A/N: Thank you po sa nagla-like ng FB page ko na Heidi Star PHR. :) Enjoy reading! ♥♥♥
-
"YES! I win! I'm the king of the world!"
"No, you're not!" Tumatawang itinulak ni Addie si Levi. Nabitawan nito ang tumbler na nasa carry pouch.
Nginisihan lang siya nito. "You're just bitter because I came here first. Finally, natalo na kita." Pinulot nito ang tumbler.
"Kasi madaya ka. Kung kailan malapit na tayo sa tuktok, saka ka tumakbo," naiiling na pakli niya.
"That's what you call strategy, babe."
"Fine, fine. I'll let you pass this time. Tutal, ito ang unang beses na natalo mo ako. Iyon nga lang, hindi malinis ang pagkakapanalo mo, babe," pang-aalaska niya.
Pinanggigilan ni Levi ang ilong niya. "Grabe ka talaga sa akin. Hindi mo sinusuportahan ang simpleng kaligayahan ko. Hater."
Tumawa siya.
Hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon na lang kasidhi ang kagustuhan ni Levi na matalo siya. Niyaya niya kasi itong mag-hike. Palagi niya itong nauunahan na makarating sa itaas ng bundok, pagkatapos aasarin at tatawanan niya.
Sanay na sanay siyang umakyat ng bundok kasi sa bundok nakatirik ang bahay nila sa Baguio at iyon ang pastime nila ng mga kaibigan niya roon.
She loved taking photos of the mountains, kaya kahit lumawit ang dila ni Levi sa kakaakyat, willing pa rin itong samahan siya. He said he wanted to please her and see her happy. Niregaluhan pa siya nito ng dream camera niya.
Levi introduced that mountain to her. He brought her there after their college intramurals. Hindi masyadong mataas ang bundok. Madali lang akyatin. It would only take three hours to summit but the travel time from Manila was five hours.
Nakapikit na sinamyo ni Addie ang malamig at preskong hangin. Napangiti siya. Kahit maraming beses na nilang naakyat ang bundok na iyon, hindi pa rin nagbabago ang gandang taglay niyon. Para pa ring first time ang feeling kapag inaakyat.
Nang yayain niya si Levi na mag-hiking sa bundok na iyon—na kasama sa plano niya—ay pumayag agad ito. Na-excite pa. Akala nga niya, mag-aalangan na naman ito katulad ng pagdadala niya rito sa MVU. Napansin niya iyon, pero ipinagkibit-balikat lang niya at nag-focus sa plano.
But this time, hindi ito nag-alangan. Game na game pa. Sa wakas daw, may chance na itong maunahan siyang makarating sa bundok.
Another reason para umasa siya.
Napasinghap si Addie nang bigla na lang ikinulong ni Levi sa mga palad nito ang mukha niya, pinihit paharap dito, at tiningnan siya nang matiim. Nagtama ang kanilang paningin. Kumabog ang puso niya.
Dios mio naman. Bakit ba bigla-bigla itong nanununggab ng mukha? Ang lapit-lapit pa ng mukha nila sa isa't isa.
"Nagre-reminisce ka ba ng memories dito?" Mahina lang ang pagkakatanong nito pero sapat na upang marinig niya.
"O-Oo," nakatangong sagot niya.
Masuyo siya nitong nginitian. "Kasama naman ba ako diyan?"
Inismiran niya ito. "Oo naman, 'no. Ikaw ang nagdala sa akin dito, eh. Siyempre, automatic na malaking part ka ng memories ko sa bundok na ito. Isa pa... dito ko na-realize na mahal kita."
"At dito mo rin ako sinagot," mabilis na dugtong ni Levi. Nagpatuloy ito. "Sa bundok na ito ko rin inamin na in love ako sa 'yo. After I kissed you senselessly. You were so stunned by my confession. As if namang hindi ko pa naiparating at naiparamdam sa 'yo ang feelings ko. Na seryoso ako sa 'yo."
BINABASA MO ANG
PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔
RomanceLEVI STANFORD (FIERY HEARTS SERIES BOOK 1) SPG/R-18