CHAPTER 11

8K 285 29
                                    

"DITO?"

"Yup. Dito tayo mamamasyal."

Nakangiti si Addie habang pinagmamasdan ang building ng Monica Verde University. Sa gate three sila dadaan. Bagong pintura ang unibersidad. White at sky-blue ang motif niyon. Mukha pa ring pang-royalty ang dating.

"Omigosh. I missed this place. It's been a long time since I've been here." Nilingon niya si Levi. Natahimik kasi ito bigla. He was staring at her. "Bakit?"

"Kaya pala pinadala mo sa akin ang alumni ID ko. Dito pala tayo pupunta," anito.

Tumawa siya. "Ngayon mo lang nahulaan?"

Napatitig na naman ito sa kanya. Parang may gustong sabihin. Pero sa halip, ngumisi ito at hinapit siya sa baywang. Napasinghap siya. Halos maduling siya sa pagkakalapit ng kanilang mukha.

"I missed this place, too." His raspy voice soothed her ears. It sent volts in her veins. "This is the place where we first met, Adelaide. The place where I first laid my eyes on my goddess."

Napakurap-kurap siya. Napalunok. Hindi alam ni Addie kung ano'ng unang papansinin. Ang sinabi nito na nagpakabog sa dibdib niya? O ang paggamit nito ng "my" na ikinatuwa nang husto ng puso niya?

Dios mio.

Nevertheless, effective ulit ang pagdadala niya kay Levi sa lugar na iyon.

"Y-yeah," she stuttered. Tumikhim siya. "Tara na. Baba na tayo."

"Wait," pigil ni Levi sa kanya nang akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse. Ito ang unang bumaba, umikot sa kabilang panig, at pinagbuksan siya.

Nangingiting umiling-iling siya nang makababa ng kotse. "Akala ko naman kung ano na. Thanks, Mr. Gentleman." But deep inside, kinikilig siya sa mga simple gesture nito. He was just sweet.

He gave her a boyish grin. Her heart flipped. "My pleasure, babe." She laughed heartily when he curtsied. Inakay na siya nito sa entrance. Napaisip pa ang guard na nag-inspect sa mga gamit nila kasi mukha raw silang pamilyar.

Lalong napuno ng excitement si Addie pagkakita sa kabuuan ng university. Na-delay nga ng limang araw ang pamamasyal nila kasi naging busy si Levi sa trabaho. Bukod sa kailangan nitong asikasuhin ang huling pabango sa set na ila-launch ng SF next month, nagkaproblema pa sa isang branch ng laboratory nito sa Quezon City. At kung kailan naman ito free, saka siya naging abala.

Unfortunately, client ni Addie ngayon si Farrah. Hindi siya puwedeng tumanggi. Bukod sa siya raw ang ni-request ng ama ni Farrah na maging photographer para sa new cosmetics line, hindi siya ang tipo na dinadamay ang trabaho sa personal issues. Professional siya.

Pero goodness, parang gusto niyang pagsisihan kasi ang hirap katrabaho ni Farrah! Hindi ito marunong mag-pose! Napakatigas ng katawan nito. Siya pa ang nag-i-instruct dito ng mga tamang anggulo. Hindi niya alam kung paano ito naging model sa lagay na iyon.

And Farrah's new cosmetics line was horrible! Hindi naman sa panlalait pero kahit sinong hindi makeup enthusiast, ganoon ang magiging reaksiyon kapag nakita ang makeup. Si Farrah ang gumawa niyon. Ang yabang pa ng gaga. Ipinagduldulan pa sa mukha niya kung gaano ito kagaling. Eh, lalo lang namang naging harina ang pagmumukha.

Tatlong araw pa makakasama ni Addie si Farrah. Tatlong araw pa niya pagtitiisan ang ilusyon nito.

"Ang dami nang ipinagbago ng MVU," komento ni Addie habang naglalakad sila sa hallway. Bagong pintura din ang rebulto ng malaking golden eagle na simbolo ng university. Napangiti siya nang akbayan ni Levi. At siyempre, sumiksik siya sa katawan nito at pasimple itong inamoy. Hay, ang bango talaga.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon