EPILOGUE

11.6K 340 134
                                    

Two weeks later

INALALAYAN ni Levi si Addie na bumaba ng kotse nito. Kagagaling lang nila sa Baguio. Dinalaw nila ang puntod ng kanyang ama. Sumama ang mga kaibigan nila. Ang akala niya, gusto lang din magbigay ng respeto sa kanyang ama ang mga kaibigan kaya sumama. Iyon pala, may balak ulit magpo-propose si Levi!

Natatawa na lang si Addie. That was her third proposal, honestly. His second proposal happened at Mang Pepito's. He rented the whole place for a day. Akala niya, magla-lunch lang sila. Wala siyang kaide-ideya!

Levi showed her slideshows of her stolen shots. Mula sa unang taon ng kanilang relasyon hanggang sa kasalukuyan. Pati iyong natutulog siyang nakanganga ay isinama nito. Then a video played. Nag-hire si Levi ng actors para i-reenact kung paano sila nagkakilala. That was really sweet. All her loved ones were present. She cried a lot with so much happiness. Lalo siyang na-in love kay Levi, ang kanyang fiancé.

Hindi raw kasi na-savor ni Levi ang moment ng una nitong proposal sa beach sa Florida dahil nga nawalan ng malay. Paggising nito, nasa hospital na. Inis na inis ito. Natawa na lang siya at pinakalma ito. Mabuti na lang, hindi malala ang tama ni Levi. No concussions or hemorrhage. Tinulungan siya ni Demi na madala ang fiancé sa hospital at sinamahan. Humingi rin ng sorry ang parents ng teenager na nakatama ng soccer ball kay Levi.

Parang kailan lang, nangangarap pa siya't inaasam na finally, aalukin na siya ni Levi na magpakasal pero nauwi sa hiwalayan. Ngayon, quota'ng-quota siya. Bawing-bawi.

After two weeks, bumalik sila sa Pilipinas upang ipaalam sa parents ni Levi na nagkabalikan na sila at engaged na. Tuwang-tuwa ang mag-asawang Stanford. Next week na ang kasal nila.

Minadali ni Levi ang pag-aasikaso sa kasal nila. Hindi na raw kasi ito makapaghintay na maikasal sila. Gusto rin naman niya iyon kaya sumang-ayon siya agad. Gusto niya kasing hindi pa malaki ang tiyan niya kapag ikinasal. Sa totoo lang, kating-kati na siyang sabihin kay Levi na buntis siya pero pinipigilan niya ang sarili. Binilinan niya ang pamilya na huwag munang ipapaalam sa fiancé. She wanted to surprise him, as her wedding gift. Kaya nagsusuot na rin siya ng maluluwang na damit para hindi mahalata ni Levi ang growing baby bump niya.

Iyon nga lang, tuloy-tuloy ang paglilihi niya. Na-realize niyang pinaglilihian niya si Levi. May times na naiirita siya at ayaw itong kausapin. May times namang gusto niya itong nasa tabi lang niya, ika-cuddle niya, at hinahayaan siyang lamutakin ang mukha nito. Wala naman itong reklamo. Bagkus, tila aliw na aliw pa sa kanya. Pati cravings niya, handang hanapin ni Levi kahit sa malayong lugar pa makikita.

"Congrats ulit, guys," nakangising sabi ni Gray.

"Kayo pa rin pala ang magkakatuluyan sa huli. May pa-break-break pa kayong nalalaman," naiiling na wika ni Ross.

"Well, it's still a passionate breakup after everything that's happened. Levi and I both learned something from it," nakangiting binalingan ni Addie si Levi. Ginantihan din siya nito ng isang matamis na ngiti.

"Sabihan mo lang kami kung magpo-propose ka ulit, Levi," ani Staniel.

"Okay. Just wait for my call," tugon ni Levi.

Napamaang siya. Like, seriously?! "Oh, please. Tama na ang pagpo-propose mo, Levi," saway niya. "Quotan'ng-quota na ako. Tama na 'yong tatlong beses." Tumawa sina Staniel, Gray, at Ross.

"Ano naman ang masama ro'n, love? I don't mind proposing a thousand times. Ikaw naman ang babaeng aalukin ko ng kasal," malambing na pahayag ni Levi. He gave her a smooch on the lips. She giggled. Nakarinig sila ng mga reklamo.

PASSIONATE BREAKUP (Fiery Hearts #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon