CHAPTER 4

8.3K 284 47
                                    

LUMABAS sa ilong ni Demi ang iniinom na ginger ale nang sabihin ni Addie ang "mainit" na plano niya. Hinitit ito ng ubo at muntik pang mahulog sa kinauupuang sofa. Nasa bahay sila nito. T-in-ext niya itong pupunta siya roon. Tamang-tama kasi wala itong pasok sa office.

"Okay ka lang? Mukhang nagulat kita masyado, ah," natatawang puna niya kay Demi. Hindi maipinta ang mukha nito sa gulat.

"Gaga! Sino'ng hindi magugulat kung ang virgin mong frenny ay biglang magsasabi na gusto niyang makipag-breakup sex sa ex-jowabells niya? Sabihin mo nga!" gigil na bulalas nito, kulang na lang ay sabunutan siya. Pinunasan nito ang ilong at bibig. "Are you serious?"

"Dead serious." Thanks to the girl at the restaurant. She gave her the brilliant idea.

"OMG!" Kumuha si Demi ng isang bote ng brandy at ice bucket. Nang salinan ang baso ay sunod-sunod itong uminom.

"Whoa! Are you planning to get drunk, girl?"

"I need a hard drink in order to digest everything you're going to say, hon. And you know that my alcohol tolerance is high. So spill. Ano'ng pumasok sa virgin coconut shell mo at naisip mong makipag-chukchakan kay Fafa Levi?"

Natawa si Addie sa term na ginamit nito. "Ito ang naisip kong mabisang paraan para bumalik sa akin si Levi. I'll seduce him with my body. Uumpisahan ko 'yon sa pakikipag-breakup sex sa kanya."

Tiningnan siya ng kaibigan na parang hindi naniniwalang kaya niya iyong gawin. Oh. Little did he know. "Wow, ha. Confident na confident ka yatang magwo-work ang plano mo? Kaya mo bang gawin iyon, girl? Ikaw?"

She grinned wickedly. "Sure na sure akong magwo-work, Demi. Dahil matagal nang may namamagitang tensiyon sa aming dalawa pero pinipigilan lang ni Levi ang sariling angkinin ako. Pero ngayon, sisiguraduhin kong matitibag ko ang self-control niya. Hinding-hindi na siya makakatanggi. Bibigay siya sa pang-aakit ko. Why am I confident? Hindi pa niya ako natitikman, eh. Siguradong maku-curious siya what is it like to fuck me. At sasamantalahin ko ang curiosity niyang iyon. I will turn his curiosity into madness. Pasasabikin ko siya nang husto." Napanganga si Demi. At bago ito makahuma ay nagsalita uli siya.

Ikinuwento niya nang minsang i-test niya kung hanggang saan aabot ang self-control ni Levi. Hindi siya nagtagumpay sa pang-aakit dito. Hindi niya alam kung paano napipigilan ng lalaki ang sariling angkinin siya. Pero sorry na lang ito. Hindi siya papayag na maghari ang self-control nito. She would make him lose not just control, but also his mind.

Ngayon siya nagpapasalamat na hindi sila nag-sex sa buong durasyon ng relasyon nil ni Levi. May alas siyang magagamit. Nakakatawa lang na hindi niya iyon agad naisip. At ang isa pa niyang pinanghahawakan?

"Totoong minahal kita, Addie. Ikaw ang unang babaeng minahal ko nang ganito. Ang nagparamdam sa akin ng mga kakaibang damdamin na hindi ko pa naramdaman kahit kailan."

Napangisi siya. At sisiguraduhin din niyang siya ang unang babaeng magpapabaliw kay Levi sa kama.

"Homaygad!" Inisang tungga na naman ni Demi ang alak sa snifter. Hindi na siya magugulat kung pati ice bucket ay tunggain din nito. Kumurap-kurap ito. "My gosh, bakla! Naloloka ang kagandahan ko sa 'yo! Hindi ko akalaing may ganyan kang side. Todo-tanggi ka pa noon, ha. 'Yon pala, may lihim ka ring pagnanasa kay Fafa Levi!"

Humagikgik siya. "There's no point in denying that now. Napag-isipan ko na rin itong mabuti, girl. Hymen is just a piece of flesh, anyway. Eh, kung ang kapalit naman ng pagkawala ng virginity ko ay ang happy every after namin ni Levi. Go, go, go na ako! At kung ito lang ang tanging paraan para mapasaakin uli siya, gagawin ko pa rin. Ganoon ko siya kamahal para pakawalan na lang basta. Hindi ako papayag na maagaw siya ng iba lalong-lalo na ang mapunta siya sa Farrah na 'yon. Over my dead sexy body!"

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon