CHAPTER 8

10K 312 122
                                    

A/N: Hi, guys! Subscribe naman kayo sa YouTube channel ko. Type n'yo lang Duchess Marissa. Nilagay ko rin 'yong link ng kalimba cover video ko sa taas, click n'yo lang din 'yon. Thank you! ^_^ ♥


NAKANGITING nakipagkamay si Levi kay Hans Bryner, ang half-Filipino, half-Swiss niyang kliyente. The deal was closed. Sa Serenity Beach Resort sa La Union na pag-aari ni Ross sila nag-meet. In-insist niyang sa La Union sila magkita since doon manggagaling si Hans at malapit lang ang location nito sa resort. He planned to stay for a couple of hours before going back to Manila. He made the right decision because the weather was perfect—perfect to clear his clouded mind.

Gumawi ang tingin niya sa direksiyon ng dagat. Hindi pa man niya nahihigop ang pineapple juice sa straw pero para na siyang nasamid. He saw Addie coming out of the water!

Fuck! What is she doing here?

Tila nag-slow motion sa paningin ni Levi ang pag-ahon ni Addie sa tubig. Nakasapo ang dalawang kamay nito sa basang buhok. Hindi kalayuan ang kinapupuwestuhan ng umbrella chair nila sa shore kaya kitang-kita niya ito. Pero kahit gaano pa ito kalayo, mapapansin pa rin niya si Addoe.

Natuon ang mga mata niya sa magandang hubog ng katawan ni Addie. Napalunok siya. Bagay na bagay dito ang suot na red swimsuit. She looked so fucking sexy. She got curves in all the right places. Lalong nalantad ang maputi at makinis nitong balat. Nakadagdag sa alindog ni Addie ang basang katawan. She was like the goddess of the sea. Kusang nag-play sa utak niya ang mainit na pinagsaluhan nila noong gabing iyon. Na hindi naman nawaglit sa isipan niya. Kung paano malayang nag-explore ang mga kamay niya sa katawan nito. Kung paano niya pinanggigilan ang maumbok nitong dibdib. Kung paano niya inangkin ang katawang iyon. Tinigasan siya.

Shit!

Tinungga niya ang laman ng baso imbes na sa straw. Fuck! Akala niya, matatahimik siya sa beach resort kaya nga siya mananatili roon ng ilang oras. Dahil sa tuwing nasa loob siya ng opisina, ang imahe ng hubad na katawan ni Addie ang nakikita niya. Pero nagkamali siya. Mukhang tino-torture talaga siya ng tadhana.

Naiinis din siya sa mga lalaking nakatingin dito. Pawang may paghanga sa mukha. Parang gusto niyang pagtutusukin ang mata ng mga gago. Pinigilan niya ang sariling tumayo, hilahin si Addie at itago para hindi na ito pagpiyestahan ng mga buwitre sa paligid. Hindi naman iyon ang kauna-unahang beses na nag-swimsuit ang babae sa public, at marami na rin ang nakakita ng seksing katawan nito, pero naiinis pa rin siya. Naiirita. Mula nang may mangyari sa kanila, parang gusto niyang ipagdamot ang dalaga.

Pero mas may hindi pa pala siya magugustuhan. Napamura siya. Nagdilim ang paningin niya. Hindi pala nag-iisa si Addie. Kasama nito si Dimitri Alonzo! Nagde-date ba ang mga ito sa resort?

Nagtagis ang mga bagang ni Levi nang pa-bridal style na binuhat ni Dimitri si Addie at inihagis sa tubig. Tawa naman nang tawa si Addie. Tinulungan ito ni Dimitri na tumayo saka muling binuhat. Kapit na kapit naman si Addie sa leeg ni Dimitri. Kapit na kapit na rin ang kamao niya.

Sumipol si Hans. Noon lang niya napansing kasama pa pala niya ito. "Wow. That woman is so hot. She looks familiar, though."

Kunot ang noong binalingan niya ito. Nakatingin din pala ito kay Addie! Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Don't look at her."

"Why?" napapantastikuhang tanong ni Hans. Hindi pansin ang nagbabaga niyang tingin. Wala rin siyang pakialam kung client niya ito at kaka-close lang nila ng business deal. "Do you know her? I'm just appreciating her beauty."

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon