levi Arkeos Stanford pala ang pangalan.

Unfortunately, that jerk, which she concluded right, was tremendously popular at their university. A half-British Chemical Engineering student, two years her senior, and the lead vocalist of the band called Fiery Hearts.

Ang tatlo pang miyembro ng banda ay sikat din. Mula pagkabata, magkakaibigan na ang mga ito. Magkakaibigan din ang pamilya. They were like MVU's modern version of F4. Iyong tipong bigyan ka lang ng tissue ng isang member ng Fiery Hearts, pag-uusapan ka na.

Nalaman din niyang si Levi ang kaisa-isang anak nina Leviticus at Arabella Stanford. Ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng Stanford Fragrance. Iyon ang paboritong brand ng pabango ng mama niya. Regaluhan lang ng SF perfume ang mama niya, magtatalon na ito sa tuwa. Well, hindi niya masisisi ang ina kung ganoon na lang ito katuwa kasi kahit siya, nagustuhan din ang product. The perfume could last up to seventy-two hours. No wonder na nakasama ang Stanford Fragrance sa top 20 best-selling perfumes around the world. Stanford Fragrance was originally founded in England by his pure blooded British father. Pero nang makapangasawa ng Filipina si Leviticus, sa Pilipinas na ito nanirahan at sa bansa itinayo ang main company at manufacturing company.

Ang liit talaga ng mundo. Sino'ng mag-aakala na magiging kaeskuwela niya ang nag-iisang anak ng mag-asawang Stanford? Aware naman siyang maraming nag-aaral na mayayaman sa MVU pero nakakamangha pa ring isipin.

At ang nakakainis pa, hindi siya tinatantanan ni Levi. He was everywhere! Lagi siya nitong sinusundan, kinukulit. Katulad ngayon. Hindi tuloy mapalagay ang puso, isip, at katawan niya. She felt like she was in danger—sweet danger.

"Sweetheart."

Grr! Hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-aayos ng gamit sa locker. She could sense his hot stares and it was making her hot, too. Damn it.

Pasimple siyang napalunok. Nararamdaman din niyang pinagtitinginan sila ng mga tao. Parang gusto niyang pagsisihan na pinatulan niya ang lalaki. Pero bakit ba? Ininsulto siya nito, papayag na lang ba siya?

"Uy, ganda."

Kinuha ni Addie ang notebook sa locker at isiniksik sa loob ng sling bag. Binilisan niya ang kilos.

"Ayaw mo ng gorgeous? Ganda? Cupcake?" Tumawa ito.

Naggiritan ang mga ngipin niya. Ang kulit talaga!

"Babe."

Doon na siya napatingin dito.

Nanunuksong ngumiti ang talipandas. "Uuuyy... So you like to be called babe, huh? From now on, 'babe' na ang endearment ko sa 'yo."

Nag-init ang mga pisngi niya. "A-Addie ang pangalan ko, hindi babe kaya 'wag mo akong tawaging ganyan!" Padabog na isinara niya ang locker at nilayasan ito. Pero mabilis itong umagapay sa paglalakad niya. Ugh!

"How about lunch tomorrow, babe? My treat."

"Tigilan mo ang pagsunod-sunod sa akin," naiinis nang wika niya.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon