CHAPTER 20

7.8K 304 85
                                    

A/N: Thank you sa matiyagang paghihintay ng update, hihi. <3

-

Florida, USA

NAGULAT ang kuya ni Addie nang pagbuksan siya nito ng pinto.

"Addie?"

"Kuya!" Kaagad niya itong niyakap, kasabay ng paghikbi. Buwisit. Nangako siya sa sarili na hindi na iiyak. Na hindi siya magpapakita ng kahinaan. Pero nang makita ang mukha ng nakatatandang kapatid ay tila running water na bumuhos ang emosyon niya. Lalo siguro kung ang ina niya ang nagbukas ng pinto.

Mahigpit na tinugon ni Kuya Pete ang yakap niya. Inalo-alo nito ang likod niya at banayad na hinaplos ang buhok niya.

"Na-miss kita," sumisinghot na usal ni Addie. Kumalas siya rito.

"Enough para humagulgol ka nang ganyan? Tingnan mo, o. Tumutulo pa ang sipon mo. Uhugin ka pa rin." Nakangising ginulo nito ang buhok niya.

"Kuya naman, eh. Nakakainis ka. Ngayon nga lang ulit tayo nagkita sa personal at hindi sa video call, inaasar mo pa 'ko. Bully!" She pulled her handkerchief and wiped her damped face.

Ngumiti ito. "Baby sis. When you said you'll be here soon, I didn't expect it to be this sooner."

"Surprise nga, eh. At saka matagal ko na talagang balak magbakasyon dito." Napaaga lang. At ang akala ko, makakasama ko siya. "No'ng tinawagan mo ako, settled na ang leave at VISA ko."

"Tinawagan mo sana ako para nasundo ka namin sa airport. 'Buti hindi ka naligaw. Wala ka pa namang sense of direction."

Pinameywangan niya ito. "Hello, dalawang beses na kaya akong nakauwi rito sa bahay natin sa Florida. Hindi ako maliligaw. Wala kang tiwala sa kakayahan ko, ah."

"Hmm, let me think..." Ipinatong ni Kuya Pete ang hintuturo sa baba at tumingin sa floor. "That was three... four years go."

Yes, she was with Levi when she last visited her family in Florida.

Damn it! Lihim na ipinilig ni Addie ang ulo. Hindi na dapat niya iniisip ang lalaking iyon!

"Sobrang tagal na panahon na mula nang huli kang dumalaw rito," her brother continued. "Kaya siguro wala akong tiwala sa GPS mo. I also doubt if you have one."

Inirapan niya ito. "Hmp!"

He chuckled. "I'm just kidding. Ayaw ko lang mapahamak ang bunsong kapatid ko. You're still the baby of the family kahit twenty-seven ka na." Ginulo na naman nito ang buhok niya. Siguradong para nang binagyo iyon. But she didn't mind. Gustong-gusto pa nga niya. She missed him doing that to her. Maliban sa pagtawag nito sa kanya ng Addie-das. Asar na asar siya. 'Tapos, niregaluhan pa siya ng sapatos na Adidas noong twentieth birthday niya. Ganoon kalakas mang-asar ang kuya niya. 'Buti nga tumigil na ito sa pagtawag sa kanya nang ganoon.

Napangiti siya. "Where's Mama?"

"In the kitchen. She's preparing dinner. Puntahan mo na. I'm sure magugulat 'yon. Missed na missed ka na, eh. Iaakyat ko lang itong mga gamit mo sa kuwarto mo."

Hindi niya tuloy maiwasang ma-guilty. Ngayon lang uli niya nadalaw ang pamilya. Babawi siya sa mga ito. "Thanks, Kuya Pete." Hindi na rin siya makapaghintay na makita at mayakap ang Mama Alena nila.

Excited na tinahak ni Addie ang kusina. Pero bago iyon ay nahuli pa niya ang pagdilim ng mukha ni Kuya Pete at ang pagtatagis ng panga nito habang binubuhat ang mga gamit niya.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon